Sana kung gaano kadali sabihin ang katangang "move on", ganon din kadali gawin, noh?
Hindi na ako umaasa eh. Promise.
Fine. I'm lying. Ano ba magagawa ko, mahal ko paren si Raphael M. Fernando :(
I tried to forget about him pero I guess time lang makakapagsabi kailan at paano ako makakamove on diba? Ang dami nag-aask sa akin kung pwede daw ako maligawan and stuff >.< Ang sama ko tuloy, nadadamay tuloy sila sa kabitteran ko :(
May times kasi ang bad ko magsalita dahil linalabas ko sama ng luob ko sa mga lalaki -- kahit alam ko naman mali yun :(
After the class, kinausap ko professor ko..
"Sir, can I ask you something?"
"Sure, what is it?"
"Ah, meron po ba rehab na pwede ko pasukan para po makalimot ng stuffs na ayoko?"
"Meron naman. Pero bakit mo naman kailangan?
"Nahihirapan na ako sir.." naging teary eyes na ako. ayoko naman umiyak sa harap ng prof ko, ang pangit kaya tignan nun -- kaya naman pinilit ko wag umiyak..
"Ano ba problema mo? Pwede mo naman sabihin sa akin. Malay mo matulungan kita.."
"As i said sir, I need to find myself. And, I need to be better..."
"Bakit? Ano ba nangyari sa inyo ni guy?"
alam ni sir si Raffy -- kasi diba hinahatid and sundo niya ako dati? so ayun, akala ni prof ko boyfriend ko. Ugh. ayun hindi na ako makareact...
"Ah eh.. wala na po eh.. ewan ko ba.. Anyway, alis na po ako sir! hinihintay na po ako ng mga friends ko sa labas.." tapos tumalikod na ako.. palabas na ako ng room any time na din kasi tutulo na luha ko..
"Cath..." tinawag ako ni sir. bigla ako tumigil pero hindi ako humarap sa kaniya kasi unti-unti na tumutulo luha ko. Ako na crybaby pero siguro ganito lang talaga nangyayari kapag masyado ka nagmamahal at nasasaktan kana talaga.
"You're a strong and intelligent person. Alam ko makakaya mo yan. Napansin ko din naman may problema ka eh, halata sa class kasi hindi kana ganon ka-active tulad ng dati. Pero sana 'wag mo hayaan madamay problema mo na personal sa studies mo ha?" dagdag ni sir sakin..
sabi ko naman.. "yes sir! sorry po ha. nawala lang ako sa sarili ko po kasi eh.."
"And also Cath..." sabi naman ni sir.. btw, medyo close ako kay sir eh kasi fave ko subject niya tapos ako nakakakuha talaga ng highest sa exams, quizzes and recitations sa kaniya..
"Magpakabusy ka nalang sa buhay mo. Ilagay mo na lang focus mo sa ibang bagay para makalimutan muna siya..."
"Nagawa kuna po yun sir.. yun na nga po ginagawa ko eh.. pero wala paren masyado epekto.."
"Iapply mo mga natutunan mo sa class ko. Application yan, okay? Oonga pala, napakaeffective and mabilis makamove on kapag humanap ka nalang ng bagong guy.. yung guy na deserve mo.. pero hindi ko sinusuggest yun ha. kasi maliban sa sasaktan mo yung guy mas lalo mo lang pinahihirapan sarili mo later on.. Pinakamaganda mo gawen... take it easy. let time heals what reason can't. Tumayo ka sa sarili mong paa. 'wag ka aasa kahit kanino and kapag nakamove on ka by your own -- meaning nung ay strong ka talaga na nakaya mo yun.. hindi tulad ng iba.. gumagamit ng iba para makamove on agad. And lastly, do whatever makes you happy.. okay?"
"Thank you sir..." then hindi talaga ako humarap sa kaniya-- feeling ko narinig niya ung mga sobs ko >.< pero tama si sir. Ano pa sense ng inaral ko kung di ko apply >.< pero bakit ganon -- naiiyak ako </3
puchaaa. sana talaga madali na lang magmove on. ang sakit na di kasi e.isipin mo ilang weeks na ako umiiyak every night or minsan every morning paggising :(
As usual, hinug ako ng friends ko para tumigil na ako. And alam ko sila din gusto na nila ako magmove on. Alam ko nakikita ko sa eyes nila nahihirapan din sila para sa akin. :( Hindi ko naman kasi kasalanan ito eh. hay nko. Bahala na. Makakamove on ako.. lahat naniniwala sa akin na kaya ko.
BINABASA MO ANG
Time to move on? [Completed]
Teen FictionCatherine Isabella P. Mendoza. After the 30 days of Flirtationship. Ito yung kasunod na nangyari after. Makakaya niya kaya makamove on? Bakit ba ang hirap magmove on at maglet go? Malalaman niyo din kung ano nangyare kay Raphael M. Fernando after th...