Chapter 6: Pansin

30.9K 884 151
                                    

Three days ang intrams, pero second day pa lang, wala na akong boses. Kaya pagdating ng last day, wala akong mahiyaw nang nanalo sina Geanne at ang grupo niya sa sepak takraw. Second place overall kaming juniors at overall champion ang seniors.

Ang totoo, hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagbulong ni Aiden. How dare he invade my personal space? May pabulong-bulong pa siya. Naiinis ako. Hindi ko alam kung ano'ng eksaktong dahilan . . . basta naiinis ako. Simula tuloy noon, di na natigil ang pang-aasar sa 'min.

Buti na lang at may oras na may peace of mind ako, tulad nitong birthday ni Jake. After classes, umuwi muna ako as bahay para i-park ang bike ko saka nag-commute papunta sa fast-food restaurant kung saan kami mag-celebrate na magkakabarkada. Libre naman ni best puwet lahat. Ang weird lang na pagbalik ko galing banyo, wala na sina Geanne, Migs, at Nica.

"O, asan sila?" tanong ko.

"Sabi nila may bibilhin lang sila. Nagulat ako no'ng sumakay sila ng jeep," sagot naman ni Jake.

"Ha?! Ba't di mo pinigilan?"

"E, pa'no kung bumalik ka 'tapos nakita mong wala ako? Sino pati magbabantay ng gamit mo?"

"Mga sira talaga 'yon."

Alam ko naman kung bakit kami iniwan ng tatlong 'yon. Hanggang ngayon, umaasa pa rin silang may "something" kami ni Jake. Pero sanay naman na kami sa kanila. Lambing lang talaga nila 'yon.

Pero minsan napapaisip ako kung di ba talaga puwedeng maging pure friends ang isang babae at isang lalaki. Kailangan ba talagang "may something"?

Umupo ako. Kami na lang dalawa pero may limang sundae na nasa harap namin. Dahil favorite ko naman ang sundae, kinuha ko 'yung tatlo. Siya 'yung kumain ng dalawa.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng huling sundae habang sinasabi kung pa'nong hini-heal ng ice cream ang mga worry ko sa buhay nang biglang nagsalita si Jake.

"Mukhang nagkakadebelopan na kayo ni Aiden."

Nagulat ako. Siyempre, dumepensa ako. "Ha? Ano ka ba? Ikaw ang pinakanakakaalam sa lahat na maski hair root n'on, kinamumuhian ko."

"Muhi talaga?" kompirma ni Jake habang natatawa.

"Ako at si Aiden? Halos magkasalubong na ang langit at lupa sa aming dalawa, e. Tingin mo ba, gusto ko siya?"

"Nagdadasal ako na sana hindi."

Napatingin ako sa sundae. Nailang ako nang kaunti dahil first time magsabi ni Jake ng opinion niya sa isang schoolmate na tinutukso sa 'kin. Madalas, tinatawanan lang niya.

"Puwes tama yang dasal mo. Alam mo, kung magkakagusto ako, gusto ko sa isang katulad mo. Mabait, maasikaso, understanding, loyal, kilala ako—"

"Ba't hindi na lang ako?"

Napatigil ako sa pagkain ng ice cream at napatingin sa kanya. Kumabog ang dibdib ko sa kaba dahil hindi ko alam kung pa'no sasagutin 'yon.

Ngumiti si Jake at pinindot ang dulo ng ilong ko. "Joke."

"S-sira-ulo ka!"

"Kinabahan ka do'n?"

"Oo naman! Bigla ba namang gano'n ang sabihin mo?" tanong ko sabay subo. Pinunas ko na rin ang kamay ko sa tissue. "Huling subo na nga lang, manti-trip pa."

"Ano, tara na?"

"Di ba, dito maghihintay sundo mo?"

"Maghihintay lang naman 'yon."

Sumakay kami ng jeep. Habang nagbibiyahe kami, sumandal ako sa balikat niya. Hinawakan naman ni Jake ang kamay ko. Para sa 'kin, walang malisya yun dahil best friends naman kami.

Siya at Ako (Siya Book 1) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon