Chapter two:Life and Death Room

67 0 0
                                        



Ramdam ko ang mahigpit na hawak ni Rope sa braso ko. Gusto kong umalis sa classroom na ito, lumayo sa lugar na ito. Pinatay nila ang Teacher namin na walang katakot-takot.

Yun lang ang nasa isip ko ngayon.

"Manahimik! Walang iiyak! Wag nga kayong mag-inarte! Kailangan linisin ang ginawang krimen ng section natin." Sabi ng isang lalaki nasa harapan namin. Ano? Itatago pa nila ang patay naming Teacher?

"Anong section natin? Si Demon lang naman lahat ang gumawa nyan! And thanks to him, wala na yang teacher na puro yabang lang! Wala naman tapang!" Sabi ng isang babae na naka-irap. Nakikita ko pa ang mga pangyayari kahit naniningkit ang mga mata ko kakaiyak.

"Ahh.. Ang gusto mo isumbong ako sa taas? Eh' pano ba yan? Ako ang taas ng paaralan na ito." Nakakatakot na sabi ni Demon.

"Blah! Blah! Blah! Who cares?! Jerk! Ang ibig kong sabihin. Kalat mo, linis mo. Ganun kasimple! Duh!" Sagot ng babaeng kaharap ngayon ni Demon.

"Ah.. Now, you want me to clean this mess? Eh kung sabihin ko sayo na isunod kaya kita sa mga liligpitin nila? Payag ka?" Nakakatakot na boses na sabi ni Demon.

"Duh! Sinong tinakot mo? All of you! Clean that mess! Throw it! Kahit saan! Basta, one major rule. Don't tell anyone na may kinalaman tayo sa pagkamatay ng bruha nyan!" Sabi nya sabay turo sa nakahandusay na katawan ng Teacher namin. Ilang segundo ay wala pang nakilos.

"Hell! Bitches! Go!" Sigaw nya atsaka lahat naman ng mga lalaki except sa mga limang lalaking nakaupo parin sa mga silya nila at mga babae na puro bulungan ng bulungan ay nagsikilos at binuhat ang katawan ng Teacher namin.

"This is so exciting! Hindi na natin kailangan gumawa ng Intense ni achuchuchu na yan!! Let's party!" Sigaw ni Chess na winawagayway pa ang papel na hawak nya.

"Shut up! Chess!" Saway ni Rope sa kanya habang hawak parin ang braso ko.

"Hindi ba ang tawag sa atin mamamatay tao? Paano ninyo nasisikmura yan? Pumatay ng Teacher na ayaw ninyo? Hindi naman makatarungan yan!" Sabi ko kay Rope at hanggang ngayon ay nanginginig parin ako.

"Lakasan mo ang loob mo, Chain. Hindi pwede ditong mahina ang loob, takot at panghihinayang. Kasi kung ganun ka, baka sa graduation day hindi ka makasurvive." Sabi ni Rope sa akin at niyakap. Naguguluhan na ako. Ano ba itong napasukan ko? Legal sa kanila ang pumatay ng Teacher o kung sino man na gusto nilang patayin. They're only 18-19 years old at sa age nila, nasisikmura na nilang pumatay. Nasaan ang konsensya nila? Nasaan?!

"Yes! Finally! Wala na tayong Gun Class! Sino kaya ang Teacher natin sa Math?" Tanong ni Chess sa amin. Wala parin ako imik kanina pa. Hindi sumisink in sa utak ko ang lahat ng pangyayari kanina. Wala na ang katawan ng Teacher namin. Hindi ko alam kung saan nila itinapon o inilagay. Basta! Naguguluhan at parang mababaliw na ako kakaisip!

"Naaamoy ninyo ba yun?" Tanong ng isang classmate ko at tumayo sya. Lumapit sya sa bintana at sumilip.

"May usok! Ang kapal ng usok! Mukhang sa tabi ng School ang sunog!" Sigaw nito at biglang nagsitayuan ang mga classmate ko papunta sa bintana at dumungaw pero ako, hindi ko kayang tumayo at makipagkaibigan sa first day of class.

"For sure! Nasusunog na ang katawan ni Teacher Grace ngayon!" Sabi ng isa kong kaklase.

"Yeah! Hahahahaha!" Tawa pa nila at sabay-sabay silang tumawa.

'Nakakarindi sa tainga! Ang sakit pakinggan na nakukuha pa nilang tumawa na parang baliw! Nakukuha pa nilang magsaya sa kabila ng krimen na ginawa nila! Ano silang mga estudyante?! Walang mga puso! Wala silang takot sa Diyos!'

Secret AcademyWhere stories live. Discover now