Chapter 22

11 0 0
                                    

Richard POV

"Sh*t! This is wrong.  I shouldn't have done this, I'm sorry!" I said at umalis sa pagkakapatong sa kanya

"B-but why?" -she ask. Halata ang pagkabitin

Ako din, hindi ko alam kung bakit pero parang may nagsasabi sakin na hindi ito tama

"It just that.....that, never mind"

Agad kong pinulot ang damit naming nagkalat sa sahig

*kruuuuuug*

Napatingin ako sa may bintana ng biglang kumulog ng malakas na sinabayan ng kidlat. Napakalakas din ng ulan. Mukang may nababadyang bagyo

Agad pumasok sa isip ko ang asawa ko, I mean si Stephanie. Nakaramdam ako ng kaba sa hindi malamang dahilan

Shit!! Hindi kaya may nangyaring masama sa kanya?

Dali akong nagbihis at naglakad papuntang pintuan. Laking gulat ko nalang ng pagbukas ko ng pinto walang malay ang asawa kong bumungad sakin. Nakabaluktot itong nakahiga sa sahig na basang basa at nanginginig sa lamig

-----+++

Stephanie POV

Nagising ako ng maramdaman kong may basang bagay na dumadampi dampi sa nuo ko

Bumungad sakin ang nag aalalang mukha ni Richard. Nandito na ako sa kwarto ko at kung paano ako napunta dito wala na akong pakialam

"Thanks God, you're awake!" bakas ang pag aalala sa tinig nito pero hindi ko sya pinansin bagkus pinilit kong umupo kahit nanghihina at  umiikot ang panangin ko

"Wag mo akong hahawakan" -mahina kong sabi at tinabig ang kamay nya

Kaya lang hindi ko alam may pagka makulit din pala sya

"ANU BA? SINABING WAG MO AKONG HAHAWAKAN EH! MAHIRAP BANG INTINDIHIN YON HAH, MAHIRAP BA?" -napahawak ako sa ulo ko pagkatapos kong isigaw yan dahil ma's lalo itong sumakit

"Sh*t! I'll bring you to hospital." - natatarantang sabi ng makitang nasasaktan ako. Hinawakan nya ang braso ko para alalayang tumayo pero tinabig ko ulit yon

"ANU BANG PROBLEMA MO?" -bulyaw nya sakin

Napatawa nalang ako ng sarkastiko

"Seryoso ka Richard? Tinatanong mo talaga kung anung problema ko? Nagpapatawa ka ba? Pucha naman! Bakit ba napaka manhid mo? Hindi ko naman hiniling na suklian mo ang pagmamahal ko, ang akin lang wag mong ituring na BASURA lang ako sayo. Ayoko na Richard. Basag na basag na ako. Hindi ko na kaya. Masakit na dito oh! (turo sa bandang puso ko) Sawa na ako sa pagbubulag bulagan, sawa na ako sa pagpapakatanga, sawa na ako sa pagpapaka martyr. Ayoko ng pinagtatawan at kinakaawaan ng mga tao dahil SAYO. Tama na! AYOKO na, huhuhu!"

Niyakap ko ang tuhod ko at patuloy lang sa pag iyak

"I'm s-sorry" -napaangat ang ulo at tumingin sa kanya

"Sorry? Kung matatangal lang sana ng sorry mo ang sakit ng nararamdaman ko pero hindi e, dahil kahit ilang sorry pa ang sabihin mo hindi na nito mapapawi ang kirot na dinulot mo dito sa puso ko"

Pinunasan ko ang luha ko

"Let's end this!" I said then look directly in his eyes

Kumunot ang nuo nya

"W-what do you mean?" he ask confused

"Alam kong alam mo ang sinasabi ko. Tigilan na natin ito Richard. Pagod na ako sa lahat. Pagod na akong magpanggap na asawa mo sa harap ng mga tao. Pagod na akong magpanggap bilang  isang hamak na pinsan mo  sa harap ng girlfriend mo. Pagod na akong pinapanuod kang masaya sa piling ng iba habang ako nagdurusa. I don't deserve this, I deserve to  love  and to be  love by the  right person that will not HURT me, and that is NOT you!"

Nanatili lang syang nakatingin sakin. Nakikita ko sa mga mata nya na nasasaktan sya pero ayoko mag assume dahil baka awa lang ang ibig sabihin nun

"Let's have a divorced!" -walang gana kong sabi

Minsan, dapat matuto tayong bumitaw. Dahil mas okay na ang maging malungkot ng panandalian kesa magmukhang tanga ng matagalan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Married to My Yummy Heartless Husband ❤❤❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon