Chapter Eleven: In the middle of the night

7 0 0
                                    

Hindi kayo maniniwala na kasabay kong naglalakad ang kinatatakutan ng mga estudyante dito. Kasama ko si Demon papasok sa next subject namin.

We're in the middle of silence. Gusto ko ng basagin ang katahimikan sa pagitan namin but I can't. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang pagbasag ng katahimikan. I have a lot of question for him. But, wala ako sa posisyon para tanungin sya tungkol sa paaralan nya o tungkol sa pamilya nya.

Nakapasok ako ng classroom ng buhay habang kasama sya. Ramdam ko ang matatalas at nakakatakot na tingin ng mga classmate namin at yung iba ay nagtataka kung bakit kami magkasama.

"Killer."

"Ang lakas ng loob nyang pumasok pa."

"Tss. Painosente. Killer."

I want to ignore it but I can't. Hindi ninyo maaalis sa akin na masaktan dahil kahit anong paliwanag ko hindi sila maniniwala na hindi ako ang pumatay kay Abigail at Rica. Umupo na lang ako sa pwesto ko at hindi pa pinansin si Demon kung saan sya pumunta. Naramdaman kong gumalaw ng bahagya ang upuan at nakita ko si Demon na nakaupo sa tabi ko.

"Hindi ka dito nakaupo." Matigas kong sabi.

"Paaralan ko ito." Bato naman nya sa akin.

"Kung ayaw mong mamatay, umalis ka na dito." Sabi ko sa kanya.

"Sila ang mapapatay ko." Ang tigas talaga ng ulo nya. Tsss!!!

Hindi ko na lang sya pinansin at nilibot ko ang paningin ko. Wala pa si Prainy, Chess at Rope.

Nasan kaya sila?

Binaling ko na lang ang atensyon ko sa librong hawak ko at tinitigan lang ito. Napabugtong hininga na lang ako sa bulong-bulungan ng mga kaklase ko.

"Ms. Walang pera." Napatingala ako ng may boses lalaki ang nagsalita sa harapan ko.

"Kart."

"Nice, Finally! You know my name." I can't imagine na nakadate ko sya sa Acquintance party ng hindi ko alam man lang ang name nya.

"Bakit ka nandito?" Kunot na tanong ko sa kanya.

"Simula kasi na namatay si Abigail. Pinalipat ako dito sa section ninyo kasi pasok naman sa average grade ko ang paglipat dito kaya ayos ba?" Anong ayos dun? Dalawang asungot na yung makikita everyday. "Anyway, pwede bang umupo sa left side mo?" Hindi pa ako sumagot ng naglakad na sya patungo sa katabi kong bakanteng upuan. Napatingin na lang ako kay Demon na sobrang talas ng tingin kay Kart at ganun din si Kart ang talas ng tingin nya kay Demon. Para silang mga pusa na mamaya lang ay magbabangayan. Hindi ko alam kung bakit sila nandito sa tabi eh mas mukhang gusto nilang dalawa na magkahiwalay eh.

Tumayo si Amandra na may subong lollipop at tumungo sa harapan. "Hey! After what happened to Abigail and Rica, I don't know if safe pa tayo. Someone tries to kill us one by one and the only thing i know is kung sino ang maaaring gumagawa nito ay kundi yang babaeng yan!" Sabay turo sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Shut up Amandra! No one knows kung sino talaga at wala kang proof sa mga sinabi mo." Nagulat ako ng biglang pumasok si Rope.

"Are you trying to protect her Rope? Wag nga kayong magbulag-bulagan! Hindi ba kayo nagtataka kung kailan lumipat sya dito eh nangyari ang mga ganitong pagpatay? Eh mas kilala natin ang isa't isa." Hindi ko na nakayanan at tumayo na ako. Kailangan kong magsalita para sa sarili ko at hindi lang puro sina Rope ang kailangan magtanggol sa akin. "Talaga ba kilala ninyo na ang isa't isa? Oo, tama ka. Bago palang ako dito at ni isa sa inyo hindi ko pa talagang lubusang kilala. Sa tingin ninyo ba o ikaw mismo sa sarili mo Amandra, makukuha kong patayin ang isa sa inyo ni isang information about sa inyo eh wala akong alam. Hindi big deal sa akin yung pinagtawanan ako ni Abigail at bago mamatay si Rica naging maayos ang una naming paguusap. Walang sense kung ako yung pinagbibintangan ninyo kasi wala akong kasalanan. Walang akong any reason para patayin si Abigail at Rica." Gustong lumabas ng luha ko pero pinipigilan ko dahil gusto kong ipakita sa kanya na kaya kong protektahan ang sarili ko at nagsasabi ako ng totoo.

Secret AcademyWhere stories live. Discover now