Chain Point of view:
Matapos ang malagim na gabi dahil sa pagkamatay ni Abigail. Balik sa normal ang lahat. Lunes ngayon at balik sa pagiging estudyante.
Naglalakad na ako papunta sa classroom namin at hindi ko ngayon kasabay sina Chess dahil sa maaga silang umalis kanina. Hinahanda ko ang sarili ko sa mga possibleng mangyari sa akin mamaya sa classroom. Hanggang ngayon kasi ako parin ang tinutukoy nilang killer ni Abigail.
Ito na, nasa harapan na ako ng classroom. Naririnig ko na ang sigawan at tawanan nila. Tinignan ko ang relo ko at 6:54 am na. Kinalma ko muna ang sarili ko atska yumuko. Kahit mabigat sa loob ko na pumasok ngayon at parang may bakal sa mga paa ko, pinilit ko paring pumasok sa classroom.
"Nandyan na sya!" Sigaw ng isa kong classmate. Nakayuko parin ako habang yakap-yakap ko ang libro na hiniram ko sa library. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa mga matatalim nilang tingin sakin. I found my place here at umupo. I covered my face using my long hair, 'Kaya ko'to!' Nasusurvive ko ang buong araw na ito.
"Ang kapal din talaga ng mukha mong pumasok pa dito nu'h?" Tatlong babae ang nasa harapan ko ngayon habang nakacross-arm.
"Sino ba naman ang aamin na isa syang KILLER." Wika ng isa. Tinignan ko sila at ang nasa harapan ko pala ay si Amandra.
"Stupid girl. You mess up with us! Kaya mo ba pinatay si Abigail because hindi ka nakaganti sa akin? Dahil 'WEAK' ka?" Hindi ko na ito kaya. Sobra na sila. Hindi ko pinatay si Abigail at wala akong kinalaman sa pagkamatay nya.
Napatayo ako pero bago ako makapagsalita may isang babae na nakasalamin ang humarang sa amin.
"Ano ba Amandra?! Wala ka bang masisi kaya sya ang sinisisi mo? May ebedinsya ka ba na sya ang pumatay?" Sino ba ang babaeng nagtatanggol sa akin?
"Hoy! Nerd! Umalis ka nga dito! Hindi ka naman kasali dito ha! Gusto mo bang patayin ka rin nya?!" Sabi ng isang babae na naka-pink lipstick.
"Dahil nawala si Abigail. Ako ang inilipat dito sa inyo kasama si Alcantara. Kaya pwede ba, tigilan ninyo na sya. Hindi nya kilala kayo o si Abigail. Kaya impossible ang sinasabi ninyo." Pagpapaliwanag nya.
"Bakit? Kasama ba yan sa pag-experiment mo at pag-aaral mo ng mga insect na ipagtanggol ang weak na yan?" Pagdiin ni Amandra sa babaeng nasa harapan ko.
"Eh kung pabaunan kaya kita ng ipis at daga bago ka umuwi? Gusto mo yun?" Mataray nyang sabi. Lahat naman ay napa-Yack! Sa sinabi ng babaeng nasa harapan ko.
"Eww!! Whatever!! You two! The Losers!!" Pangaasar nila sa amin. Lahat ng kaklase naman ay nagsitawanan at naghiyawan. Pero ako, wala na akong masabi sa kanila. Nakayuko na lang ako at hindi umiimik.
"Are you okay?"
Simula ng pumasok ako dito sa Academy. Puro lagi ang tanong nila sa akin. Kung okay lang ba ako? , okay ka lang? Are you okay?, lagi na lang nila akong pinagtatanggol. Ano naman ang gagawin ko para ipagtanggol ang sarili ko sa paaralan na ito.
"Thank you." Sabi ko atska binigyan sya ng maikling ngiti.
"Okay lang yun. Nga pala, ako si Juno Fernandez. Dating taga- Section B- Rutherford." Sabi nya and i saw her hand. She is offering a shakehands. Tinanggal ko naman yun at ngumiti.
"Chain Santos, New student." Pagpapakilala ko.
"Alam ko." Sabi nya atska ngumiti. Umalis na sya sa harapan ko at mukhang naghanap na sya ng bakanteng upuan.
