Chapter 15: Bingo

23.6K 602 78
                                    

It had been weeks since the field trip. Do'n ko lang nalaman na sa umpisa pa lang e may balak na talaga kami iwan nina Geanne, Nica, at Migs. Pinag-trip-an lang pala kami. Unfortunately, may isang unggoy ang pumigil. Okay lang naman. Ang sabi ko pa nga, "Okay lang, nagsaya naman kami with Aiden."

Pagkatapos ko sabihin 'yon, bagtinginan sila kay Jake na parang O, ayan kasi. Pinabayaan mo sa karibal mo. Pero wala naman sa amin ito ni Jake. Si Jake rin mismo ang nagsabi na okay naman kasama ang unggoy.

After, naging busy na naman ang lahat dahil umpisa na ng December. Kapag Ber months talaga, mabilis na lang ang galaw ng mga araw. Ang unang activity namin for this month ay ang Family Day. Values and Family Club ang magaasikaso kung saan ako auditor. Pinatawag pa nga kaming mga officers para magplano ng activities. Sayaw rin kami sa "Ever After" ni Bonnie Bailey.

Tuwing uwian, no choice kami kundi mag-practice. Nagulat lang ako na ngayong last day ng practice namin e nakita ko si Aiden, nakasandal sa may poste na parang pinanonood talaga ako. Tinukso pa nga ako ng iba kong ka-club, lalo na ang mga senior, at tinanong kung may "thing" na ba kami. Ang sagot ko lang: "Ewan ko po riyan. Pinagti-trip-an ako."

"E, pa'no kung nanliligaw pala?" tanong ng isang officer.

"Kung gusto niyang manligaw, sana sinasabi niya. Hindi itong dadaanin niya sa pagpapapansin dahil lalo lang po akong naiinis."

"Enemies to lovers pala ang kuwento ninyo." 'Tapos tinulak-tulak na nila ako. "Sige na, pumunta ka na ro'n."

Hahayaan ko lang dapat si Aiden, pero sila pa talaga ang nagtulak. Naglakad ako papunta sa kanya dahil no choice. "Tinatawa-tawa mo diyan?"

"Na-develop na pala ang buto mo, 'no? Galing mo sumayaw," sarcastic pa niyang sabi.

"Di mo 'ko madadaan sa ganyan. Umuwi ka na nga! Mang-aasar ka lang, e!"

Tumalikod na ako pero biglang hinawakan ang pulso ko. "Ikaw naman. Di ka na mabiro. Galing mo nga sumayaw, e." Nang binitiwan niya ako, saka siya ngumiti. "Di ko nakita ang buong sayaw, 'yung iba lang. Galingan mo bukas."

Nagpaalam na sa Aiden pagkatapos. Ewan, nagulat ako dahil parang ang bait niya sa 'kin ngayon. Actually, nitong mga nakaraan ever since na in-announce ang family day. Napaisip tuloy ako kung may kinalaman iyon do'n.

***

Alas-siyete ng umaga pinapunta ang officers noong Family Day. Pinasunod ko na lang ang pamilya ko kasi mamaya pa naman mag-uumpisa ang program. Hindi pa raw kasi tapos ang pag-aayos ng stage pati ng open court. Wala pa ang mga upuan, at di pa nahahanda yung mahabang table; di pa raw nalalagyan ng skirting. 'Tapos, hindi pa nalinis yung bleachers.

Na-late lang ako ng isang oras dahil nag-flat ang gulong ng bike ko. Kaya naman laking gulat ko nang malinis na ang school at naka-set-up na ang table at skirting na lang ang kailangang asikasuhin. Kaunting punas na lang sa ibang upuan.

"Kai!" salubong sa akin ni Jake. Nagulat ako kung ba't siya nandito.

"O, bakit ang aga niyo rito?"

"Pinapunta ang Boy Scouts at Girl Scouts nang mas maaga."

Nakita ko nga sina Aiden, Migs, at Jake. Boys ang naglilinis ng bleachers at nag-aayos ng chairs. Kaming mga Values and Family Club members ang nag-aasikaso ng stage.

Inutusan ako ng president ng club na bumili ng pins. Kaya ayun, kumuha ako sa funds ng club at inilista dahil auditor ako. Pag dating ko sa tindahan, nakita ko si Aiden na umiinom ng soft drink.

"Aba! Tumatakas sa gawain?" tanong ko. Parang kanina lang e nakita ko siyang nagpupunas ng bleachers. "Ba't ka nandito?"

"Kasi wala ako ro'n."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Siya at Ako (Siya Book 1) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon