Chapter 13: Deal

23K 650 81
                                    

Kapag sinasabi ng unggoy na kami na raw, suntok ang abot niya. Ang feeling naman, porke nakipaglaro ako sa kanya sa ulan?

Pero di tulad no'ng araw na 'yon, maulap na maaraw nitong nakaraan. Madalas na maganda ang panahon. Magtataglamig na kasi dahil malapit na ang December. Kaya no wonder na may umuwing mga kakilala si Mama galing States. Nagulat na lang ako na pagbaba ko, may umi-English na sa bahay. Nosebleed. Di ko kayang makipagsabayan.

Bumaba lang ako para magmano. Sabi ni Mama, e. Pero 'yung mga matatanda lang ang pinansin ko, hindi 'yung mga anak nila. Kaya naman nagulat ako na may sumama sa 'kin no'ng may nag-approach sa 'kin habang may kinukuha ako sa ref.

"I dunno that there's a hot lady in this house."

Napataas ang kilay ko at di ako naging komportable. Napatingin pa nga ako sa mga magulang ko kung narinig nila 'yon. Ano'ng hot ang pinagsasasabi niya? Mag-iinit talaga ang dugo ko. Gusto ba niyang prituhin ko siya kasabay ng piniprito ni Mama?

"Sino ka?" tanong ko. Mukha siyang college student. Pero alam kong di ko siya kasing-edad. Basta, mas matanda.

"What? I can't speak Tagalog." Tageylowg pa ang pagkakasabi.

"Are you their son?" tanong ko, sabay turo do'n isa sa mga matatanda.

Tumango naman siya at nakipagkamay. "Harry."

"Kyleen," sagot ko. "Just feel at home."

"O, your daughter has met my son na pala," sabi ng isang kasama ni Mama mula sa sala kaya medyo malakas. "Iha, can you accompany him? He wants to go to Jollibee. Is there one near here?"

Tumango ako. "Babiyahe lang po, pero sige po. I'll just dress up lang po."

Pumunta ako sa taas kung nasa'n ang mga kapatid kong sina Koko at Keisha. As usual, wala sa bahay si Kuya Ken. Si Ate Karylle, nasa baba na at nagpe-prepare kasama si Mama.

"Ate, sino mga 'yon?" tanong ni Keisha.

"Kakilala lang ni Mama. Dito lang tayo, okay? Huwag tayong lalabas," sagot ko sabay lock ng office. Office lang ang tawag namin kahit di naman opisina. Do'n madalas magtrabaho sina Papa at Kuya Ken. Minsan dito rin ako gumagawa ng assignment kasama ang mga kapatid ko, lalo na kung nakabukas ang aircon, pero mas komportable pa rin ako sa sarili kong kuwarto.

"May bata?" tanong ng cute naming bunso.

Umiling ako. "Walang bata. Kapag dumating si Mama, sabihin ninyo, nakatulog, okay?"

Tumango naman sina Keisha at Koko. At peace ako ng mga thirty minutes siguro, pero hanggang do'n lang. Nang may kumatok, pumunta ako do'n sa single sofa, pumikit, at nagkunwarianng tulog.

"Kyleen Ylkivia!" tawag ni Mama, pero di ako sumagot.

"Ma, sabi ni Ate, sabihin naming natutulog siya."

Koko! Bakit?!

Ramdam ko ang paglakad ni Mama papunta sa 'kin. Ayun, isang pindot lang sa tiyan ko, napabangon ako dahil sa kiliti.

"Ano ba 'yan, Kyleen Ylkivia. Kausapin mo si Harry sa baba!"

"Ayoko, Ma," reklamo ko habang yakap-yakap ang unan. "Pupunta pa ng Jollibee. Wala akong pera."

"Bibigyan kita ng pera, samahan mo lang."

Nakita ko na lang ang sarili ko na nakikipag-tug-of-war kay Mama kung sa'n braso namin ang tali. "Si Ate Karylle na lang! Ako na lang ang magluluto!"

"Kakainin mo lang ang niluluto namin! At ikaw, ha. Sabi mo magbibihis ka lang. Kaya nagtaka ako, e. Kapag tayo ang aalis, para kang rocket kung magbihis. Parang nagwisik lang!"

Siya at Ako (Siya Book 1) (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon