Thirteen: To enter a new land

117 6 4
                                    

'Some people will never see how good you are, because they are blinded by the brightest light that surrounds you.'

~~~~~~~~~~~~~~~

Pabalik-balik ang paglakad ng dalagang si Kiharah. Kasama ang mga kaibigan ay hinihintay nila ang paglabas ni Sheneah at ng mga magulang nito matapos ang naging pagpupulong ukol sa kanya. Isang malaking eskandalo kasi ang inianunsyo ng Headmaster. Na siya ay tinangkang patayin ng dalaga. Wala silang magawa dahil hindi sila maaaring pumasok sa opisina ng mga nakatataas. Tanging ang Headmaster, ilang High Council at ang mga magulang lamang ni Sheneah ang nakakaalam ng pinag-uusapan ng mga ito sa loob.

"How long are we going to wait here? Kailangan nating matulungan si Neah!" inis na inis na saad ni Ryujin sa mga kaibigan. Ilan lamang ang mga ganitong pagkakataon na nawawala ang pagiging kalmado ng binata. At madalas dahil lamang ito sa dalaga.

"Just relax for a bit, Ryu. Kasama naman ni Neah ang mga magulang niya. Alam kong may magagawa silang paraan para hindi siya maparusahan," saad ni Karnam kahit na maging siya ay hindi na maipinta ang mukha dahil sa sobrang pag-aalala.

"How can I relax?! We all know that she did not do anything wrong. Pero bakit nila ginagawa 'to?"

"We all know she's innocent. But right now, we might just ruin everything if we interfere. You're being out of your character, Ryu," komento naman ni Grayson na nagpatahimik sa kanya.

Bumuntong-hininga ang binata at naupo na lamang sa pasimano at mariing naghintay.

"Gray, nararamdaman mo ang nangyayare sa loob?" tanong naman ni Lorienne at tumango ang binata.

"Two of them are raging in anger. One is rejoicing while the other one is grieving. This meeting is not going anywhere good."

"Kung gano'n..." Muling tumango ang lalake at humarap sa kanya.

"This case is getting worse."

Samantala, sa loob ng kwarto. Patuloy pa rin sa pag-uusap ang High council ukol sa maaaring mangyare sa dalaga. Isa sa mga ebidensyang hindi maikaila ni Neah ay ang lapnos sa kamay ni Headmaster Chavez na gawa mismo ng dalaga. Pilit niyang ipinapaintindi sa mga ito na hindi niya sinasadya ang nangyare at dahil lamang ito sa nais niyang iligtas ang sarili. Pero malabong maniwala ang High Council sa paliwanag niya. Hindi lamang kasi ito ang kasong isinasampa sa kanya. Maging ang vandalisms na alam niyang hindi siya ang gumawa ay idinidiin rin ng lalake.

"Ma..." nilingon niya ang ina at unti-unti nang lumuha.

"It's okay, anak. You will be fine," pagpapatahan sa kanya ng ina maging ng kanyang ama.

"Can't we just settle this peacefully, Headmaster Chavez? Hindi nagsisinungaling ang anak ko. And that vandalism you were talking about, hindi naman tayo sigurado sa video na nariyan."

"No, Mayor Jasher. Hindi niyo ba alam kung gaano karaming kabulastugan na ang ginawa ng anak niyo? She always makes trouble in this academy. At totoo ang sinasabi ko. She tried to kill me!"

"Sir. Hindi ho 'yan totoo! You started it! Kung hindi niyo ho ako sinakal, hindi ko ho sana kayo masasaktan!"

"Stop! I want her out of this Academy! Kayo ang High Council, and you know what is just. At hindi dahil anak ni Marshall Arinne ang batang 'yan ay hindi na siya dapat maparusahan."

"I'm not defending her just because she is my daughter, Mr. Chavez. I'm defending her because she is right. This whole setup don't make sense!"

"Okay. We know your concerns already. Sa ngayon ay kailangan munang alisin sa paaralang ito si Sheneah."

AnathemaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon