Twenty One: Too Fast

66 6 0
                                    


'It was at that moment she knew, she was not the reason why.'

~~~~~~~~~~~~~~~~

*SHENEAH PARKER BERNARDO*

"Aray!" Malakas na daing ko nang itulak ako ni Ryujin at tumama ang likuran ko sa malaking puno.

"Are you okay?"

"Do I look like one, Ryu?" inis ko pang sagot sa kanya at saka itinayo ang sarili ko.

"I'm sorry. I was just trying to protect you from that creature."

"Hindi mo naman ako kailangang itulak, pre. Ang sakit kaya." Pinagpagan ko na ang sarili ko at saka namulot ng isang mahabang kahoy at saka sinugod ang babay ramo na umatake sa amin kanina.

Rinig na rinig ang malakas na palahaw nito at maging ang pagtalsik ng maraming dugo mula sa pagkakasaksak ko sa katawan nito.

"Gosh, Neah. You don't have to be so brutal," komento pa ni Lorienne.

"Kasalanan niya, nauna naman siyang umatake. Gumanti lang ako, babes."

Biglaan na lang kasi kaming inatake ng malaki at itim na baboy ramo mula kung saan. Naitulak pa tuloy ako ni Ryujin dahil sa akin dumiretso ang babay ramo nang tumakbo ito patungo sa amin.

Bumuga ako ng isang mahabang buntong-hininga at pinunasan ang tumalsik na dugo sa pisngi ko gamit ang manggas ng suot ko.

"Tara na. Kanina pa tayo paikot-ikot rito. Kailangan na nating maka-akyat sa taas."

Ang sabi kanina pito lang ang makakasali sa pangalawang pagsubok, at halos dalawang oras na rin kaming naglalakad, pero parang wala pa kami sa kalahati ng bundok na 'to sa dami ng sumusugod sa amin.

"Bakit parang wala akong nakikitang ibang grupo?" tanong pa ni Lorienne.

Mula kasi nang mag-umpisa ang pag-akyat namin dito sa bundok ay hindi ko na nakita ang iba pang grupo. Ni hindi ko nga rin napansin ang grupo nila Darius, e. Mabuti na nga lang at nararamdaman ni Grayson ang emosyon nila kaya't nakakasiguro kaming hindi pa rin sila nakaka-akyat sa tuktok ng bundok.

"Neah." Napalingon ako kay Ryu nang hawakan naman niya ang kanang palapulsuhan ko.

"Bakit?"

"Does your back still hurts?" tanong niya pa habang abala siya sa paglalakad. Napansin niya siguro na iyon ang tumama kanina sa puno nang itulak niya ako.

"Hindi na. Nagulat lang naman ako," sagot ko na lang sa kanya.

"Sorry."

"Ayos lang. Bilisan na natin," saad ko saka na nagmadali sa paglalakad.

Hindi naging madali ang pag-akyat namin. Marami pang sumunod na pagsubok ang nangyare bago namin nadatnan ang pinakatuktok ng bundok. Nariyang hinabol pa kami ng isang malaking oso, bigla na lang umulan nang malakas, gumuho ang ilang bahagi ng lupa at naging madulas at lubak-lubak ang aming dinaraanan tapos ay bago kami tuluyang makaakyat ay sinugod pa kami ng nga Oni. Pero sa palagay ko ay hindi totoo ang mga Oni na 'yon, dahil sa madali na lamang namin silang natalo. Ang sabi naman kasi sa amin ni Marshall Royanna lahat ng nandito ay gawa lang gamit ang gift ng mga cabalist.

"Pangatlo." Inabot sa amin ng isang babaeng cabalist ang isang itim na card nang makarating kami sa taas.

"May mas mabilis pa lang nakarating sa 'tin," komento ni Lorienne at napansin kong nauna pala sa amin ang grupo nina Darius at may isa pang grupo mula sa ibang year.

"So what do we next after this?" tanong ni Grayson sa nagbigay sa amin ng card.

"Pagkatapos mabuo ng unang pitong grupo ay magsisimula na ang susunod na pagsubok," anito kaya't umupo na lamang ako sa isang tabi at naghintay sa mga susunod na darating.

AnathemaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon