Minsan, natutulala na lang ako at iisipin si Aiden. Todo deny naman ako na may gusto ako sa kanya. Yuck, ha. Bakit sa unggoy na iyon pa ako magkakagusto? Kakain muna ako ng semento bago pa mangyari 'yon.
O, siguro padalang-dalang ang "pagkagusto" ko sa kanya. Tingin ko nga, hindi mismo sa kanya ako interesado kundi sa nakaraan niya sa kababata niya.
Puwede pala 'yon, ano? Ang ma-in love sa love.
"Jake," sabi ko habang nasa isip ko ang mga 'to. Lumingon naman sa 'kin si Jake, naghihintay lang ng mga sasabihin ko. "Puwede bang ma-in love sa love?"
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
Napakamot ako sa likod ng tenga ko, napapaisip kung pa'no ko ie-explain. "Ganito kasi 'yon. Tingin ko, in love ako—"
"In love ka? Kanino?"
"Teka lang naman," sagot ko sa gulat dahil sa reaksiyon niya. "Hindi sa kanino. Sa ano."
"'Wag mong sabihing . . . may pagka-bestial ka?"
Pinalo ko si Jake sa braso. "Ano ba 'yang pinag-iiisip mo! Hindi 'no!" Huminga ako nang malalim pagkatapos. "Tingin ko kasi . . . in love ako sa pagmamahalan nina Aiden at ng kababata niya. I-I mean . . . di ko ma-explain. Siguro mali ang term kong in love. Interested. Pero . . . I'm weirdly super interested. E, ano ba'ng paki ko ro'n, di ba? Sobrang nakapagtataka. Pero heto ako, kapag natutulala, napapaisip ako tungkol sa kanila."
Di muna nagsalita si Jake. Tulala lang. Akala ko pa nga, wala siyang reaksiyon. Baka wala siyang pakialam. Siniko ko siya para sabihing mag-move on na sa topic, pero nagtanong naman siya bigla: "Sigurado ka bang sa love ka nila in love? O baka naman kay Aiden mismo."
"Heto naman! Isa pang ulit. Tatamaan ka sa 'kin."
Ngumiti si Jake. "Tungkol sa sinasabi mo . . . di ko alam. Puwede ba 'yon?"
"Ewan. Mula no'ng nalaman ko ang tungkol sa kanila, parang nahiwagaan ako."
"Bakit? Ano ba'ng sinabi niya sa 'yo?"
"Minsan kasi napapatanong ako sa kanya kung may gusto ba siya sa 'kin." Napatigil agad ako at naging defensive. "I-I mean, tingnan mo naman! Kung makasakop ng espasyo at oras! 'Tapos, kung ano-ano pa ang sinasabi. Minsan ang isasagot niya oo. Minsan naman hindi. Depende kung ano'ng gusto niyang isagot. Ang gulo-gulo niya. Pero pag tumatahimik na, do'n lalabas ang softer side ni Aiden, 'yung side na ang inisip niya e ang kababata niya."
"A, baka tinatago lang niya ang totoong nararamdaman niya?"
"Anong 'totoong nararamdaman'?"
"Manhid ka nga pala, 'no? Kaya di mo alam 'yon."
"Gusto mo ba makakita ng lumilipad na tsinelas papunta sa mukha mo?" biro ko sa kanya. "Jakey naman, e! Mang-aasar pa."
"Napakabrutal mo talaga. Oo na, oo na," sabi niya saka niya ako inakbayan. "Siguro 'yung pang-aasar niya sa ibang tao, 'yung pagiging masayahin niya . . . baka nagkukunwari lang siya. Paraan niya 'yon para makalimutan ang nakaraan."
"E, kailan pa ba 'yon? Grade four? Five? Ang bata pa niya no'ng namatay ang kababata niya. Isa pa, ang tagal na no'n. At sus miyo, napakabata? Ano ba'ng alam nila sa pag-ibig? Puppy love lang 'yon, for sure."
Tinapik ako ni Jake sa ulo. "Buti, ako ang kausap mo. Kung ibang tao na siguro, magagalit na sila sa pinagsasasabi mo."
"What, why? Totoo naman."
"Kasi opinyon mo iyan. Di naman ikaw ang nakaranas ng naranasan ni Aiden, kung anuman 'yon," sagot ni Jake. "Heto na naman po 'ko sa 'for the manhid lessons' natin."
BINABASA MO ANG
Siya at Ako (Siya Book 1) (Published)
Teen FictionNaniniwala si Kyleen Ylkivia Tuazon, o Kai, na magulo na ang buhay niya gawa ng mga pangyayaring nakapagpawala ng kanyang mga alaala at ng buhay ng isang kaibigan. Dahil dito, isinasabuhay niya ang isang tahimik na buhay-estudyante, malayo sa madala...