Isa sa mga una naming celebration ngayong September ang Birthday ni Migs. Nilibre niya rin kaming apat at siyempre, tuwang-tuwa kami sa reaksiyon niya dahil sa surprise ni Geanne para kay Migs: isang signed jersey mula sa favorite local basketball player niya. Habang ikinukuwento ni Geanne kung pa'no siya nag-secure ng ticket sa basketball game at naghanap ng puwedeng makapagpalapit sa kanya sa player na 'yon, binabaha siya ng halik ni Migs.
Minsan, napapaisip ako kung kaya ko bang gawin 'yon balang-araw: ang magsakripsiyo para sa taong mahal ko.
Hanggang Sabado, iyon ang nasa isip ko. Maski no'ng naghahanda na ako papunta sa mall dahil kailangan kong makabili ng materials pang-cross-stitch para sa arts subject namin, napapaisip pa rin ako.
"I guess not," sabi ko sa sarili ko nang makababa ako sa sasakyan. Sakto pang lovers na todo mag-PDA ang una kong nakita pagtawid ko.
Pumunta muna ako sa isang hundred-peso store. Tingin-tingin lang saka ako dumeretso sa bilihan ng pang-cross-stitch. Sabi ng arts teacher namin, kailangan daw ay landscape—'yung tig-twenty centimeters ang length at height.
Nang nag-check ako, di ko na napigilang bumulong. "Ang illusionada naman ni sir. Ang laki pa rin nito, 'tapos isang buwan lang namin tatapusin." Huminga ako nang malalim. "Pero okay, fine. For the love of education."
Pumili ako ng medyo madali lang at kaunti lang ang kailangang mga thread. Perfect itong Japanese landscape—
"Miss, meron ba kayong landscape na cross-stitch?" sabi ng isang pamilyar na boses. "'Yung parang langit?"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses na 'yon. Sumilip ako at—
"Shit," bulong ko nang nakita si Aiden.
Tumalikod na 'ko bago pa 'ko makita. Bakit lagi kaming pinagkikita nitong impaktong pinaglihi sa buntot ng uod na binadbaran ng asin?
"Kai?"
Kainis.
Paano niya ako nakilala kahit nakatalikod? Ugh. Huminga ako nang malalim. No choice. "Hi, Aiden," bati ko na may halong kasungitan sa tono.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya.
"Obviously, naghahanap din ako ng pang-cross-stitch."
"Akalain mo 'yon? Pinagkikita talaga tayo. We're meant to be. Soulmates ba? Siguro may gusto iparating ang langit."
"Ang gusto iparating ng langit ay huwag kang mag-ilusyon."
"Walang gano'n." Ngumiti si Aiden. "Positive lang ang gusto ng langit."
Umirap ako. "Tigil-tigilan mo 'ko sa mga langit-langit mo. Soulmate ka diyan? Soulmate-in mo neknek mo. O, siya na, ito lang naman ang pinunta ko." Saka ko pinakita ang hawak ko. Pumunta na rin ako sa cashier para magbayad.
"Uuwi ka na?" Nang tumango ako, napakamot siya ng ulo. "Ayaw mo mamasyal?"
"Mag-isa mo."
"Please?" pakyut pa niyang pakiusap.
"Hindi nga puwede."
"Please, Mommy Kyleen?"
Nag-make-face ako. "Akala mo nakakatuwa 'yan? Tigilan mo, Aiden Gabriel."
Natawa siya. "Please, Mommy—"
"Aiden!"
"Mommy."
Umirap ako. "Eww! Tigilan mo nga!" inis kong sabi. "Pamasahe ko na lang matitira pag binili ko 'to. Wala na 'kong pampasyal."
"Kung treat ko lahat, sama ka na?"
"Kahit pagkain? Pamasahe?"
"Lahat nga, e. Tingnan mo ang salitang lahat sa dictionary para di ka na magtanong."
BINABASA MO ANG
Siya at Ako (Siya Book 1) (Published)
Teen FictionNaniniwala si Kyleen Ylkivia Tuazon, o Kai, na magulo na ang buhay niya gawa ng mga pangyayaring nakapagpawala ng kanyang mga alaala at ng buhay ng isang kaibigan. Dahil dito, isinasabuhay niya ang isang tahimik na buhay-estudyante, malayo sa madala...