Steph POVMag isa lang ako'ng naglalakad dito sa tabing dagat kung san walang masyadong tao. Sentie mode kasi ngayon ang Lola nyo. Nakaka inis kasi si Sungit, basta nalang nya ako iniwan kanina sa room namin pagkatapos nya akong i-kiss, yieeeeeh! Kinilig talaga ako dun, pero na-realize ko din na dapat hindi ko ito maramdaman para sa kanya dahil MALI, lalo na't isang PROPOSAL lang ang bilang mag asawa namin.
Darating din yung araw na maghihiwalay din kami. Iniisip ko palang na dumating ang araw na'yun naninikip na dibdib ko. Kahit na lagi nya akong sinusungitan hindi ko napigilan ang sarili ko na ma-inlove sa katulad nya. Oo! Tama kayo ng basa MAHAL ko na nga ang masungit na lalaking yun na daig pa ang may regla araw-araw. Kaya hindi naman siguro masama kung pakisamaan o pagsilbihan ko sya bilang isang tunay nyang asawa na parang walang proposal na naganap simula ngayon hanggang sa dumating yung araw na maghihiwalay man kami, may magandang alaala naman na naiwan sa puso at isip ko na kasama sya
Bata: hhuhuhuhu!
Napatingin ako sa isang batang umiiyak malapit sakin. Agad akong lumapit sakanya baka kasi nawawala sya o anu?
Me: Uyyy bata anung nangyari, bakit ka umiiyak? (tanong ko ng makalapit)
Umangat ang ulo nya at tumingin sakin.
Bata: Kashi po ~sniff~ yung ball ko nasa tubig huhuhu (at nag umpisa nanaman syang umiyak)
Napatingin ako sa dagat. May kulay asul ngang beach ball na palutang lutang sa tubig. Kaya pala sya umiiyak dahil siguro hindi nya makuha yung ball nya kuno. Naawa naman daw po ako
Me: Hmm, sige tumahan ka na sa pag iyak. Kukunin na ni ate yung ball mo (sabi ko at ngumiti sakanya)
Tumigil naman sya agad sa pag iyak saka tumango sakin. Masunuring bata! Tinanggal ko ang suot kong beach sandal at hinubad ang transparent summer dress ko bago lumapit sa tubig.
Hindi naman siguro ako malulunod kasi medyo mababaw lang naman sa parteng yun kung nasan yung ball nya. Waah! Sana lang Lord! Hindi pa naman ako marunong lumangoy.
Nang makuha ko na ang ball nya agad ko itong hinagis sa kanya at nasalo nya naman. Aahon na sana ako pero saktong umalon ng malakas kaya natangay ako sa malalim na parte.
Me: Tu-long...amfpt... Sak-lolo...tulu
ngan...n-nyo ak-koNahihirapan kong sigaw habang humihingi ng tulong dahil nalulunod na ako. Jusko! Mamamatay na ata ako. Wala pa namang katao tao sa parteng ito. Yung bata kanina bigla nalang tumakbo ng makitang nalulunod ako. Salbaheng bata-_-
Mumultuhin talaga kita pag natuluyan ako dito.
Lord! Patawarin nyo ako sa lahat ng kasalanan ko. Alam kong kukunin nyo na po ako ngayon dahil mamamatay na ko, huhuhu!Hinayan ko nalang na lumubog ako sa ilalim ng tubig dahil alam kong wala ng mag liligtas sakin. Isa pa marami na din kasi akong nainom at nasinghot na tubig alat kaya nahihirapan na akong huminga
Chard: Damn! Plz wife wake up! (kinakabahan at hindi alam ang gagawin)
*cough* *cough*
Nagising ako ng may tumatapik tapik sa pisngi ko. Mashaket hah! Sino ba 'tong salbahe na'to! Minulat ko ang mata ko. Medyo nasilaw pa ako sa sinag ng araw.
Chard: Thanks Lord, your awaked. You scared me damn much, wife! Don't you ever do that again (bakas ang pag aalala)
Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit pero mas nagulat ako ng tawagin nya akong WIFE. Totoo ba 'to?
Napaiyak at napayakap nalang din ako sa kanya dahil sa takot ng maalala ng nangyari kanina. Akala ko tuluyan na akong malulunod. Akala ko mamamatay na ako. A-akala ko hindi ko na sya makikita. Huhuhu!
Chard: Shhhh! Stop crying wife. I'm here now! Ligtas kana. (pagpapatahan nya sakin)
Imbes na tumahan mas lalo pa akong naiyak at yumakap dahil sa sinabi nya hanggang sa mawalan ulit ako ng malay pero bago yun naramdaman ko muna ang paghalik nya sa nuo ko.
BINABASA MO ANG
Married to My Yummy Heartless Husband ❤❤❤
RomanceRichard Tian, a heartless guy na pinaglihi ata sa sama ng loob dahil sa sama din ng pag uugali nito. Feature taga pagmana ng isa sa pinakasikat na hotel's dito sa pilipinas. Kabilang na ang "Resort World Manila" na iniwan pa sa kaniya ng napayapa ni...