Nineteen: To be the only one

85 5 0
                                    


'This is my own heart. I know why it beats. And I know it is for loving you.'

~~~~~~~~~~~~

Isang mahabang buntong-hininga ang ginawa ng binatang si Grayson habang pinagmamasdan ang mga kasama.

Mula kaninang umaga ay nag-eensayo na sila para sa gaganaping labanan sa susunod na linggo.

Abala na ang mga kalahok kasama na ang grupo nila sa pagsasanay. Ngunit, pansin niya ang malungkot na awra loob ng bulwagang iyon.

Tahimik na nagsasanay si Harah at simula kanina ay hindi niya pa ito napansing nagsalita. At kahit na ayaw niyang makielam sa nararamdaman nito ay hindi niya magawa, dahil patuloy lamang niyang nasasagap ang emosyon nito.

Muli tuloy siyang bumuntong-hininga at nilapitan si Karnam.

"Karnam," tawag-pansin niya sa binatang halos pagsakluban na ng langit at lupa sa bigat ng pakiramdam nito.

"Hey," muli niyang tawag at saka lihim na nagpalabas ng kung-ano sa kanyang.

"Say hi to my little friend," anito sabay patong ng isang bungo sa kanyang ulunan.

Agad na ginamit ni Grayson ang kanyang gift kaya't na gumalaw ang mga ngipin ng bungo at kinagat ang tenga nito.

"Ahh! Aray, Gray! Ano ba 'to?! Ilayo mo nga sa 'kin 'yan!" sigaw ni Karnam at agad na inihagis ang bungo sa sahig.

"Takte naman. Ano bang problema mo?!" angil pa niya nang maramdamang nagdugo ang ibabang bahagi ng tenga niya.

Ngumisi naman sa kanya ang binata saka sa tinalikuran.

"Oy. Oy. Ano namang kalokohan 'yan?" Lumapit pa si Lorriene at pinatagalitan ang dalawa.

"Tanungin mo 'yang baliw na 'yan. Pinakagat pa 'ko sa alipores niya," reklamo ni Karnam habang pinapunasan ang dugo sa kanyang sugat.

"Gray. Ano'ng nangyayare sa 'yo?"

"I'm just letting him feel a bit of Harah's emotion right now," sagot niya kaya't nanahimik naman si Karnam at napayuko na lamang.

"If you won't do something about your girl's annoying emotion, Karnam. I'll let my little friends eat you alive," anito na animo'y nang-iinis.

"Gray," agad namang suway ni Lorriene sa kanya saka siya nito hinatak.

Muli namang naupo ang binata kahit na napipikon na ito sa litanya ng kaibigan.

Simula nang araw na kinausap siya ng dalaga ay hindi na muli siya nitong pinansin. Gustuhin man niyang kausapin ito ay para naman siyang hangin tuwing magkikita sila at hindi manlang siya nito tinitignan.

Nakakapanlumo, na hindi pa man nagsisimula ang kwento nila ay agad na itong tinapos ng dalaga.

"O, anyare dito?" saad ng kadarating na si Neah nang mapansin ang katahimikan sa loob.

Kasama nito ang binatang si Ryujin na buhat ang ilan sa mga armas na kanilang gagamitin sa pag-eensayo.

"A, guys? Dumating na kami. Baka naman gusto niyo kaming tulungan dito sa dala namin," muling saad ni Neah sa mga kasama.

"Neah." Patakbo namang lumapit si Harah at kinuha ang ilan sa mga dala nito.

"May naglilista ba ng maingay at napakatahimik niyo?" komento pa nito bago naupo sa isang tabi at agad naman siyang sinundan ni Harah.

Nagpunta sa gitnang bahagi ng bulwagan si Ryujin at tumikhim para mapansin ng mga kasama.

"Let's continue our training. Red and Gray. You two fight with each other. But do not use any weapons or your gifts," aniya sa dalawa kaya't tumalima na lamang ito at nagtungo sa kabilang bahagi ng bulwagan.

AnathemaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon