Chapter 4: Air Ball

38.9K 1.1K 157
                                    

Di ko pa rin lubos maisip na ibibigay niya ang marble. Meron tuloy akong dalawang free quiz. Kaya habang nagku-quiz sila, iniisip ko kung ano'ng puwedeng ibigay ko sa kanya bilang "thank you." Lalo tuloy akong nakonsensiya nang sinabi ni Jake na si Aiden pala ang lowest sa isa sa mga quiz.

Pagkatapos ng TLE, pumasok na kaagad ako sa classroom at tinawag si Jake. Nakita ko siyang nag-aayos ng gamit. Mukha ngang chicken lang sa kanya ang quiz.

"'Musta ang quiz? Ayos lang ba?" tanong ko.

Tumango naman siya. "Madali lang naman."

"Bakit nga ba ikaw ang tinatanong ko? Genius ka nga pala."

Ngumiti lang si Jake at ginulo ang buhok ko. "'Lika, libre na kitang break." Tumingin siya kay Migs. "Sama kayo?"

"Magluluksa muna kami sa quiz," sabi naman ni Migs. Nag-stay na lang din sina Geanne at Nica.

Sa twenty minutes na break na 'yon, nagkuwentuhan lang kami kung ano'ng items ang lumabas habang nagmemeryenda. Saka ko lang napansin si Aiden na kasama nina John at Karl, 'yung mga kaibigan niya sa nakaraan niyang section at kabanda naman nina Jake at Migs. Nakita kong malungkot ang kumag. Dismayado siguro sa quiz. Nauna rin silang bumalik sa classroom.

Pagbalik ko, lumapit ako sa kanya. Nakatingin pa nga si Jake nang ginawa ko 'yon, iniisip siguro kung ano'ng sasabihin ko.

"Oy," bati ko.

"May problema po ba, prinsesa ko?" bati naman niya pabalik. Para ngang lumiwanag ang mga mata, e.

"Tumahimik ka nga kakatawag ng prinsesa sa 'kin." 'Tapos umupo ako sa desk niya. Minor offense 'yon sa school, pero ang totoo, wala naman talaga 'yong bilang. "S-salamat uli—"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil sumabat na kaagad siya. "Hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa marble? O baka sa 'kin?" 'Tapos mahina niyang tinapik nang dalawang beses ang mga pisngi ko. "Okay lang 'yon. Ikaw, grade conscious. Ako, hindi."

"Ngayon ko lang nalaman na mas kailangan mo 'yon. Di mo naman kasi sinabi na ikaw pala 'yung lowest doon sa nakaraan."

"Nag-aral ako nang mabuti para sa quiz kanina. Hindi ko yata kayang mawalay sa 'yo at malipat sa ibang section," nakangiting sabi ng unggoy.

"Ang labo mo. May kapalit ba?"

"Ang alin?"

"'Yung marble?"

Nag-isip siya, saka nag-exhale. "Oo, meron."

"Meron ba talaga o kakaisip mo lang?"

"Kakaisip ko lang. Binigyan mo 'ko ng idea, e."

"Sana pala hindi ko sinabi."

Pero actually, willing naman ako at di ko pinagsisisihan na tinanong ko kung may kapalit ba. Siguro kasi naawa ako kay Aiden. Pasalamat siya at mabait talaga ako.

"Ikaw ang maging coach ko sa basketball."

"Ha? Coach? Lelang mo. Ikaw mas matangkad, ikaw mas marunong magbasketball, at ako na hikain ang gusto mong coach?"

"Malapit na intrams. Tinatamad akong mag-practice."

"Kailangan mong mag-attend ng mga practice sa hapon. Para sa team 'yon."

"E, tinatamad nga ako. Hindi ako tatamarin pag papayag ka."

"Di ako magaling mag-basketball."

"Sinabi ni Jake na kasama ka sa basketball team no'ng elementary pa lang kayo. Pero pinatigil ka kasi may hika ka pala."

Siya at Ako (Siya Book 1) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon