Under an Umbrella

592 49 10
                                    

Warning: Contains explicit language

“Kean!” sigaw ko na hindi pinakinggan ng lalaking kanina ko pa tinatawag.

Walang pakialam niyang binuksan ang pinto ng kotse niya at umalis nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

“Kean, bumalik ka!” Napasalampak na lang ako sa semento dahil tuluyan nang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. “Kean, ang gago mo! Ang gago gago mong gago ka!” Dahil sa lintek, natuto akong magmura.

“Ano ko lang pala ang gusto mo. Hayop kang animal ka!” Sunod-sunod kong malakas na sigaw kahit wala namang tigil sa pag-agos ang mga luha ko para sa hinayupak na ninakaw ang puso ko para lang subukang makuha ang virginity ko.

Two years. Two years ko siyang minahal na letse siya. Tuwing monthsary namin ako pa ang nag i-effort na supresahin siya. Tiniis kong 'wag magselos kahit parang sawa ang mga babae sa paligid niya dahil may tiwala ako sa kanya. Tapos ito? Ito lang ang gagawin niya sa 'king punyeta siya? Punyeta talaga!

“You shouldn't be crying for a guy like that.” Napatingala ako sa lalaking nakatayo sa tabi ko at kasalukuyan akong pinapayungan. Kanina pa umuulan pero ngayon ko lang talagang naramdaman na basang-basa na 'ko. “He's a jerk asking for your body as a graduation gift.”

Awtomatikong napaawang ang bibig ko dahil sa pagkagulat. Paano nalaman ng lalaki ang dahilan ng hiwalayan namin ni Kean?

“You don't deserve an asshole in your life.” Huling sinabi nito na ni hindi ko nabistahan ang mukha bago iniwan lang sa 'kin ang payong at patakbong sumugod sa ulan.

Compilation of Hearts (Flash Fiction Anthology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon