Chapter 15

17 0 0
                                    

Stephanie POV


Marami na ang nagbago simula ng umuwi kami galing vacation. Hindi na masyadong nag susungit si Richard sakin mapa sa ibang tao.

Mahaba-haba narin ang pasensya nya. Ibang iba na talaga sya ngayon. Napaka caring, protective, and sweet nya which is gustong gusto ko naman.


Laking pasalamat ko kay Honey ng dahil sa pa welcome party vacation nya kuno nagbago ang lahat. Close na nga rin pala kami pero minsan kapag sinusumpong pareho daig pa namin ang aso't pusa kung mag away dahil sa hubby ko. hihi!



Speaking of my hubby, pag gising ko wala na sya sa tabi ko. Pero wag kayo ha, kahit okey na kami magkahiwalay parin kami ng kwarto. Kagabi lang talaga dahil sa kagagawan yun ng warka na si Honeymaw. Pinapunta ba daw dito sa kwarto ko si Richard dahil masakit daw tiyan ko tapos yung isa naman uto-uto kaya pagpasok nya ni-lock agad ni Honey yung pinto. Gusto na daw kasi nyang magkaroon ng pamangkin. Loka-loka talaga. Pero ako rin gusto na ng baby hehe, charrr lang!




Bumangon na ako para hanapin sya. Pagbaba ko, nakaamoy ako ng masarap. Dumiretso agad ako sa kusina. Nadatnan ko ang isang lalaking nakasuot palang ng pantulog gaya ko. Mukang di nya ako napapansin kasi nakatalikod sya sakin. Busy'ng busy sya sa niluluto nya na amoy palang masarap na. Napatitig ako sa likod nya. Parang kay sarap yumakap duon.


Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nang tuluyang makalapit, bigla ko syang niyakap. Mukang nagulat pa sya dahil nanigas pa yung katawan nya nung una pero kalaunan naka recover narin haha!





Chard: Good Morning wife
Humarap sya sakin sabay kiss sa lips ko




O_O



Ako?? kiniss nya?? Jusku po, yung puso ko sobrang
bilis tumibok parang gusto ng lumabas sa katawan ko.




Chard: Haha! Wife bakit ka nakatulala dyan?



Grabe kahit sobrang messy ng hair nya napaka gwapo nya parin. Ngiti palang makalag-lag panty at bra na. Yung tawa nya, parang tunog ng instrumento, kay sarap pakinggan




Chard: Hey! Wife, do you want me to kiss you again?



Wala sa sariling napatango ako. Ngumisi naman sya. Hinawakan ang baba ko at unti-unti nilapit ang lips nya sa lips ko pero pinasadahan nya lang ito at bumulong sakin




Chard: Later Wife, mag mumog ka muna. May tuyong laway kapa kasi sa gilid ng labi mo.



Napahawak naman ako agad sa gilid ng labi ko. Waaah! Meron nga. Nakakahiya. Dali-dali akong tumakbo sa taas pabalik sa kwarto ko




Chard: Hahahaha



Rinig ko pa ang malakas nyang tawa. Bad hubby! *pout*


----


Katatapos lang namin kumain. Nandito kami ngayon sa sala, nanunuod. Naka yakap ako sakanya habang nakaunan 'tong ulo ko sa bandang dibdib nya kaya rinig na rinig ko ang pagtibok ng puso nya. Sya naman, nakapulupot yung kamay nya sa bewang ko habang tutok na tutok sa TV. Ang sweet namin nuh!? Hihihi!




Chard: Wife, stop! Baka masinghot mo na ako nyan.
Me: Ehehe! Hindi ko kasi maiwasan e, ang bango mo kasi. (pa shy)




Tumingin sya sakin at pinisil ang ilong ko pero hindi naman masakit



Chard: Wife



Me: Yes! Hubby? *sweet smile*


Chard: Let's have a date?

Date?? Kyaaa! Gusto ko yan. Ahem!


Me: Saan naman?


Kunyare di ako kinikilig at excited. Pero ang totoo para akong maiihi na ewan, yieh!


(^o^)


Chard: Saan mo ba gusto wife?



Hmmm! Saan ba? Ah, alam ko na. Hihi!!!

Married to My Yummy Heartless Husband ❤❤❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon