Stephanie POV
Maaga akong umuwi galing trabaho. Masama kasi pakiramdam ko mula pa kaninang umaga, mas grumabe lang ngayon dahil naulanan ako
Namimigat ang ulo ko na para bang gustong pumutok anytime. Nakakaramdam din ako ng matinding pagkahilo. Masakit ang katawan na para bang binugbog at nanginginig dahil sa sobrang lamig kahit napakainit ko naman
Nasa harap palang ako ng pintuan ng bahay. Handa ko na sanang pihitin ang siradura ng makarinig ako ng mumunting ungol na nagmumula sa loob
Bigla akong napahawak sa aking bandang dibdib dahil sa matinding kaba kasabay ng pagtulo ng aking luha
Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung anu ang nangyayari sa loob. Lalong-lalo na hindi ko rin alam kung anung pumasok sa kokote ko kung bakit nagawa ko pang pihitin ang siradura para tuluyan itong mabuksan
Natutop ko ang aking bibig ng makita ang kanilang sitwasyon
Kasalukuyang nakahiga si Zyrell sa sofa na wala kahit anung saplot sa katawan habang nakapatong naman sa kanya si Richard na tanging brief nalang ang suot
Masyado na nila dinudungisan ang aking mata, ang aking dignidad, lalo na ang pagkatao ko
Bakit Richard?
Huhuhuhu!!
Bakit mo ginagawa sa akin ito? Bakit? Bakit? Bakit?
Dali-dali kong sinarado ang pinto dahil baka hindi ko na kakayanin ang susunod pang mangyayari kapag ipinagpatuloy ko pa ito
Napaupo nalang ako at napayakap sa aking tuhod habang tuloy-tuloy parin ang pag agos ng masaganang luha sa aking mata
Para na nga akong baliw na umiiyak pagkatapos mapapangiti dahil sa nakikiayon ang panahon sa nadarama ko
Ang pagpatak ng bawat butil ng ulan na syang pagpatak ng aking luha. Kulog na syang sakit at pagkabigo na nadarama ko. At kidlat na syang namumuong galit o pagkamuhi sa puso ko
Sa bawat ungol na naririnig ko sya naman milyong karayom ang tumutusok sa puso ko
Masakit!
Sobrang sakit!
Ako yun tipon ng taong hindi basta sumusuko sa hamon ng buhay pero siguro sa pagkakataong ito kaylangan ko ng bumitaw
Sawa na akong masaktan, magpaka tanga, magpaka martyr, maging katawa tawa sa harap ng mga tao
Hindi nila alam kung gaano ko katagal hinawakan ang salitang KAYA KO PA bago ko bibitawan ngayon ang salitang AYOKO NA
*BLACKOUT*

BINABASA MO ANG
Married to My Yummy Heartless Husband ❤❤❤
Roman d'amourRichard Tian, a heartless guy na pinaglihi ata sa sama ng loob dahil sa sama din ng pag uugali nito. Feature taga pagmana ng isa sa pinakasikat na hotel's dito sa pilipinas. Kabilang na ang "Resort World Manila" na iniwan pa sa kaniya ng napayapa ni...