Akala ko panaginip lang itong nangyayari sa amin ni Demon ngayon pero hindi. Tinulak ko sya ng malaks at lumayo sa kanya ng mga ilang distansya."Sorry.." He said.
This is the first time I heard him saying sorry. Hindi ako makapagsalita, umuurong ang dila ko. Kinalma ko muna ang sarili ko at kahit gustuhin kong umalis na hindi pwede dahil hindi ko alam paano pabalik sa dorm. Pinagpag ko ng bahagya ang palda ko para hindi kunwari awkward.
"Umuwi na tayo." Wika ko. Tumalikod na ako pero isang coat ang biglang pumatong sa balikat ko.
"Baka magkasakit ka." Sabi nya sabay naglakad papunta sa gate. Sinundan ko lang sya at sa buong paglalakad namin isang nakakabinging katahimikan lang ang nababalot sa aming dalawa. May nakita na rin akong post light. Ibig sabihin nasa area na kami ng school. May itinurong daan si Demon papasok sa dorm ko na hindi ako mahuhuli ng mga facilitator ng school.
Finally! Nakapasok na ako dito sa dorm. Tulog na ang lahat kaya dahan-dahan akong naglakad papuntang cr.
"Saan ka galing?"
"Anak ng dinosaur!" Gulat kong sabi. Gising pa pala si Prainy.
"Ah.. ano.. kasi.. sa.." tinuro nya yung damit ko. Nagtataka naman ako bakit nya ako tinuturo.
"Kaninong coat yan?" Nanlaki ang mata ko dahil nakasuot parin pala sa akin yung coat ni Demon. Agad ko naman ito tinanggal at tinago sa likod ko.
"A-ano?? Kanino?? Kay ano lang to.." Takte bakit hindi ko naibalik kay Demon ang coat nya.
"Chill, I know. Goodnight." Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Humiga na sya at sabay pinatay ang lamp shade nya. Hindi ko nalang pinansin nag sinabi nya at dumiretso na sa Cr. Naligo na ako at nagpalit ng pang tulog. Ngayon ay pinagmamasdan ko ang kwintas ni Rica na may unting bahid ng dugo. Hindi ko kung kanino ko ibibigay itong kwintas pero sa nangyari na nakita yung bangkay ni Rica. Si Kart ang pinakaagaw atensyon. Kay Kart ko ba ito ibibigay? Hay! Hayaan na nga muna! Gusto ko lang ng normal na araw bukas. Nilagay ko sa secret box ko yung kwintas at pinatay na ang lamp shade.
Nagising ako sa morning cheers ng school pero kakaiba ngayon. May banda? Sumilip ako sa bintana at may mga banderitas at banda ang nag paparada sa gitna ng fountain at statue. Anong meron?
"Complete uniform tayo today ha." Sabi ni Rope na may sigla. Sina Prainy at Chess ay nag aayos ng kanilang mga higaan, si Rope naman ang syang nagluluto ng almusal namin.
"What time ka umuwi kagabi Chain?" Pagtatanong ni Chess. Napatingin ako kay Prainy na parang walang naririnig.
"Ano? Ha.. Late na ako nakauwi." Mahina kong sabi.
"Why naman? Naghang-out ka ba?" Hang-out ba yung nangyari sa akin? Mag tatatakbo sa kagubatan at..at..
"I saw Chain in the library. Nag lalate study ata sya." Sabat ni Prainy sa usapan namin ni Chess. Mukhang naconvince naman ni Prainy si Chess. Nakahinga naman ako sa pagligtas sa akin ni Prainy.
"I see. Im done guys. Im gonna take a shower na." Malawak naman itong dorm parang condo nga ang style 'eh kaya may dalawang Cr dito. Malawak ang kusina at sala pero wala kaming tig-iisang room. I don't know why.
Nakapag-ayos na kami at nakapag-almusal na din. Lumabas na kami ng room at agad kami pinapunta sa Hall. Maraming mga estudyanteng nakaupo. May ceremony kasi ngayon. May mga madre na kaupo sa stage at mga matatandang mukhang board members.
"Welcome! and Good morning students! As we celebrate the another year of our School's 86 Foundation Day. We want to thank each and everyone of you because this school can't go this far without all of you. As he give his inspirational message, Please welcome our beloved Present School Principal and owner of this Academy, Mr. Javier Striknife Ford." Pumalakpak ang lahat ng estudyante at ako ay nakisabay na lang sa palakpak. May matang lumapit sa microphone at natatandaan ko ang itsura nya. Sya yung nasa Fountain noong gabi ng Acquintance Party.
