Twelve: To make you quit

109 7 0
                                    

'Weakness comes from fear. And fear comes from not being great. But just be good and get better everyday.'

~~~~~~

*LORIENNE HEIZE TORRES*

"Ahh!" Mariing lumapat ang likuran ko sa pader matapos ang napakalakas na atakeng iyon.

"A-aray..." daing ko at bahagyang ibinangon ang sarili.

"I lose. I lose. Tama na, Ryu." Naghahabol na ako ng hininga at tumatagaktak na rin ang pawis ko. Sana talaga ay hindi ko pinilit ang katawan ko na makipag-buno kay Ryujin. Ni hindi ko magawang makipagpalitan sa kanya ng atake at tanging pag-iwas at pagharang lamang ang nagawa ko.

This guy is friggin' serious about fighting me. Wala yata siyang balak na tigilan ako hanggat hindi ako sumusuko.

"I'm done. Pagod na talaga 'ko," dagdag ko pa at sumandal na muna sa pader para ipunin ang lakas ko. Doon ko napansin ang walang-sawang paglalaban nina Karnam at Neah. Para silang mga presong nakawala sa kulungan at nag-uunahan sila para mapabagsak ang isat-isa. Hindi ko maiwasang mabilib kay Neah. She was battling heads on with Karnam, and he was obviously a vampire. He should have been on the superior side. Pero sa nakikita ko, madali lang para kay Neah ang makipagsabayan sa kanya.

"We'll continue our fight later. Magpahinga ka na muna," saad pa sa 'kin ni Ryujin na hindi na rin maialis ang tingin sa dalawa. Dumako naman ang tingin ko kina Harah at Grayson at namangha rin sa nakita.

"Seryoso ba talaga sila?" Balak na ata nilang patayin ang isat-isa sa ginagawa nilang pag-atake. Sa totoo lang, nakakatakot na ang ginagawa nilang paglalaban.

"I thought this is just a training. Bakit mukhang balak nilang magpatayan?" tukoy ko sa kanilang apat.

"Kaya mo rin namang gawin 'yan, Yen. Natatakot ka lang na makasakit ka." Nilingon ko si Ryujin nang sinabi niya 'yon.

"Mali ka, Ryu. It's just that I am a weakling and compared to you, guys, walang wala ako."

"Now that is wrong, Yen. Hindi ka mahina. As I said, you're just afraid to be what you have to be. And weakness comes from fear, and fear comes from thinking that you are not good enough."

"Woah, Ryu. May balak ka bang maging guidance counselor? That is full of wisdom," biro ko pa.

"Just remember that you are good, and you will get better in the days to come." Bahagya siyang ngumiti at ginulo ang buhok ko saka nagpatuloy sa panonood.

Umabot pa ng halos sampung minuto bago sila pinatigil ni Ryujin. Nakakalungkot tuloy dahil ako pa ang naunang umayaw at sumuko.

"We'll continue later. Sa ngayon magpahinga na muna tayo."

"I'm starving," agad na saad ni Karnam pagkaupo niya.

"Sinabi mo pa. Kumain na muna tayo. And I need to feed Chick dahil baka lumipad na naman 'yon," dagdag naman ni Neah at saka na naglakad palabas ng training room. Sumunod na lamang tuloy kami at tinulungan si Neah na pakainin ang higanteng ibon niya.

"Hala. Neah, saan mo nakuha ang mga 'yan?" gulat na tanong ko nang makita ang mga patay na Oni na dala niya.

"I had a little trip last friday and I thought it would be possible na kumain ng Oni si Chick. And it was totally possible kaya ayan. Hindi na 'ko mahihirapan sa pagkain niya."

"Are you sure that's safe for Chick? Baka naman malason siya," komento naman ni Harah.

"Well, if Karnam was not poisoned then most probably, safe din 'to para kay Chick."

"I am a vampire, Dude. Natural sa 'kin na hindi malason sa Oni."

"Yeah. And Chick is a gigantic bird. Pareho na 'yon." Napabuntong-hininga na lamang tuloy ako sa paliwanag ni Neah.

AnathemaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon