Sa isang orphanage dinala ng kanyang mga paa si Stephanie. Dito lagi sya nagpupunta kapag may problema o dinadamdam sya.Para kasi sa kanya gumagaan ang pakiramdam nya kapag nakikita nya ang bawat ngiti ng mga bata. Maghapon syang nagpalipas oras sa pakikipag takbuhan at habulan sa mga ito.
Magdidilim narin ng nagpaalam sya para makauwi na. Pagdating sa bahay, bumungad agad sa kanya ang nakakunot nuong asawa.
Chard: Where have you been?
Imbes na sagutin, nilagpasan nya lang ito at dire-diretsong umakyat patungo sa kwarto nya.
Steph: Hanggat hindi ka sakin nagso-sorry hindi tayo bati, hmfpt! (parang batang nagtatampong sabi nito bago nahiga sa kama hangang sa nakatulog na sya)
Kinaumagahan ganun parin sila at sa mga sumunod pa na araw. Hangang sa sumapit ang araw ng linggo. Pareho silang walang pasok dahil day off nila. Kasalukuyang naglilinis si Stephanie habang ang mister, prenteng nakaupo lang sa sala at nanunuod ng TV kaya nag ngingit-ngit talaga sya sa inis.
Steph: Kaloka ang lalaking 'to! Hindi man lang ako tulungan. Kainin ka sana ng inuupuan mong sofa dyan. Hmfpt! (inis na bulong nya)
Pansin naman ni Richard na parang may nakatingin sa kanya, at tama nga sya dahil ang sama ng tingin sa kanya ng asawa. Nagkasalubong pa ang mata nila pero inirapan lang sya nito.
Chard: Tsk!
Ganyan kasi lagi sila. Kapag napapatingin sila sa isa't isa iniirapan lang sya ng babae. Hindi nalang nya pinapatulan. Kapag nasa bahay feeling nila hindi nage-exist ang bawat isa sa kanila, kung baga walang pakialamanan. Pak ganurn!
*Ding Dong* *Ding Dong*
Chard: Open the gate (utos nya dito)
Steph: Ikaw ang walang ginagawa, edi ikaw ang mag bukas (pagsusungit nya at pinagpatuloy ang pag lilinis)
Wala tuloy nagawa ang lalaki kaya napatayo na sya at naglakad palabas.
Chard: Hon we have a visitor
Nagulat si Stephanie sa sinabi nito ng bumalik na ang lalaki. Nakangiti pa ito sa kanya kaya naguguluhan sya. Hangang sa lumitaw sa likod nito si attorney Jimenez.
Steph: (sa isip) Kaya naman pala *napabuntong hininga*
Atty. Jimenez: Hi Mrs. Tan, it's nice to see you again (bati nito sa kanya)
Steph: Kayo ho pala attorney, its nice to see you din ho! Tuloy ho kayo(paanyaya nya)
Atty. Jimenez: Naku! Wag na iha hindi naman din ako magtatagal. Aalis din ako agad. Napadaan lang ako saglit, may pupuntahan din kasi ako malapit dito sa inyo
Steph: Kayo ho'ng bahala attorney. Pero salamat ho sa pagdalaw
Atty. Jimenez: Walang anuman yun iha! Sumaglit lang talaga ako para kamustahin kayong mag asawa (tumingin kay Richard)
Steph: Ah, eh, hehehe okey lang naman ho kami ni Chard, attorney. Diba baby!? (lumapit kay Richard at umakla sa braso nito saka ngumiti ng matamis.
Ganito naman lagi ang drama nila kung nasa harap sila ng attorney
Tinanggal naman ni Richard ang pagkaka akla ng kamay nito sa braso nya para ipulupot sa bewang nito at hapitin ng mas malapit na ikinatili naman ng asawa nya nung una dahil siguro hindi inaasahan ang gawin nito sakanya
Chard: Oo naman baby (sabay kindat)
*Dug Dug Dug Dug*
Mabilis na pag tibok ng puso ni Stephanie kaya napahawak sya sa bandang dibdib nya
Steph: Halla! Bakit ganito? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? (bulong nya habang nakatitig sa asawa)
Chard: Baby, attorney's talking to you!
Steph: Hah? Ah Oo. May sinasabi ka attorney?
Atty: Haha! Sabi ko mauna na ako
Steph: Ayyy sige po. Salamat ulit sa pagdalaw!
Mamaya-maya tuluyan na ngang naka alis ang attorney.
Maglalakad na sana sya para ipag patuloy ang naudlot na paglilinis ng pigilan sya ng asawa
Steph: Bakit? (pagsusungit nya)
Chard: Thanks and I'm.....I'm sorry (walk out)
Hindi naman na gets agad ni Stephanie ang sinabi nito pero kalanunan napangiti na rin sya
Steph: Kyaaaaa! Nag sorry na sya sakin. Bati na kami yieh! (tili nya at nagtatalon na parang bata)
Chard: Tsk! Isip bata (nasabi nalang nya ng lingunin ang asawa)

BINABASA MO ANG
Married to My Yummy Heartless Husband ❤❤❤
RomansaRichard Tian, a heartless guy na pinaglihi ata sa sama ng loob dahil sa sama din ng pag uugali nito. Feature taga pagmana ng isa sa pinakasikat na hotel's dito sa pilipinas. Kabilang na ang "Resort World Manila" na iniwan pa sa kaniya ng napayapa ni...