Chapter 12: Hiling

27.4K 728 80
                                    

Na-LSS ako, as in last song syndrome, sa "Maalala Mo Sana" ng Silent Sanctuary dahil do'n. Kahit sa banyo, kinakanta ko. Pag walang ginagawa, kinakanta ko. Pag nagte-text, kinakanta ko. Kahit nga pag tinutugtog ang ibang kanta, kinakanta ko pa rin.

"Kai! Kai!"

Naalimpungatan ako dahil sa mga bulong ni Nica. "Ano?" irita ko pang tanong.

Tumingin lang si Nica sa board, at alam ko na ang katangahang nagawa ko.

Nakatulog ako sa no'ng geometry namin. Nag-aral pa ako in advance kahapon para marami akong ma-recite today—at para mawala na rin sa utak ko ang pagkanta ni Aiden—pero ito pala ang consequence.

At dahil top section nga kami, nasermonan pa ako ng teacher namin. Sinabi ko naman ang totoo na nag-aral ako, pero inirason pa rin niya na kailangan ko raw ng balance sa life at academics. Gets ko naman, pero di niya kailangang sermonan ako sa harap ng mga kaklase ko. Nakakainis.

Bilang parusa, pinagsulat ako ni sir sa board ng mga exercise. Buti na lang at matiyaga akong magsulat at maganda ang penmanship ko.

Nang nag-bell na, ini-stretch ko ang palapulsuan ko. At least, may panahong magpahinga dahil wala si Mrs. Ramirez kaya walang TLE, 'yung susunod sanang subject namin. Pupunta na nga sana ako kay Jake para magpamasahe sa kamay nang biglang humarang si Aiden.

"Reynang unggoy," umpisa niya. "Wala po ba kayong tulog kagabi?"

"Kung gusto mo pang mabuhay—"

"Umalis na 'ko?"

"Buti't alam mo na ang kasunod kong sasabihin." Umirap ako. Kaysa pumunta ako kay Jake, sa upuan ko na lang ako dumeretso. Sumunod naman siya.

"Heto naman! Di mo ba 'ko na-miss."

"Obvious bang hindi? Lumayo ka na nga, Aiden. Gusto ko matulog."

"Ihehele kita."

"'Wag na—"

Pero ang tigas ng ulo niya. Nang inumpisahan niya ang verse ng "Tulog Na" ng Sugarfree, yumuko na lang ako.

To be fair, para talaga siyang anghel kapag kumakanta, huwag ko lang talaga makita ang mukha niya. Siyempre, papakinggan ko na lang kaysa tingnan ko pa. Baka biglang mag-transform sa ibang creature.

"Yii," tukso ni Migs. Alam kong siya kahit hindi ko nakikita. "Hinehele ang kanyang prinsesa, o."

"Kung sino man ang nagsabi n'on," sabi ko habang nakayuko, "'wag kang magpapakita sa 'kin mamaya."

"Hindi pa pala tulog, Migs!" panakot ni Nica. "Lagot ka."

Siyempre, ipagtatanggol ni Geanne ang boyfriend niya. "'Wag ka mag-alala, babe. Ako'ng bahala kay Kai."

"Buti nga tong si Kai, may nanghehele, e."

"Yuck. Bitter ka, Nica?"

Talaga bang tutuksuhin nila ako habang gusto ko lang matulog? Gusto kong tumawa, pero ayoko iangat ang ulo ko. One thing's for sure: gusto ko talaga pakinggan ang buong kanta na kinakanta ng unggoy na 'to. Sugarfree ba naman.

At . . . maganda talaga ang boses niya.

"Tulog si Kai?" Narinig ko ang boses ni Jake. Sabay-sabay naman siyang pinatahimik nina Nica, Geanne, at Migs habang patuloy na kumakanta si Aiden.

"Natutulog," dahilan ni Migs. "Hinehele ni—"

"Nakikita ko." May inis sa tono ni Jake. "Aiden."

Napaangat ang ulo ko dahil hindi pa natatapos ni Aiden ang pagkanta pero napatigil siya dahil sa tawag ni Jake.

Siya at Ako (Siya Book 1) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon