Twenty: To begin the battle

95 5 0
                                    

'Maybe you will make me regret what I said to you later on. But as of the moment you're still that great woman I know.'

~~~~~~~~~

Isang malakas na pagsabog ang naghudyat ng kaguluhan.

Napuno nang palahaw ang buong kapaligiran habang patuloy sa pagkalat ang apoy.

At naroon ako. Nakatayo at nakangiti sa nasusunog nilang mga katawan.

Madilim at tanging ang ilaw na nagmumula sa nasusunog na gusali lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid.

Nakakaaliw.

Nakakatuwang pagmasdan ang kaguluhan. Hindi ko tuloy maiwasan matawa habang pinagmamasdan sila na humingi ng saklolo.

"Masaya ka ba sa nakikita mo?" Napalingon ako sa aking kaliwa nang marinig ko ang boses niya.

"Natupad na ba ang plano mo?"

"Hindi pa. Hindi pa tapos ang lahat hanggat hindi ko pa sila nakikitang nakaluhod sa harapan ko at nagmamakaawa para sa mga buhay nila."

Lumapit ako sa nasusunog na gusali at muling pinagmasdan ang mga nasa loob.

"T-tama na..." rinig kong hinaing nila na sadyang nakakaaliw para sa aking pandinig.

Napakaraming pamilyar na mukha ang nakikita ko sa loob. Ilan sa kanila ay sadyang malapit sa puso ko.

"Pero mas matutuwa ako kung mamamatay kayo." Tumalikod na ako at naglakad palayo.

Ilang hakbang pa at hindi ko na maririnig ang mga pagmamakaawa nila.

"Tumigil ka!" rinig kong sigaw niya. Napatigil ako sa aking kinatatayuan at marahang pinagmasdan ang dahan-dahang pagsasaksak niya ng espada mula sa aking likuran.

Nakita ko ang mabilis na pagdaloy ng dugo mula sa aking katawan. Ang paglagaslas nito at ang pag-agos sa basang lupa.

Isang malakas na halakhak ang aking pinakawalan habang unti-unting bumabagsak ang duguan kong katawan. Galit ang nakikita ko sa mga mata niya habang tinititigan akong nakahandusay sa lupa. Ngumiti ako dahil sa pagkaaliw bago ko tuluyang ipinikit ang aking mga mata.

"Nakakatuwa..."

~~~~~~~~~~~

Isang malakas na katok ang tuluyang nagpamulat sa 'kin.

'Why don't you friggin' open the door, little red?' Agad akong napabangon at napalingon sa may pintuan.

"Gray?" Tumayo na ako mula sa higaan ko at mabilis na binuksan ang pinto.

"Still in your pyjamas? 30 minutes and we're gonna be late for the first class," aniya pa.

Suot na niya ang kanyang uniporme sa loob ng jacket niya. Halatang bagong paligo siya dahil basa pa ang buhok nito at pansin ko na ang pagkainip niya.

"S-sorry. I overslept." Tumalikod na ako at hinayaan siyang makapasok.

"It's rare for you to sleep too much. Having a long dream, eh?" aniya kaya't bahagya na lamang akong napangiti at napatango.

"Siguro nga," sagot ko na lang at saka na kinuha ang mga damit ko sa cabinet.

"Maliligo na 'ko. Mauna ka na sa cafeteria para makapag-almusal ka."

"Nah. You might sleep again once I get out."

"Grayson naman." Nilingon ko siya at sinimangutan.

AnathemaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon