'Keep her. I know she likes you.'
~~~~~~~~~~~~~
*RYUJIN ROSS*
"Sigurado ka bang ayaw mo munang umuwi, anak?" Agad akong umiling sa tanong niya.
"I'll wait for Neah to wake up."
"Ryujin." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"I'll be fine, Dad. " Lumingon ako kaya't nakita ko ang bahagyang pag-ngiti niya.
"You really love Neah, don't you?" rinig ko pa ang bahagyang pagtawa niya na ikinakunot ng noo ko.
"You already know my answer to that."
"So, mamanhikan na ba tayo, anak?"
"Dad. Stop it." Nagsisimula na naman siya.
"Fine fine, hindi na. It's just fun teasing you a bit," aniya pa.
"Stop teasing your son, Superior Ross." Pareho kaming napalingon nang pumasok si Marshall Shia kasama ang asawa niya.
"Marshall. Mayor," nagbigay-galang pa kami at yumuko sa kanila.
"Tama. Hindi ko pa ipinamimigay ang anak ko kaya h'wag kang magbiro nang ganyan," saad naman ni Mayor Jb kaya't tumawa na lang ang ama ko.
"Kamusta ang pakiramdam mo, iho?" tanong niya pa sa akin.
"Okay lang po ako, tito."
"Siya nga pala. Congratulations on winning the cabal tournament. Sayang at hindi kami nakanood," saad ni Marshall Shia.
"And...is that the bird they were talking about earlier?" aniya sabay turo kay Chick na prenteng nakadapo sa mesa malapit sa kama ni Neah.
"Opo. A-alaga po ni Neah si Chick."
"Alaga. I see. Paano siya nagkaroon ng ganyang alaga? And this bird looks oddly familiar. Parang nakita ko na 'to kung saan." Lumapit pa si tita at akmang hahawakan ang pakpak nito nang bigla siya nitong tukain.
"Oh!" Gulat na napaatras si tita at inilayo ang kamay niya rito. Kaya agad akong lumapit kay Chick at hinawakan ang tuka nito.
"Calm down, Chick."
"That is a very dangerous bird my daughter is taking care of."
"P-pasensya na po, tita." Chick might be a bit wary around people it don't know.
"Nah. It's fine. Hindi naman niya ako nasugatan. Anyway, hon. Kailangan kong kausapin si Royanna."
"Sasamahan na kita. Maiiwan na muna namin kayo."
"Then I'll be going ahead as well. Magpapaiwan naman itong anak ko."
"Mag-iingat po kayo." Muli akong yumuko at nagpaalam sa kanila.
"While we're at it, why don't we talk about their future wedding?" rinig ko pang saad ng ama ko habang palabas sila ng kwarto.
Napailing na lamang tuloy ako at muling naupo para pagmasdan si Neah.
Mabuti na lang at dumating kaagad si Professor Irma at nagamot ang mga malalalim na sugat ni Neah.
Ang sabi niya ay kakailanganin na lamang na makabawi ng lakas si Neah at magigising rin ito kaagad. Nabawasan ang kaba ko nang sabihin niya iyon.
"Hey. Wake up," bulong ko habang hinahaplos ang buhok niya.
Sheneah just played the biggest role earlier. Napakaimposible lang talaga ng nangyare at hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako paano niyang nagawa iyon.
BINABASA MO ANG
Anathema
FantasiEvery one of us, Holds our own kind of Curse. Dark Cabal Series: Two