Chapter 14

105 1 0
                                    

The next day (after the incident nung kay cei).. 

Nag-stay lang ako sa bahay.. 

ang tahimik ng bahay.. wala si mama kasi may lakad sila ng college friends niya. Si papa naman nasa work. brother ko? Ah, nasa school? hahaha. hindi ko alam schedule niya eh.. 

.

.

.

.

may tao ata sa baba? O_o 

Eh, may mga susi naman sila eh -__- tsss.

pangalawang beses na yun nagdoorbell ha.. jskoo hind makahintay..

.

.

.

.

O_O

si Raphael M. Fernando...

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko habang nagsusungit sa kaniya >.< napipikon ako eh.

"Cath.. Let's talk.."  sabi niya while looking at me.. ano kaya problema niya? bakit parang ang lungkot ng eyes niya? >.< Break na sila? shit. sana nga hahaha pero asa naman. 

Pinapasok ko muna siya sa bahay.. 

.

.

.

"Ano gusto mo pag-usapan?" sabi ko

"Tungkol sa atin.." sagot niya pero parang may problema.. parang naghehesitate pa siya? 

"Oh ano naman meron sa atin?" grabe ayoko ng ganitong usapan kasi hindi ko ata makakaya. ALAM KO NAMAN WALANG "US" EH! HINDI NIYA KAILANGAN PUMUNTA DITO PARA IPALIWANAG..

"PLEASEEEE.. Cath.. Tigilan muna girlfriend ko.. Kung may galit ka paren sa akin.. sa akin mo ipakita.. wag mo ibaling galit mo sa girlfriend ko.. Hindi mo kailangan ipasampal sa mga friends mo siya.. nalaman ko nangyare sa incident sa mall.. Wala naman siya ginagawang masama sayo, bakit mo kailangan sabihan sya ng mga masasamang salita?" natulala na lang ako sa mga sinabi niya.. 

FOR SURE PINALITAN NI CEI YUNG KWENTO! halata naman eh. sobrang ughhhhh! bwisit naman yung babaeng yun. ano sasabihin ko? :| Hindi ako nakapagtiis..

.

.

.

.

nasampal ko siya tapos tumulo na talaga ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan..

"Magsama kayo ng girlfriend mo... Naniwala ka naman sa girlfriend mo noh? Sympre, kahit naman magexplain ako hindi mo naman ako paniniwalaan dahil sino ba naman kasi ako sayo diba?"

mukha siyang litong-lito sa sinasabi ko..

"A-anong ibig sabihin mo?" tanong niya sa akin..

bahala na kung makikinig siya or what pero sasabihin kuna -- wala naman mangyayare eh.. 

"Yung girlfriend mo lang naman kasi sumigaw sigaw duon sa mall. Siya nga nagsimula eh.. Kung nasaktan man siya sa mga sinabi ko -- mas paano naman kaya mga sinabi niya sa akin? Raffy.. alam mo naman siguro hindi ako bitch, slut, or malandi.. pero kung parehas kayo iniisip -- fine. wala naman ako magagawa eh.. ang sakit ng mga sinabi niya sa akin.. pinahiya niya ako at sinampal! gumanti lang sila Ysa dahil alam nila  hindi ako nasasampal kahit sino man pati parents ko.." nung sinabi ko yun sobra sobra na luha ang nahulog >.< Masyado ako emotional lately eh :( Sorry naman.. ganon talaga.. 

"Raffy, sa susunod magsalita ka.. alamin mo muna ang kabuoang istorya! at hindi  ka dapat lagi naniniwala sa girlfriend mo.. bakit sobrang magkakilala na ba kayo?" dagdag ko pa.. 

then linapitan niya ako.. 

at hinug.. pero pinush ko siya >.< 

"Sorry Cath >.<" yun ang lumabas sa bibig niya..

ano pa kaya magagawa ng sorry niya >.< labis labis na ako nasaktan at parang natapakan. Hindi naman magagamot n sorry ang sakit na nararansan ko eh.

"Umalis kana Raffy.." 

then ilang minuto siya hindi kumikibo..

"Sabing umalis kana diba?!" pinagtaasan kuna siya ng boses..

"Sorry talaga Cath.. M-mahal mo p-paren ako?" tinanong niya sa akin.. Oo halata bang mahal paren kita? >.<

"Lumayas kana sa bahay namen.. please Raffy.." umiiyak na ako ulit sa harap niya.. Ayoko na sya makita. Nahihirapan lang ako lalo eh:(

then lumabas na siya sa bahay namen..

habang ako parang nawala ako >.< I mean.. waaaah. ayoko na! bakit ba ang drama ng buhay ko :( Bago ko siya makilala ang simple lang ng buhay ko at hindi ganito kadrama ang buhay ko >.<

I hate you, Raphael M. Fernando..

Sana masabi ko yan sa harap mo.. :(

at kapag sinabi ko.. gusto ko hindi ako nagsisinungaling :(

Time to move on? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon