Chain Point of View:
Napaupo na lang ako sa tabi ng Fountain. Napatingala ako sa madilim na ulap at pinagmamasdan ang bilog na buwan kasama ang makikinang na bituin. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinadama ang simoy ng hangin. Nagflaflashback sa isip ko ang mga nangyari kanina. Kung paano si Abigail nakabigti sa stage. Nakaputi sya na parang pangkasal pero nandoon parin ang mantsa ng dugo nya sa damit. Puti na ang kulay ng labi nya dahil na sa wala na syang dugo. Narumal-rumal na nangyari sa kanya. Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanila dahil ako ang tinuturo nilang may kasalanan sa pagkamatay ni Abigail.
Napatayo ako sa gulat ng biglang may kaluskos na nagmumula sa gilid ko.
"May tao ba jan?" Nilingon-lingon ko ang mga mata ko dahil sa totoo lang natatakot na ako.
"Anak ng Pusa!" Napatalon ako sa gulat ng may humawak mula sa likuran ko.
"Ang cute kong anak ng pusa." Hinampas ko ng malakas sa braso si Mr. Waiter dahil sa ginawa nyang pang-gugulat nya.
"Bwisit ka!" Inis na sigaw ko sa kanya.
"Wow ha, ikaw nga itong tumambay sa madilim at walang katao-taong lugar. Ikaw pa itong magagalit. Saan ka ba kasi pumunta?"
"Hinila na ako nina Rope sa gulo kanina kaso hindi ko na rin napigilan tumakbo na ako." Matapos akong pagalitan ni Rope kanina. Tumakbo ako kung saan ako dalhin ng mga paa ko.
"Tatakas ka? Hindi mo na ito matatakas. Kaya wag ka nang magaksaya ng oras para tumambay at magtago dito. Tara, may papakita ako sayo." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Saan naman nya ako dadalhin?
"Saan?"
"Sa Paradise."
"Paradise?"
"Basta! Ang dami mong tanong."
Hinawakan nya ang kamay ko at hinila. Tumatakbo sya at pati ako nadadala sa pagtakbo nya kaya parehas na kaming tumatakbo sa kung saan sya tutungo. Parang may kuryenteng dumadaloy sa mahigpit na hawak nya sa kamay ko kahit ang lambot ng kamay nya. Napatingin na lang ako sa side view nyang mukha at nakita ko ang maikli nyang ngiti habang tumatakbo at tumatalon-talon nyang messy hair. Hindi ko ipagkakailang gwapo sya at malakas ang karisma. Ewan ko ba kung bakit ganito. Tumatalon ang puso ko at hindi ko rin mapigilang ngumiti.
Tumigil kami sa isang malaking puno na at kumikislap dahil sa mga christmas lights na nakapalibot dito.
Hindi ko namalayan na sana harapan ko na pala si Mr. Waiter."Welcome to my world." Wika nya. Nakita ko ang maikli nyang ngiti na gumuguhit sa labi nya.
Ano ba ito?!
Parang nasa cloud ten ang puso ko ngayon. Tumatalon na ewan!
"So, Puno pala ang mundo?"
Nakuha ko pang maging pilosopo sa mga oras na ito ha!
"Parang ganun na nga."
Hay! Ito na ba yung tinatawag na kilig?
"May ganito palang lugar dito sa weirdong eskwelahan na ito." Umupo ako sa isang bench sa lilim ng puno. Sumunod naman sya at tumabi sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/119171330-288-k190772.jpg)