Chapter 13

103 1 0
                                    

Wala namang nagsabi na madali ang mag move on. Ang mahalaga hindi mo niloko ang sarili mo na okay ka na.

Alam niyo naman siguro gaano ako nahihirapan diba? After nga ng birthday ni Lora, wala na talagang connections between Fernando's family and I -- kahit sino sa kanila hindi ko muna talaga kinakausap.. Sinabihan kuna din muna si Gab na siya na lang muna magexplain ka tita Felicia.

May balak naman ako magparamdam ulit sa kanila.. kasi kahit papaano eh naging malapit sila sa puso ko. Ikaw ba nama ituring nilang kapamilya agad kahit wala naman kami relasyon ni Raffy. 

Todo iwas nga ako sa family ni Raffy pero yung girlfriend naman niya na si Cei, lapit ng lapit sa akin. Sobrang init ng dugo niya sa akin HAHAHAHA. natatawa na lang ako NGAYON pero NOON sobrang naiinis na ako sa kaniya. 

<Flashback>

A week after Lora's birthday... 

Bigla kami nagkita sa mall kasama niya friends niya while ako kasama ko naman barkada ko. ANG SMALL WORLD BA? tsss. kainis nga eh. iniiwasan ko nga din siya kasi sumasakit lang luob ko na siya ang nagustuhan ni Raffy. Oo, inggit ako sa kaniya nuon kahit alam ko naman boto ang pamilya ni Raffy sa akin. 

Habang naglalakad.. 

"HOY BITCH!" sigaw ni Cei na may halong tawa na panlalait

pero hindi ako lumingon.. bakit ako lilingon eh hindi naman ako bitch.. so lakad paren kami..

nararamdaman ko na kinakabahan din para sa akin yung mga barkada ko -- and alam din nila na siya yung girlfriend ni Raffy..

"Hoy Catherine Isabella Mendoza! Bingi ka ba?!" sigaw niya ulit na may halong inis na sa boses niya. 

tumigil lang ako.. pero hindi ako nagsalita.. 

linapitan niya ako.. kasama mga barkada niya. 

"Ano ba problema mo?" tanong ko sa kaniya pagkaharap ko..

"Mukha mo yung problema ko! Ang landi mo noh? Alam mo naman may gf na si Raffy pero dikit ka paren ng dikit sa family niya.." 

Shit naman oh, alam ko naman kasi na may gf na siya eh.. Ang insecure ng babaeng to >.< And ang sama pa ng mga lumalabas sa bibig niya.. Umiiwas naman ako sa family ni Raffy ha? It just happened na ininvite ako nung nagkita kami >.< haay.

"Tapos kana sa sasabihin mo? Masaya kana?" sabi ko sa kaniya na pagsusungit...

"Hindi pa ako tapos.. wala pa nga yung mga gusto ko sabihin sayo eh!" sigaw niya sa akin

>.< nakakahiya naman.. andito kami sa luob ng mall tapos sigaw siya ng sigaw. sarap itapon sa dam itong babaeng to..

"Oh, hindi ka makaimik noh? Cath.. huwag kana umasa na magkakaroon ng feelings sayo si Raffy. Siguro nga naging close kayo dati pero pinagtritripan ka lang nun noh.. Huwag kang feeler pwede? And, tignan mo naman sarili mo sa salamin.. porket wala na interest si Raffy, yung kapatid naman niya na nakakabata yung lalandiin mo? Hindi ka ba nadidiri sa sarili mo?" dagdag niya pa sa akin.. tapos hinawakan niya pa face ko. yung parang binubwisit talaga niya ako.. pero linayo ko kamay niya sa mukha ko >.< ayoko mahawakan ako ng babaeng makapaghusga akala mo alam ang nangyayare.

