Chapter 9

13 0 0
                                    


Nakakabinging tugtog, patay sinding ilaw, naghalong amoy ng sigarilyo at alak ang bumungad kay Stephanie pagpasok palang sa loob ng bar.


Birthday kasi ng isa nilang katrabaho. Ayaw sana nyang sumama kasi hindi sya sanay sa ganitong lugar lalo na baka magalit ang asawa, hindi pa naman sya nakapagpaalam pero sadyang mapilit ang mga kasamahan nito kaya wala narin syang nagawa.



Kahit saan sulok sya tumingin, may nakikita syang naghahalikan. Kanina pa nga sya asiwang asiwa sa mga nakikita. Gusto na sana nyang umuwi dahil gabi narin baka hinahanap na sya ng mister pero pinigilan sya ng mga kasama. Sinabihan pa nga sya ng kj.



Tahimik lang nyang pinapanuod ang mga kasama na masayang nagsasayawan sa mini dance floor nitong bar. Niyaya sya kanina ng mga ito pero tumanggi sya. Hindi kasi sya marunong sumayaw dahil parehong kaliwa ang paa haha!


Maya-maya pa bigla syang nakaramdam ng pagka uhaw. Agad nyang dinampot ang isang basong may laman na una nyang nakita at ininom lahat ang laman nito.


Steph: Yack! Ang paet (reklamo nya)




Hindi nya alam na malakas ang tama ng alak na nainom kaya hindi nagtagal nakaramdam na sya ng matinding pagkahilo. Uminit din bigla ang pakiramdam nya. Buti nalang bumalik na mga kasamahan nya at nagyayang umuwi.




Sa kabilang banda. Hindi  mapakali si Richard. Pabalik balik itong palakad-lakad sa sala at patingin tingin sa relos na suot. Mag aalas dose na kasi ng gabi pero wala parin ang asawa.

Kanina pa nga nya ito sinusubukang tawagan pero hindi naman sinasagot ang tawag nya hangang sa hindi na nya ito ma'contact.



Hindi nakatiis, kinuha ang susi ng kotse sa lagayan at nagtungo sa pinto. Pagbukas, bumungad sa kanya ang asawang nakayuko na ikinagulat pa nya nung una.



Chard: Hey! Stupid girl! (agaw pansin nya dito)
Inangat nito ang ulo saka tumingin sakanya gamit ang mapupungay na mata



Steph: Oh! Hi Mr. Richard Tan ~hik~ ang ashawa kong ~hik~ masungit ~hik~


Chard: You're DRUNK!


Steph: Ako? (turo sa sarili) lashing? ~hik~ hindi ah! Ayyy! Kontshi lang pala ahihihi! ~hik~



Muntikan na itong matumba pero agad syang naalalayan ng lalaki


Steph: Shalamat ~hik~shungit hihihi!

Chard: Pumasok ka na nga
Steph: Ayaw! Kissh mo muna akuuuu ~hik~


Chard: WHAT? Are you out of your mind? Alam mo ba kung anu yang sinasabi mo?

Steph: Oo naman! Hindi pa kashi tayo nagki-kissh nung kashal natin e, kaya shige na, isa lang naman ihhh para may per's kissh narin ako plsh! ~hik~


Humawak ito sa magkabilaang balikat nya saka tumingkayad at ngumuso. Hindi naman malaman ang gagawin ng lalaki dahil parang nate-tempt din syang halikan ang babae ng mapatingin ito sa nakangusong labi.


Unti-unti nyang inilapit ang mukha sa lasing na asawa hangang sa,


*BUAWK*

Chard: F*Ck!

Married to My Yummy Heartless Husband ❤❤❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon