Chapter Three:Practice to Save your own life

55 2 0
                                        


Third Person POV:

Hawak parin ni Chain ang baril na binigay ni Teacher Clara sa kanya at pinagmamasdan ang bawat gilid nito. Hindi nya alam kung paano gumamit ng baril o kung ano man sandata na makakapanakit ng ibang tao. Lumapit si Prainy sa kanya at pinagmasdan sya. Nasa isip ni Prainy na weird si Chain dahil kung lumipat si Chain dito ibig sabihin alam nyang pumatay o nakit ng tao pero sa kabaliktaran. Inosente at walang kaalam-alam sa mundong pinasok nya.

"Malakas ang baril na napili mo." Astig na sabi ni Prainy kay Chain. Ibinaba agad ni Chain ang baril at tumingin kay Prainy.

"Nandyan ka na pala." Natatarantang sabi ni Chain. Binabasa ni Prainy ang iniisip ni Chain at ngayon nakuha nya na. Naiilang si Chain at naguguluhan kung bakit ganito ang P.E Class nila.

"Oo, kanina pa." Sabi ni Prainy. Sa ugali ni Prainy, nakakairita at nakakabwisit ang kinikilos ni Chain pero in other side, Inosente at walang alam si Chain kaya ganun kumilos sya. Hindi tulad ng ibang babae sa Secret Academy hindi mapagpanggap.

"Ahh.. Bakit natin kailangan pumili ng Baril?" Tanong ni Chain. Yan rin ang pinaka-ayaw ni Prainy. Ang tinatanong sya ng pinakamadaling tanong.

"Para pumatay." Deritso nitong sagot. Halata sa itsura ni Chain ang pagkagulat sa sagot ni Prainy sa kanya at napakalunok na lang bigla.

"Uy! Uy! Ano yan! Tumigil-tigil ka nga jan Prainy! Ikaw talaga!" Saway ni Rope kay Prainy. Hawak nya na ang isang Anaconda gun. Yung madali lang dalhin kahit saan.

"Yeah! Napakaburtal mo talaga! Prainy! You know!" Sabat naman ni Chess sa usapan ng tatlo habang hawak nya na ang isang Glock Gun.

"Totoo naman eh, bakit tayo nag-aaral nito? Para pumatay! Tss." Sabi ni Prainy at sabay irap sa tatlo. Yun ang nasa isip nya. Ang lahat ng purpose nitong pag-aaral ng baril ay para pumatay.

"Kahit na! Hindi mo ba naiisip na Self Defense? Nasa gitna tayo ng gubat, kaya tinuturo nila sa atin kung paano protectahan ang mga sarili natin." Sagot ni Rope kay Prainy kahit si Prainy ay hindi nakukumbinsi kasi alam nyang nagsisinunggaling si Rope pero si Chain ay nakahinga ng maluwag sa sinabi ni Rope. 'Tama, self defense ito.'  Yan ang nasa isip ni Chain ngayon.

"Okay, class. Dahil tapos na kayong pumili ng mga baril na gusto ninyo. Kailangan naman natin ng kaunting warm-up doon sa wristling field." Sabi ni Teacher PJ sa kanila habang si Teacher Clara ay may kinuhang box kung saan nandoon ang mga pangalan ng mga estudyante nila. Humarap si Teacher Clara sa mga estudyante at ngumiti ng matamis.

"Each one of you have chance to fight for your own lives at depende yun sa box na hawak ko ngayon. Isang pair of fighters lang ang magkakaroon ng chance para magpakitang gilas sa aming lahat." Sabi ni Teacher Clara sa kanila.

"Ang una ay, si, Amandra. At sino kaya ang makakalaban nya? Si.. Chain!" Nagpalakpakan ang mga classmate nila dahil sa hindi sila nabunot at maganda ang labanan. New Student Vesus Old Student.

  Kumabog ang dibdib ni Chain hindi dahil sa laban kundi nakita nya si Demon na papasok sa Kwarto at papunta sa grupo ng boys. Nang makita nyang patingin si Demon sa mga kanila bigla syang yumuko at kinalma ang sarili.

"Okay ka lang Chain? Wag kang matalot. Kaya mo yan! Madali lang talunin yan." Sabi ni Rope sa kanya. Napatingin sya sa harap kung nasaan nasa loob na si Amandra at naghihintay  kay Chain. Excited na excited si Amandra na kalabanin ang nakakairitang si Chain. Binitawan ni Chain ang baril na hawak nya sa lamesa at naglakad papasok sa ring. Kaya naman masigabong sigawan ng mga pangalan nila. Kung sino ang pambato nila o kung sino ang mananalo o di naman kaya kung sino ang pwedeng mamatay. Kaharap na ngayon ni Chain si Amandra at kinakabahan si Chain sa mga pwedeng mangyari sa kanya kasi hindi sya marunong lumaban.

Secret AcademyWhere stories live. Discover now