Chapter Four: Invitation

47 1 0
                                        



Chain Point Of View:

Minulat ko ang mga mata ko ng maaninagan ko ang liwanag ng bilog na buwan. Ramdam ko ang bigat at sakit ng katawan ko. Makiramdam ko parang binagsakan ako ng hallowblocks sa bigat ng pakiramdam ko. Ginalaw ko ng kaunti ang braso ko at nakaramdam agad ako ng sakit ng paninilipit. Nagugutom ako, gusto kong kumain. Pinilit kong bumangon at tumayo. Napatapat ako sa whole body mirror at nakita ko ang itsura at braso ko na puro gasgas at sugat. Putok ng bahagya ang labi ko dahil sa pagsuntok at sampal na natamo ko kay Amandra. Naglakad ako patungo sa lamesa kung saan may nakatakip. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang adobo at kanin na nasa plato. Siguro akin 'to. Kumuha ako ng kutsara at tinidor pati baso. Umupo ako at nagsimulang kumain. Ramdam ko ang sobrang pagkagutom na parang isang taong hindi ako kumain ng ganitong pagkain.

"Chain." Napalingon ako sa tinig ng babae na tumawag sa pangalan ko. Natakot ako sa aura na binigay nya sa akin.

"Prainy?" Bakit gising pa sya? Nakakahiya siguro ang itsura ko dahil puno ng kanin ang bibig ko.

"Kamusta? Masaya bang lumaban ng walang kalaban-laban?" Tumayo agad ang mga balahibo ko sa tuno ng pananalita ni Prainy sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil kinakamusta nya ako o matatakot dahil sa pananalita nya.

"O-okay lang." hindi ko alam kung anong irereact sa sinabi nya. Lumapit sya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Masakit pa ba? Pwede naman na magpahinga ka muna at wag ka munang pumasok bukas." Emotionless nyang sabi sa akin. Kahit minsan pala may concern din pala itong si Prainy. Hindi nga lang halata.

"Salamat. Pangatlong araw ko palang dito kaya dapat pumasok ako." Sabi ko sa kanya sabay lunok ng natitirang pagkain sa bibig ko. Kinuha ko ang baso para kumuha ng tubig sa ref ng bigla nya itong inagaw sa akin at tumayo, naglakad papunta sa ref at nilagyan ng tubig ang baso. Bumalik sya sa kinauupuan nya at pinatong ang baso sa lamesa.

"Salamat." Sabi ko atska ko naman kinuha ang baso at ininom. Pinahid ko ang gilid ng bibig ko gamit ang palad ko at tumingin ulit sa kanya. Ang awkward ng atmosphere naming dalawa kasama pa ang hangin na nanggagaling sa bintana.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Paunang tanong nya. Hindi parin nawawala ang pokerface nyang emosyon. Para syang poste na hindi matitibag sa emosyon.

"Masakit parin ang katawan." Sagot ko. Sa totoo lang, sobrang sakit ng buo kong katawan. Ngayon ko lang yata na experience ang ganitong pagsakit ng katawan.

"Sa susunod, pagaralan mo kung paano protektahan ang sarili mo para sa susunod na lalaban ka. Ikaw ang matitirang buhay hindi matitirang patay." Sabi nya sa akin atska tumayo. Sinundan ko lang ng tingin sya habang naglalakad papunta sa kama nya at humiga. Tama sya, kailangan kong pag-aralan na protektahan ang sarili ko. Hindi dahil gusto kong gumanti kundi para sa mga ganitong sitwasyon, marunong akong protektahan ang sarili ko. Hindi lagi akong naka-asa sa iba na proprotektahan ako. Katulad ni James. He's always protecting me. Hay! Kaso nga lang nasa D.A sya kaya wala ng pwedeng magprotekta sa akin kundi ang sarili ko lang.


Dumaan ang dalawang araw na nakahiga at nagpapahinga sa room namin. Sina Chess, Prainy at Rope ay pumasok at ako naiwan dito para magpahinga. Nabobored na nga ako eh, buti na lang may mga nakasave na movies sa laptop ko kaya puro movie marathon lang ang ginagawa ko. Sabado na bukas kaya excited na akong magkaroon ng signal dito at maisesend ko na kay Lara ang mga pictures ng Secret Academy syempre kasama sina Prainy,Chess at Rope.

'Knock! Knock!'


Napatingin ako sa pintuan na nakasara. Hindi ko alam kung bakit bumilis agad ang kabog ng dibdib ko. Tumayo ako at lumapit sa pintuan. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang hangin. Wala namang tao. Napayuko na lang ako at baka nangtritrip lang ang mga estudyante. Nang mahagip ng mata ko ang isang box na puti. Kinuha ko yun at tinignan kong may pangalan. May invitation na nakaipit sa ribbon. Kinuha ko ang maliit na envelope at sinarado na ang pintuan. Tumungo ako sa kama ko at inilapag ang box sa tabi ko. Tinignan ko kung para saan ang mini envelope na ito.


Secret AcademyWhere stories live. Discover now