One: To start with a Troublemaker

374 14 0
                                    

'All you really need, is someone who sees the psycho you are and likes you anyway.'

~~~~~

"Time-check. 12:34 am." I nodded at him and slowly walked.

Pinagmasdan ko ang paligid at tahimik na tinahak ang pasilyo.

"Here," I informed him.

We both stop at the frontdoor.

"Ready?" tanong niya kaya't tumango ako at hinawakan na ang kandado ng pinto.

Bahagya kong idinikit ang hintuturo ko sa lock ng pintuan at tinunaw ito.

"And it's opened." We made a fistbump and silently walked inside the room.

We saw her sleeping soundly on her bed. Tumingin ako sa kasama ko at tinanguhan siya. Maingat kaming naglakad palapit sa kanya.

I smiled wickedly and slowly moved my hand closer.

"Handa ka na?" tanong ko pa sa kasama ko at agad siyang tumango.

"And one...two..."

"Ahhh--mmp--" Agad kong tinakpan ang bibig ng babae at dumagan sa kanya.

Pilit pa siyang kumawala at itinutulak ako.

"Aww!" impit na daing ko nang malaglag ako sa sahig.

"S-sino kayo?!" sigaw niya pa at agad na tumakbo papunta sa may pintuan.

Pipigilan na sana namin siya nang biglang magbukas ang ilaw ng kwarto at nailantad kaming dalawa ng kasama ko.

"Neah?! KD?!" gulat na sigaw niya.

Marahan akong tumayo mula sa pagkakaupo at bahagya ko pang hinimas ang tumama kong pang-upo.

"Hi, Yen," bati namin pareho at kumaway pa sa kanya.

Lumapit ako kay Karnam at siniko siya.

"Hindi mo manlang ako tinulungan," saad ko bago lumapit kay Lorriene at inakbayan siya.

"Akala ko kaya mo na, e," sagot niya at nagkibit-balikat.

"Anong ginagawa niyo dito? At Neah naman, e. Akala ko tuloy kung sinong tulisan na ang pumasok sa kwarto ko!" aniya pa at muli akong tinulak.

"Shhh, Yenie babes. H'wag kang masyadong maingay, baka magising 'yung nasa ibang kwarto," saad ko.

"E, bakit ba kasi kayo nandito? Tinakpan mo pa 'yung bibig ko, akala ko tuloy papatayin niyo ko. Nasaktan ka ba?" aniya at pinalo pa ang pwetan ko.

"Aray naman, babes. H'wag mong paluin, lalong lulubog 'to."

"Bwisit kasi kayo, e!"

"Sorry na. Kailangan lang namin kasi ng tulong," sagot sa kanya ni Karnam at naupo sa kama.

"Ano namang kailangan niyo? At ganitong oras talaga?"

"Huwag niyong sabihing..." Naiiling pa siyang naglipat ng tingin sa aming dalawa.

"Yep. Please, Yenie babes." I pouted my lips and made a puppy look.

"Naman, e. Mapapagalitan tayo niyan sa pinaggaga-gawa niyo," sagot niya at agad na bumuntong-hininga.

But I smiled upon seeing her walking near her window.

"Last na blood-masking na 'to, a." Agad kaming tumango at lumapit sa kanya.

Hinawakan niya ang magkabila naming kamay at saka siya pumikit.

Ilang saglit lang ay nakaramdam na ako ng pamamanhid sa buo kong katawan, senyales na tapos na ang ginawa niya.

AnathemaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon