Narrator POV
PAST
Pauwi na nun ang kotseng sinasakyan nila Richard kasama ang magulang nya ng may isang rumaragasang Van na bumangga sa sinasakyan ng mga ito na syang dahilan upang matulak sila sa bangin na ikinabagok ng ulo ni Richard sa bintana ng kanilang kotse dahilan para mawalan sya ng malay. Pero bago pa tuluyang mahulog ang kanilang kotse, nagawa ng kanyang INA na itulak sya palabas.
Matinding pagsabog ang nangyari sa kotse nila ng tuluyang mahulog sa hindi kalalimang bangin. 18 year's old sya that time. Nagising nalamang sya dalawang buwan makalipas matapos mangyari ang insidente dahil na comatose sya. Hinanap nito agad ang kanyang magulang sa kapatid na babae ng kanyang Ama(papa ni Honey) na una nyang nasilayan pagka gising. Pakiramdam nya gumuho ang mundo nya matapos sabihin nito na wala na ang kanyang magulang at sya lang ang nakaligtas mula sa insidenteng nangyari
Duon sya nagsisi kung bakit pa sya na buhay, na sana namatay nalang din sya gaya ng magulang nya
Mula ng makalabas sya sa hospital dahil fully recovered na daw sya sabi ng doktor. Wala naman syang ginawa kundi magkulong sa kanyang silid at duon umiyak ng umiyak
Tinangka pa nyang magpakamatay para sumunod sa kanyang magulang pero naisip nya na hindi matutuwa ang mga ito kapag ginawa nya yun. Inisip din nya na kaya sya siguro binuhay ng Diyos para bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga ito lalo na't nabalitaan nyang nakalaya ang taong dahilan ng pagkamatay ng mga ito
Pinangako nya sa sarili na hindi sya titigil sa paghahanap sa taong may sala at pagbayarin sa ginawa nito
Isang araw, naisipan nyang pumunta sa park kung saan lagi silang pumupunta ng magulang nya tuwing sasapit ang araw ng linggo para sa family bonding nila. Napaiyak nalamang sya habang inaalala ang masasayang araw kasama mga ito. Napatigil lang sya sa pag iyak ng may isang babaeng lumapit sa kanya at inabutan sya ng kulay pink na panyo. Sya si Zyrelle, 16 yr's old sya that time.
Imbes na abutin, binaliwala nya lang ito pero sadyang makulit ang dalaga kaya inabot nya na rin
Simula nung araw nayun, naging mag kaybigan na sila at laging magkasama araw-araw. Bumalik ang dating sigla ni Richard dahil sa dalaga. Pakiramdam nya biglang nagkaroon ulit ng kulay ang mundo nya. Habang tumatagal, sa bawat araw-araw na magkasama, nahulog ang loob nila para sa isa't isa
Si Zyrelle ang unang nagtapat ng pag ibig nito sa kanya. Sobrang saya ang naramdaman nya ng mga araw nayun dahil hindi sya makapaniwala na mahal din sya ng dalaga. Sa araw ding yun, naging magkasintahan sila. Wala ng ligawang nangyari dahil mahal naman na nila isa't isa
Ikalimang buwan ng monthsary nila bilang magkasintahan. Alas singko ng magkita ang dalawa sa park
Richard: Hi baby girl happy 5th monthsary of love and still counting. I love you!
Inabot nito ang tatlong pulang rosas na hawak at humalik sa pisngi ng dalaga
Zyrelle: Happy 5th monthsary din baby boy and I love you too!
Sagot nito at inabot ang bulaklak saka inamoy. Ngumiti ito sa binata pero mababakas ang lungkot sa kanyang mga mata
Zyrelle: C-chad, may ... may gusto sana akong sabihin sayo (maluha-luhang sabi nito)
Richard: Mamaya mo na yan sabihin babygirl. May ibibigay muna ako sayo pero bago yun pumikit ka muna(masayang sabi nito)
Pumikit naman ang dalaga. Pumunta sya sa likod nito at inilabas mula sa bulsa ang isang necklace na may pendant na hugis susi na may munting diamond sa gitna.
Isinuot nya ito sa dalaga na syang nagpadilat dito at napahawak sa pendant ng kwintas na nasa leeg kaya napaharap sya sakanya
Richard: Susi yan puso ko. Nagsisimbulo na ikaw lang ang babaeng nagmamay ari nito kaya ingatan mo yan hah!?
Duon na tuluyang napaiyak ang dalaga at napayakap ng mahigpit sa binata hangang sa tumahan ito
Richard: A-anu pala yung sasabihin mo baby?
Maya-maya tanong nito ng mahimas masan na sa kakaiyak ang dalaga. Bigla naman syang nakaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan
Huminga muna ng malalim ang dalaga bago nag umisang mag salita
Zyrelle: A----aalis na kami Chad. Pu-pupunta na kami sa america (at duon na naman nag umpisang tumulo ang luha nito)
Richard: Aalis ?? America ?? Bakit ... bakit kayo pupunta duon ?? (naguguluhan nitong tanong)
Zyrelle: Du-duon n-na daw k-kami titira sabi ni daddy. (nahihirapan nitong sabi dahil sa pag iyak)
Richard: Titira ?? Ang ibig mong sabihin iiwan mo na ko ?? Iiwan mo din ako gaya ng mga magulang ko ?? A-akala ko ba, walang iwanan hah! ?? Nangako tayo sa isa't isa hindi tayo mag hihiwalay tapos ... tapos ngayon iiwan mo din pala ako! Sinungaling ka!
Pagkatapos nyang sabihin yan, tumakbo sya palayo sa dalaga habang umiiyak. Narinig pa nyang tinatawag sya nito pero hindi na sya nag abalang lumingon pa
Dalawang linggo din syang nagkulong ulit sa kwarto nito. Araw-araw syang dindinadalaw ng dalaga para makausap pero hindi nya ito hinaharap
Hangang sa dumating yung araw ng aalis na si Zyrelle, duon nya din naisipang puntahan ito sa kanilang bahay at makipag ayos na. Pagdating duon, sakto namang palabas ang isang kotse mula sa kanilang bahay kung saan nakasakay ang dalaga
Richard: Zyrelle ... ZYRELLE
Sigaw nito at hinabol ang sasakyan. Narinig naman ng dalaga na may tumatawag sa kanya at duon nya nakita na hinahabol sila ng lalaki
Pinahinto nito ang sasakyan pero tumutol ang magulang nito dahil male_late na daw sila sa kanilang flight kaya wala na syang nagawa kundi ibaba ang bintana ng sinasakyan nila at dumungaw
Zyrelle: C-chad
Umiiyak nitong sabi at nahawak sa kamay ng lalaki habang patuloy parin ito sa paghabol sa kanila
Richard: S-sorry, sorry kung .. kung nagalit ako sayo. Sorry kung hindi kita kinakausap kapag pumupunta ka sa bahay. S-sorry baby, sorry! (umiiyak din nitong sabi)
Zyrelle: Sssh! W-wag kang mag sorry. okey lang yun (ngumiti ng mapait) Basta C-chad tandaan mo hah, mahal na mahal na mahal kita. Kahit iiwan kita ngayon, pinapangako ko sayo na babalikan kita hah! Babalik ako, p-promise ko yan. At .. at mag promise ka din sakin na ... na hindi ka mag mamahal ng ibang babae kasi ... kasi nasa akin susi ng puso mo gaya ng sabi mo hah! Mangako ka! Huhuhu!
Richard: Pangako yan Zy .. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Hihintayin kita hangang bumalik ka kahit ilang taon pa. Mahal na mahal din kita Zy .. Mahal na mahal ... Mag iingat ka palagi dun hah!
Tumango ang dalaga at ngumiti sakanya kahit patuloy parin ang pag agos ng luha sa pisngi nito.
Nabitawan nila ang kamay ng isa't isa ng binilisan ng ama ni Zyrelle ang pagmamaneho dahil mahuhuli na talaga silaZyrelle: I LOVE YOU RICHARD ... HINTAYIN MO AKO
Sigaw nito dahil malayo na sila sa kinaroronan ng binata
Richard: OO HIHINTAYIN KITA ZYRELLE .. HIHINTAYIN KITA
Sigaw nito pabalik at napaluhod sa sememto habang pinapanuod ang sasakyang papalayoREALITY
Richard: Z-zyrelle (sabi nito at napabangon.
(A/N: Ito na yung moment na nagising si Richard na nakaunan sya sa lap ni Stephanie nung nasa SGC park sila. Kaya balik tayo dun sa scene na nasa harap na sila ng bahay nila...okey!? Hehe!)

BINABASA MO ANG
Married to My Yummy Heartless Husband ❤❤❤
RomanceRichard Tian, a heartless guy na pinaglihi ata sa sama ng loob dahil sa sama din ng pag uugali nito. Feature taga pagmana ng isa sa pinakasikat na hotel's dito sa pilipinas. Kabilang na ang "Resort World Manila" na iniwan pa sa kaniya ng napayapa ni...