"Sana naman bago mo sinabi lahat yun tinignan mo muna sarili mo sa salamin. And hindi ako nanlalandi tulad mo.. Masyado kang insecure na ako yung gusto ng family niya, noh? Ngayon alam kuna kung bakit ayaw nila sa iyo -- napakasama mo tapos ang insecure mo pa.. Ano ba ginawa ko sayo para ganituhin mo ako? Tss. Kapal ng mukha mo.." naiinis na ako eh! pero ayoko naman magsabi ng masasama talaga kasi.. hindi naman ako ganon kapag nagagalit.. 

pero sobra ako nasaktan sa mga sinabi niya >.< Para kasi lumalabas na ako pa ang malandi -- where in fact nagmamahal lang naman ako.  Ang daya naman. Nakakainis talaga.. promise. 

Nakita ko mukha niya.. parang galit na galit.. kulang na lang sumabog na siya -- pero ano ba sinabi ko na mali? -__- hindi ba dapat mas may karapatan ako na magalit talaga.. pero sinubukan ko magcalm.. kasi ayoko may magawa ako na hindi ko pa nagagawa >.< 

tinignan ko siya ng seryoso.. hinihintay kung ano sasabihin niya or what..

"Whatever! aminin mo lang talaga na malandi ka, bitch! mukha ka nga inosente pero mangaagaw.. kaya tigilan mo naman kami. hindi pumapatol sa isang slut ang boyfriend ko!" nashock ako sa mga sinabi niya.. BITCH? MALANDI? SLUT? MANGAAGAW? ako ba yun? tss. sumusobra na to!

"Oh, you're describing yourself, ha?" then tumawa ako na alam ko maiinis siya.. tapos sumabay din yung mga friends ko. 

.

.

.

.

.

*SLAAAAAAAP!*

O_O 

then bigla ako napahawak sa left cheek ko.. bigla tumulo luha ko.. 

.

.

.

.

*SLAAAAAAAP!*

"Ang kapal ng mukha mo ilapat kamay mo sa mukha ni Cath! Kung nga pamilya niya never siya sinampal -- ikaw sasampalin mo! May pinag-aralan ka ba? " sabi ni Ysa pagkatapos niya sampalin si Cei

*SLAAAAAAAP!*

"At yung isa pang sampal na yun para sa ginawa mo sa barkada namen. Kulang pa ang dalawang sampal.. pero aalis na lang kami baka ano pa magawa namen.." dagdag ni Ysa 

nakita ko nashock din si Cei pero gusto niya gumanti -- pero pinigilan siya ng mga barkada niya.. Mukhang worried friends niya na nabigla din. anyway, who cares? 

sakit :( totoo sinabi ni Ysa.. never pa ako nasasampal -- pagpunta namen sa cr.. nakita ko namumula paren yung left cheek ko >.< ang lakas kaya.. 

"Tahan na.. Sa susunod na aawayin ka nun -- isusumbong na naten sa blockmates naten para maraming gaganti para sayo.." sabi naman ni Lyn habang hinuhug ako..

after 30 minutes of crying.. 

then nagpasalamat sa mga barkada ko kasi pinagtanggol nila ako.. 

nahiya na ako kaya naman tumigil na ako... hahaha subalit wala na din eh -- naubos na ata dignidad ko sa ginawa niya sa akin. OA E NOH? =)) sorry naman. hahaha. 

Pagkauwi ko sa bahay.. 

napaisip ako.. 

Nasa kaniya na nga ang taong mahal na mahal ko pero hindi paren sapat sa kaniya yun? Kailangan pa ba talaga niya ako ganonin.. 

Nagmamahal lang naman ako... bakit kailangan ko pa masaktan at magdusa ng sobra sobra :( 

30 days of happiness -- then how many months of suffering? Kainissss! :| 

Hindi na kaya ng puso ko :( Sa dami dami ng pwedeng mahalin -- bakit pa kasi kay Raphael. :| 

nakatulog na lang ako kaiisip sa mga nangyayare sa buhay ko..

Time to move on? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon