Chapter 5: Muse

34K 975 93
                                    

Anong destiny ang pinagsasasabi ko no'ng nakaraan? No, it can't be.

Di pa rin ako makapinawala sa nangyari kahit ilang araw na ang nakalipas. Meron naman talagang nakakagawa ng half-court shoot dahil nakikita ko ang mga seniors na ginagawa 'yon. Pero si Aiden? At sa moment talaga na tine-test ko ang tadhana, na kesyo kung na-shoot niya 'yon, kami ang para sa isa't isa? Unbelievable. Parang nananadya, e.

Hindi ko inalis ang mga tingin ko kay Aiden no'ng flag ceremony. Naging magkatabi kami for some reason dahil na-late ang mga nasa harap niya. Ngumiti ang kumag. "Pinagdidikit talaga tayo ng tadhana."

"Kung meron mang may nagdidikit sa 'tin, baka creature from the underworld."

Pero di niya pinansin ang sinabi ko. "Ano, babe na itatawag ko sa 'yo?"

"Babe-igyan kita ng sipa, trip mo?" Umirap ako at nakipagpalit ng puwesto. Ano ba 'tong si Aiden? May gumagabay bang duwende rito kaya natutupad lahat ng sinasabi niya?

✦ .  ⁺   . ✦ .  ⁺   . ✦

Dismissal, may practice kami ng cheering sa covered court na malapit sa bahay ng cheerleader ng batch namin. Nagpaalam naman ako kina Mama at Papa. Kasabay niyon, nagpapraktis din sa likod namin 'yung basketball boys at basketball girls. Wala si Aiden do'n. Pasaway talaga. Ayaw mag-practice.

No'ng ten-minute break naming mga cheerleaders, pumunta si Jake na pawis na pawis. Parang naligo patiwarik.

"Ano ba 'yan, Jake! Pawis na pawis! May extra shirt ka ba?"

"Opo," sagot naman niya na parang dina-drag pa ang boses.

"Halika nga."

Umupo kaming dalawa. Pinunasan ko ang likod niya 'tapos ang mukha niya. Sakto namang nakita ko na kararating lang ni Aiden. Pupunta pala talaga siya, na-late lang. May hinahanap pa nga yata pagdating. Nagulat ako nang nagtagpo ang mga mata namin kaya napaiwas ako ng tingin at nag-focus kay Jake.

"O, ayan," sabi ko sabay abot ng extra shirt niya. "Magbihis ka."

"Mamaya na. May practice pa kami."

Pumunta naman sina Geanne at Nica sa tabi namin. Hindi sila part ng cheering squad. Sinamahan lang talaga ni Geanne si Migs, at sinamahan naman ni Nica si Geanne.

Si Geanne ang unang nanukso. "Yii, para na kayong mag-asawa diyan, ha. Kakilig naman."

Nag-make face ako. Ayan na naman sila. "Best friend duties."

"Showbiz answer," gatong ni Nica.

Nagpunas ng mukha si Jake at di na lang pinansin ang panunukso. Sanay naman na kami. Instead, nag-abot siya ng bote ng mineral water sa 'kin. "Inom ka. Baka ma-dehydrate ka."

Ngumiti siya sa 'kin saka bumalik sa practice niya kasama ni Migs. Ngumiti rin ako. At dahil bakante na ang tabi ko, umupo na sina Geanne at Nica sa dating puwesto ni Jake.

"Hindi pa ba talaga kayo?" tanong ni Geanne. Every two months yata nanghihingi ng update 'tong babaeng 'to.

"Hindi nga kami. Wala nang 'pa.' Kung saka-sakali naman, kayo ang unang makakaalam."

"Grabe, ang suwerte mo talaga pagdating sa lalaki," sabi ni Nica. 'Yung isa, photographer. 'Yung, isa painter."

"Ha? Ano'ng pinagsasasabi mo?"

"Si Aiden, si Jake. Sus, dalawang cute na lalaki na ang naghahabol sa 'yo."

"Una sa lahat, si Jake, cute. Si Aiden, hindi. Pangalawa, hindi nila ako hinahabol. Hindi ako maganda para habulin."

Siya at Ako (Siya Book 1) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon