Third Person Point of View:Isang lalaking pawis na pawis ang nakasandal sa puting bader na naghihintay sa isang tao na lumabas sa masikip na daan. Narinig nya na ang yapak nito at hinanda nya ang kutsilyo na nasa kanang kamay nya at sarili. Nang makita nya na ang likod ng tao agad nya itong hinigit at malakas na isinandal sa pader sabay itinutok sa leeg ang kutsilyo. Sa sobrang talas at lapit ng kutsilyo sa leeg nagdulot ito ng pagdugo.
"Shit!" Wika nito. Kasi babae ang nasa harapan nya ngayon na nakapikit at halatang takot na takot sa pagkahigit ng binata.
"Please, let me go." Sabi ng dalaga sa kanya imbis na pakawalan ng binata mas lalo pa nya itinulak ng may pwersa ang dalaga hanggang sa sobrang lapit na ng mukha nilang dalawa. Dinilat ng dalaga ang mga mata nya at bumungad sa kanya ang mala-anghel na mukha ng binata.
"Why are you here? The last time i saw you. I asked your name. What's your name." Tanong ng binata imbis sagutin ito ng dalaga. Nauuna ang kaba na nararamdaman nya at hindi nya maibuka ang bibig nya.
"Life or Death?" Napalunok ang dalaga sa takot at hindi alam kung ano ang isasagot.
"Death." Wika ng Dalaga sa kanya na syang hindi naman nya inaasahan na iyon ang isasagot. Kasi kalimitan ng mga tao mas pipiliin na mabuhay o buhay kisa sa patay o mamatay.
"Insane." Sabi ng binata at lumayo sa kanya at naglakad palayo. Bago ito umalis binato nya ang kutsilyo na hawak nya at sumaktong tumusok ito sa puno. Napahinga ng malalim ang Dalaga dahil akala nya sya ang babatuhin ng binata pero lumagpas ito sa kanya.
"Sa susunod, magpakilala ka na sa akin." Seryosong sabi ng binata sa kanya atska ito umalis.
Chain Point Of View:
"Life or Death?" Ano? Nakakatakot na sya. Anong isasagot ko? Anak ng pusa naman oh! Bakit ko pa kasi sya hinanap at sinundan??? Papatayin nya na ba ako? Sige! Sige na! Patayin nya na ako! Mukhang ito ang hobby nyang gawin eh, ang manakot at pumatay.
"Death." Sagot ko. Naku po! Parang nagdadalawang isip ako sa sagot ko. Mas lalong nakakatakot ang mga tingin nya, isama pa ang magulo nyang buhok at pawis na mukha. Napayuko sya ng unti kaya nawala ang tingin ko sa mga mata nya.
"Insane." lumayo sa akin at pinagmasdan syang naglalakad papalayo sa akin pero huminto sya bigla at nilingon ako. Ang talas ng tingin nya sa akin yung tipong pwede kang magkakapira-piraso. Kita ko ang mahigpit nyang hawak sa kutsilyo na may dugo ko. Babatuhin nya ba ako ng kutsilyo na hawak nya na may bahid ng dugo ko? Ito na, ito na ang huling hininga ko. Kailangan sulitin ko na. In a second, narinig ko ang pagtusok ng kutsilyo sa puno na nasa likuran ko. Hay! Akala ko tutuluyan nya na talaga ako.
"Sa susunod, magpakilala ka na sa akin." Wika nya bago sya umalis. Hay! Nakahinga ako ng maluwag sa maluwag at napahawak sa leeg ko. May kunti hapdi ng mahawakan ko ang sugat sa leeg ko. Tinignan ko ang kamay ko at nakita ko ang sarili dugo sa kamay. Dapat ko na itong gamutin bago pa makita nina Chess.
Nakarating ako sa clinic at ginagamot na ako ng Nurse. Hindi pwede sa dorm ako pumunta baka nandoon na si Rope or Prainy pagalitan pa ako nun at sabihin hindi ko alam kung anong meron sa paaralan nila at kung gaano kadelikado umalis ako mag-isa.
"Ayan na. Nilagyan ko ng bandage." Sabi ng maganda nurse sa akin.
"Nurse, pwede po bang magtanong?" Sabi ko.
