Chapter one:Welcome Year

97 1 0
                                    



Ilang oras na akong nakaupo sa Van na sinasakyan ko papunta sa Secret Academy. Parang halos puno at damo ang nakikita ko tapos lubak-lubak pa ang daan. Ano 'to? Probinsya? Tapos kanina ko pang tinataas ang cellphone ko dahil kanina pa akong walang signal. Sabi ko pa naman kay Lara na tatawagan ko sya pag nasa bhaye na ako kaso wala talagang signal kahit one bar ng signal. Wala.

"Malapit na ba tayo?" Tanong ko sa Driver na kanina pang hindi nagsasalita. Pipi ba sya?

"Malapit na po." Sagot nya. Malapit na? Eh kanina pa akong nakaupo dito na halos isang buong araw. Palubog na ang araw. Nakaramdam ako ng patag na galaw sa kotse. Hindi na lubak-lubak. Hay! Salamat naman!

Dumaan ang isang oras tumigil ang van sa tapat ng makalawang at mataas na bakal na Gate. Nakasulat ang pangalan ng school sa harap ng gate. Bakal ang bawat letra. 'Secret Academy' with red color. Ang creepy right? Sa mga ordinaryong paaralan, more on light colors ang pintura but why red? Tss! Don't mind it, Jainred.

"Ms. Santos, nandito na po tayo." Sabi ng Driver at ngayon ko lang nakita na bukas na pala ang pinto ng Van. Kinuha nya ang maleta ko at ibinaba kasabay rin nun ay bumaba na ako sa Van. May sumalubong sa akin ng dalawang babae na nakaputi. Teacher ba sila o nurse?

"Dito na po ako Ms. Santos, ingat po kayo lagi." Dumikit sya sa akin na sobrang dikit at may kiniskis sa kamay ko patago. Magaspang at mabigat. Bakal ba 'to?

"Lagi ninyo pong itago ang lahat... ng gamit ninyo." Sabi nya atska lumayo sa akin at pumasok sa Van. Naguguluhan ako pero bakit ganun ang pananalita ni Driver. Lumapit na ako sa dalawang babae na nakatayo kanina pa malapit sa Gate.

"Welcome to Secret Academy, Ms. Santos." Bati nila, emotionless. Ngumiti ako at binati rin sila.

"Hello, Thank you. " sabi ko atska kinuha nila ang maletang hila-hila ko.

Bumukas na lang bigla ang gate at naglakad kami papasok. Nasa likod lang ako ng dalawang babae habang hila-hila nila ang maleta ko. Gabi na kaya post light lang ang nagbibigay liwanag sa daan na dinadaanan namin, isama pa ang liwanag ng bituin at buwan. Nakarating kami sa isang building na nakalagay ay Dormitory. Dorm yata ito ng girls. Pink ang pintura. Infairness, sumakto ang color coding nila sa mga girls. Umakyat kami hanggang sa makarating kami sa third floor. Tumigil silang dalawa sa dulong pintuan. Room 636 .

"Ito ang room mo, nandito ang mga rules and regulations ng school. Kasama rin ang mga punishments sa librong ito pati ang iba pang mga other informations about our school. Basahin ng mabuti para hindi magkamali." Sabi ng isang babae sa akin at inabot naman ng isang babae ang susi ng room. Tumalikod na sila sa akin at naiwan na lang ako kasama ang maleta ko.

Dis is it! New school! New life! Hay!! Excited na akong mameet ang mga dorm mates ko. Isinuksok ko na ang susi at pinihit ang door knob at dahan-dahan binuksan ang ang pinto.

"Inlove na ako! Inlove na sayo! Sana malaman mo!" Binuksan ko ng tuluyan ang pinto at naramdaman ko ang pagtigil ng katahimikan nila.

"OH EM G! Our new roommate!" Sigaw ng isang babaeng na may dalawang bun sa ulo. Mukha syang character na babae sa street fighter. Lumapit sya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Finally! I saw a girl from the outside world again! How's the world?! Isn't good?! Nakita mo na ba si Darren Espanto?! My goshh!! Ang swerte mo naman! Nakita mo na sya!" Deri-deritso nyang sabi sa harapan ko.

"Cheska, you're so annoying! Stop acting like a kid! Tss!" Sabi ng babaeng nakaupo sa kama. All in black sya. kahit lipstick nya, Black.

"Prainy, don't be so nice! I know naman na excited ka to meet our new roommate! Come!" Hay! Buti naman naisipan nya na kong papasukin. Hinila ko na ang maleta ko papasok atska nya sinarado ang pinto.

Secret AcademyWhere stories live. Discover now