Chapter Ten: Embrace your Death

55 3 1
                                    

Chain Santos Point Of View:

   Bumukas bigla ng malakas ang pintuan ng clinic at bumungad sa amin ang isang lalaking hingal na hingal at pawis na pawis.

  "Kart!" Tawag ni Rope kay Mr. Waiter. Ang pangalan nya pala ay Kart.

"Demon!" Napatingin ako kay Chess ng sumigaw din sya. Nakatingin parin sya sa pinto. Sinundan ko ang tingin nya at nakita ko ang itsura ni Demon na nakatayo, katabi si Kart.

  Ito na naman ang kaba na nararamdaman ko.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ni Prainy. Nagkatingin si Kart at Demon sa isa't isa at kaming tatlo naman ay naghihintay ng sagot nila.

"Nandito ako para kamustahin sya." Tumingin sa akin si Kart at lumapit.

"Are you okay?" Tanong nya.

"H-hindi." ...dahil, nandyan sya.

"About Rica. Paano mo nalaman na sya yung susunod na mamamatay?" Lumingon ako sa mini table dito kama at tinignan ang bulaklak na nakapatong doon.

"Dahil jan. Nakita ko yan sa isang room na may dugo sa sahig." Sabi ko.

"Saang room yan?" Narinig ko ang boses nya na parang patalim na humihiwa sa puso dahil sa kaba. Parang luluwa ang puso sa katawan ko dahil sa sobrang kabog ng dibdib ko.

"Room XXV Building four." Sagot ko sa kanya. I tried my best to talk normal especially pag nandyan sya at sya ang kausap ko pero hindi ninyo maaalis sa isip ko na kabahan kasi sya ang dahilan kung bakit ako napunta sa kwarto'ng yun.

   "Bakit ka nandun?"  Tanong ni Chain.

"D-dahilan sa.." --- "Inutusan ko sya..." Napatingin ako kay Demon dahil bigla nya na lang binigyan ng dahilan. "..kumuha ng silya para sa library." Dagdag nya pa.

"Dude, bakit mo sya inutusan? 'eh alam mo naman na babae yan." Napatingin ako kay Kart ng sinabihan nya ng ganun si Demon. Nakatanggap sya ng matalas na tingin.

"Excuse me." Nakita ko si Nurse Carla na hinawi ang kurtina at humarap sa amin na may dalang tray na may basong tubig at ilang gamot. Napatigil si Nurse Carla ng makita nya ang dalawang boys sa harap ng pintuan especially kay Demon.

  "Ito na yung tubig at gamot mo." Sabi ni Nurse Carla sa akin.

"Totoo bang patay na si Rica?" Tanong ni Rope kay Kart.

  Bakit kay Kart nya tinanong?

I saw Kart lips draw a straight line and emotionless with his face.

"Yes. She is dead." Napahawak ako sa dibdib ko. Biglang kumirot ang dibdib ko sa hindi ko alam na dahilan.

"Chain, okay ka lang ba?" Tanong ni Chess.

"Tama...tama ang nakasulat sa Card." Tumingin ako sa mini table na katabi ng kama, kung saan nakapatong ang lantang bulaklak na may bahid na dugo.

     "Card?"

Teka.. kung namatay si Rica, ibig sabihin may bouquet at card naman!

"Saan nakita ang katawan ni Rica?" Kailangan kong makita ang Bouquet at card bago may mamatay na naman.

  "Sa dating science lab." Sagot ni Kart.

Secret AcademyWhere stories live. Discover now