Stephanie POV
Nuong una pagpapanggap bilang asawa lang ang napagkasunduan namin pero ngayon pati pagiging pinsan nya kina-career ko na rin
Inintindi ko sya. Pinakisamahan ko si Zyrelle gaya ng gusto nya kahit nagmumuka na akong katawa tawa sa harap ng maraming tao dahil hinahayaan kong lokohin ako ng asawa ko ng harap harapan
Ganun naman talaga diba. Handa kang mag pakatanga. Handa kang masaktan. Handa kang maging katawa tawa sa lahat para sa ikakasaya ng taong mahal mo
Sabi nga ni Kim Chu,
Lahat ng nagmaMAHAL nagpapakaTANGA, pero tanga na kung tanga pero mahal ko SYA, mahal ko sya kahit GAGO sya(edited)
MARTYR o DESPERADA na kung tatawagin pero wala akong pakialam. Hangat kaya ko pang tiisin itong naipong sakit dito sa puso ko, okey lang. Kakayanin ko.
Mabait si Zyrelle, hindi sya yung tipong mala kontrabida gaya ng mga napapanuod o nababasa ko sa wattpad
She's one of a kind. Masarap sya kasama. Minsan hindi ko maiwasang ma-guilty para sa kanya. Wala syang kaalam alam sa tunay na estado namin ni Richard. Pero minsan din naiisip ko, bakit ako magu-guilty kung in the first place ako itong nasasaktan
Naikwento nya sakin kung pano at ano ang naging love story nila ni Richard. Habang nagkwe- kwento napapaluha sya. Hindi ko din mapigilang umiyak kasi nakakaiyak naman talaga
Pero mas naiiyak ako dahil nalaman kong ganun pala talaga nila kamahal ang isa't isa. Pareho nilang tinupad ang promised nila sa huli
Para tuloy ako ang naging kontrabida na pumapagitna sa pagmamahalan nila para tuluyan na silang maging masaya
Hindi ko gaanong kinakausap si Richard. Pinapansin ko lang sya kapag nasa harap kami ni Zyrelle. Isang simpleng tango, oo at hindi lang minsan ang sinabi ko kapag kinakausap nya ako
Naging malamig ang pakikitungo ko sa kanya. Siguro ganito lang talaga kapag NAGMAHAL, NASAKTAN, at patuloy paring NAGMAMAHAL kahit patuloy ding nasasaktan
Umaasang kahit katiting may puwang din ako sa puso nya :((
-----
Richard POV
Naguguluhan ako sa sarili at nararamdaman ko
Alam ko, dito sa puso ko si Zyrelle ang mahal ko pero iba ang isinisigaw ng isip ko
Hindi ko maiwasang masaktan dahil sa lamig ng pakikitungo sakin ni Stephanie
Hindi na sya yung dating masayahin, makulit at kung anu pa
Alam ko, ako ang dahilan at may kasalanan kung bakit sya nag kakaganyan
I know, I really deserve this cold treatment of her. And, I want to bring back the old Stephanie that I've met before, but the big question is, HOW????
BINABASA MO ANG
Married to My Yummy Heartless Husband ❤❤❤
RomantizmRichard Tian, a heartless guy na pinaglihi ata sa sama ng loob dahil sa sama din ng pag uugali nito. Feature taga pagmana ng isa sa pinakasikat na hotel's dito sa pilipinas. Kabilang na ang "Resort World Manila" na iniwan pa sa kaniya ng napayapa ni...