Chapter 3: Prinsesa

48.4K 1.3K 253
                                    

Normal lang naman ang mga araw ko . . . until they were not. Ang lakas magpapansin ng unggoy na 'to sa 'kin. And for what? Dahil di siya maka-move on na namali ako ng pasok sa CR? Maski noong maliit na handaan ni Nica para sa klase noong birthday niya, pinahiran ako ng cake sa mukha. Siyempre, pumalag ako. Binato ko ng samot-saring Boy Bawang, na ibinato rin niya sa 'kin pabalik. Kulang na nga lang e ibato niya sa 'kin ang buong cake.

A day after Nica's birthday naman ang birthday ni Aiden, pero may pa-party pa ang kumag noong Sabado ng linggong 'yon. Inimbita ako, pero di ako pumunta. Who you siya sa 'kin. Sa sobrang papansin niya, di ko na napigilan tawagin siyang unggoy. Paano, bigla-biglang tatalon para manggulat! 'Tapos guguluhin ang buhok ko.

Bakit kaya hindi na lang siya pagkalooban ng sarili niyang gubat? Unggoy talaga. Lagi na nga lang niya ko iniirita. Sinabihan ko na siyang deretso na ang papansin niya, pero tuloy pa rin ang pagpapansin at pang-aasar. Sinasabihan naman ako ni Jake na huwag na pansinin, pero di naman ako kasing pasensiyoso niya.

For some reason, dahil nga ang daming ganap, ang bilis din ng takbo ng mga araw. Sure akong sobrang busy ng August dahil intramurals month iyon. Nagpa-practice na ang cheering squads kung saan kasama rin ako. At dahil ako ang tagagawa ng cheer ng batch, nag-iisip ako ng puwedeng cheer.

"Ano'ng iniisip mo?" Sumulpot na naman ang unggoy sa tabi ko. Nakita niya akong gumagawa ng cheer. "Gusto 'yung katulad last year. Ikaw rin ba gumawa n'on?"

"Tumahimik ka nga. Kung manggugulo ka, do'n ka sa kabila. 'Wag ka rito. Busy ako, Aids."

Nagulat siya. "Aids? Naks, may nickname na sa 'kin ang prinsesa ko. Next time, love na 'yan."

May nakarinig, may nanukso. Umirap lang ako. "Tigil-tigilan mo ako sa prinsesa-prinsesa mo, ha. Shoo, go away!"

"Masusunod, mahal kong prinsesa."

"Di ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo? Jake, o!"

Lumapit si Jake sa 'min, seryoso, nakasimangot. "Aiden."

"Oo. Ito na nga, e. Aalis na."

Bakit kapag si Jake, sumusunod siya? Lord naman. What have I done to deserve this? isip-isip ko pa pagkaalis niya. Pero sige na nga. Lahat naman ay blessing. Pero si Aiden? Blessing? Next topic.

Sakto naman ang dating next teacher namin para sa subject naming Technology and Livelihood Education, o TLE, si Mrs. Ramirez. Pero hindi siya pumasok. Instead, ang sabi lang niya: "Gather at the covered court for group 3's activity."

Mahilig siyang magpa-groupings at magpa-competition. Fortunately, hindi ko kagrupo si Aiden. Hell no.

Ang group na pinakamataas for the activities kasi raw, may libreng quiz. E, kilalang mahirap magpa-quiz si Mrs. Ramirez. Like . . . quiz pa ba ang over thirty? Unit test na nga namin 'yon sa ibang subject. As a person na studies first ang motto at may goal maging honor, mapapalaban talaga ako.

Tapos na ang groups 1 and 2—kung saan ako kabilang. Group 3 na lang ang natitira. Nang tiningnan ko ang score board: group 1 ay 98, goup 2 ay 97, group 3 ay 190. Mataas na talaga ang score ng group 3 dahil combined na ang scores nila sa mga activities ng Groups 1 and 2.

Kung saka-sakali, kaya pa rin ng grupo namin na makuha ang free quiz kung makakuha kami ng grade na at least 94 para mataasan namin ang group 3. Pero dapat na mas mataas pa rin kami ng two points kaysa sa group 1. That means, group 1 na lang talaga ang kakompetensiya namin—ang grupo ni Aiden. Kagrupo ng ungas na 'yon sina Geanne at Jake. Kagrupo ko naman si Nica. Group 3 naman sina Migs. 'Buti nga at naka-PE uniform kami kasi grabe ang mga ideas ni Migs kapag dating sa mga activities.

Siya at Ako (Siya Book 1) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon