Twenty Four: Too Naive

81 5 1
                                    

*KARNAM DALE MARQUIS*

"Seriously?" Kunot-noong tanong ni Neah habang nakatingin sa akin.

"Bakit si Karnam ang magiging representative ng team natin?" reklamo niya pa kay Ryujin.

Kaninang umaga kasi inanunsyo ang pangalawa sa huling pagsubok para sa Cabal tournament at ako ang napili bilang representative ng grupo.

"We can only choose one of our teams kaya hindi kayo pwedeng dalawa ni Karnam, Neah," sagot sa kanya ni Ryujin na lalong napagkunot sa noo nito.

"Iyon na nga. Bakit si Karnam na naman ang pinili mo? Siya na nga ang ginawa mong leader ng grupo natin, siya pa rin ang pinili mo ngayon," pagmamaktol na nito.

Abnormal talaga ang babaeng 'to.

Siya pa talaga ang nagpupumilit na sumali nang mag-isa.

"Alam mo, Neah. Mahal ka lang talaga ni Ryu. Pero alam niya na mas malakas at mas magaling ako sa 'yo," sagot ko sa kanya na alam kong lalo niyang ikakainis.

"Aba't talagang... Ryu!" inis na saad niya kay Ryujin.

"Neah, look. You're injured. Mahihirapan kang makipagsabayan sa cabalist na makakaharap mo."

"How would you even know that. I'm fine already," pagpupumilit pa nito.

"No, you're not. Kaunting galaw mo lang dumudugo na agad 'yang sugat mo. At isa pa. We need to preserve your strength for the last event. We have to double our attacks for later kaya magpahinga ka muna ngayon. Please, Neah. Trust me on this one, okay?" mahinahong paliwanag nito sa kanya kaya't wala nang nagawa si Neah at tumango na lang.

"Oo na. Hindi ka pwedeng matalo, Karnam. Humanda ka talaga sa akin kapag hindi ka nanalo."

"You know I don't lose, Neah. And I am a pureblood. I'm superior in any possible way."

"Yabang talaga," huling hirit pa nito bago bumalik sa kinauupuan niya.

Muli akong bumuga ng isang malalim na hininga bago nagpasyang lumabas at nagtungo sa lugar kung saan magaganap ang susunod na event.

Ang pagkakaintindi ko sa anunsyo kanina ay isang myembro lamang ng bawat grupo ang pwedeng sumali at kung matatalo ang ipinanlaban nila ay hindi na sila makakasali sa huling bahagi ng cabal tournament.

Ako na lang at si Harah ang nasa maayos na kalagayan at hindi ko naman hahayaang si Harah ang magrepresent sa amin kaya't pumayag agad ako sa gusto ni Ryujin. And me being a supra-dominant will give us an advantage to finish this event.

'Representatives, please be ready as we will start our event in five minutes,' anunsyo na nila kaya't umayos na ako nang tayo at humarap sa gitna ng arena. Apat na lamang kaming naririto mula sa ibat-ibang grupo.

Nakakapagtaka pa na hindi si Darius ang kalahok mula sa grupo nila at babae ang pinili nila na mag-represent.

Pero ang naaalala ko isa siya sa may pinaka-maraming nakuhang bracelet mula sa huling event. Hindi ko nga lang alam ano ang gift niya at gaano ito kalakas dahil hindi ko pa siya nakitang lumaban.

But if she was chosen to represent their team, I'm pretty sure she will be powerful.

"Magsisimula na tayo," anunsyo ng cabalist sa 'min.

Narinig ko kanina ang sinabi nila na maliban sa makakasali sa huling event ang mga team na mananalo, ang pinaka-unang matatapos sa mangyayareng event ay maaaring humiling mula sa mga judge ng isang beses. Magiging malaki ang maitutulong nito para manalo sa buong tournament.

"Magsilapit kayo rito at bumunot ng inyong numero." Sumunod naman kami at saka na bumunot.

"Number two," saad ko pagkatapos kong bumunot.

AnathemaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon