Eighteen: To ease your burden

81 6 0
                                    


'I'll be on my way, so don't break your own laws.'

~~~~~~~~~~~

*SHENEAH PARKER BERNARDO*

"Ano, masakit pa rin ba?"

Bahagya akong ngumiwi nang hawakan ni mama ang kanang paa ko. Pero pinilit ko pa ring ngumiti at umiling sa kanya.

"Hindi na po gano'n kasakit, ma."

"Sigurado ka ba talagang kaya mo na, anak? Hindi ka pa naman nakakapaglakad nang ayos. P'wede ka naman magpagaling dito sa bahay."

"Malapit na po ang cabal tournament, ma. 'Di ba sabi ko sa inyo ni papa, sasali pa rin ako doon?"

"Hay naku, Neah." Bumuntong-hininga na lamang si mama at tinapos na ang pagbebenda sa paa ko.

"Ma, p'wede ba 'kong lumabas ng bahay?" Bagot na bagot na ako dito sa loob. Ni hindi man lang ako pinapakilos nila papa.

"Saan ka pupunta?"

"Diyan lang sa garden o kaya sa labas ng bakod. Bored na 'ko dito sa loob, ma. Hindi naman ako lalayo, e."

"Siguraduhin mo lang na hindi ka talaga lalayo."

"Opo, ma."

"O, sige. Bumalik ka bago dumating ang papa mo. Hahanapin ka no'n."

"Opo." Tumayo na ako at dahan-dahang naglakad palabas ng bahay.

Pero sa bungad pa lamang ng terrace namin ay napatigil na 'ko.

"Where are you going?"

"Ryu. Ba't ka nandito?" tanong ko pa.

"I'm visiting you. Now, where are you going?"

"D-diyan lang sa labas. Sa garden."

"Are you sure?"

"Yup." Tumango agad ako sa kanya.

"Okay. I'll come with you." Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan na maglakad. Nagtungo kami sa garden kung saan naroon ang swing na ginawa ni papa. Pinaupo niya ako sa swing at naupo naman siya sa katabi nitong kahoy na bangkuan.

"So how are you feeling?"

"Okay na. P'wede na nga akong bumalik sa school, e."

"Sigurado ka? Paano 'yang pilay mo?"

"Magaling na 'to. Kaunting pahinga na lang, makakasipa na ulit. Para makapagtraining na ulit ako."

"Training?"

"Para sa cabal tournament. Malapit na 'yun, 'di ba?"

"Oh, yes. Pero hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo. We can withdraw on the cabal tournament."

"Ha? E, 'di ba ikaw na ang nagsabe na it's a life and death deal? Bakit hindi na natin kailangan sumali?"

"Basta," aniya kaya't agad na kumunot ang noo ko.

"Hoy, Ryu. Magsabi ka nga ng totoo. Ano'ng dahilan ng pagsali natin sa Cabal Tournament? At bakit umaayaw ka na ngayon?" Nilingon ko siya at seryosong tinitigan.

"Fine. Sasabihin na." Bumuntong-hininga siya at humarap rin sa 'kin.

"Darius wanted to take you on their team for the tournament."

"Ha? Ano namang kinalaman ko sa kanya at isasali niya 'ko sa grupo niya?"

"Isinulat niya ang pangalan mo sa grupo niya noong nagpasa siya ng application form."

"Tapos?"

"And I said he can't, kasi nasa grupo kita. That's why he said that he'll just fight our team para mapunta ka sa kanya."

AnathemaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon