Something Temporary

174 19 10
                                    

“Oh, Bettina.” Ilang saglit pagkatapos kong pindutin ang doorbell, pinagbuksan agad ako ni Mrs. Mimosa. “Come in, hija.” Binesohan niya pa 'ko bago akayin papunta sa living room.

“Good afternoon po.”

“Afternoons really are good after seeing such a pretty face,” puri ng ginang na ikinainit ng mga pisngi ko. “Can I get you anything to drink? Juice—”

“'Wag na po,” magalang kong pagtanggi.

“Sige. Nandito lang ako sa kusina kung may kailangan ka ha.” Nakahakbang na ang matandang babae nang marinig ko ang mga huling sinabi niya. “If you like, you can stay in the porch, parating na rin naman si Lance. Saka nand'yan si Arthur sa backyard.”

Hinamig ko agad ang katiting na kabang naramdaman dahil sa narinig na pangalan. Kahit nanlalamig ang mga palad ko, hindi ko rin napigil ang sariling pumunta nga sa porch.

Napahinto ako sa pinto mismo nang maabutang nakaupo si Arthur at nagbabasa. Wearing eyeglasses, he looks sophisticated. Kahit pa mas bata siya sa 'kin ng dalawang taon at apat na taon naman mula sa kuya niyang si Lance.

While gazing at him I started to wonder what kind of book he's reading and the reason behind my fetish with eyeglasses.

Napaka weird ko.

“Tatayo ka lang ba d'yan?”

Muntik na 'kong mapatalon dala ng gulat dahil sa narinig kay Arthur na hindi man lang ako nilingon.

“H-Hi, Arthur,” nasabi ko na lang.

Saka niya 'ko tinapunan ng tingin. “Waiting for Lance?” Sasagot na sana ako pero naunahan niya 'kong magsalita. “Of course you are. Bakit ko pa nga ba naitanong?”

Dahil kanina pa makulimlim, ang biglaang pagbuhos ng ulan ay hindi ko na ikinagulat. Ang 'di ko inaasahan ay ang walang kagatol-gatol na paghuhubad ni Arthur ng suot na t-shirt.

“'Wag mo 'kong tingnan nang ganyan. Magba-basketball lang ako sa ulan.” He smirked before walking into the rain and grabbing the ball sitting in the middle of the small basketball court in their backyard.

Kasabay nang paglunok ko ng laway ang pagkakaalala ko na madalas nga pala silang magbasketball ni Lance sa ulan noong mga bata pa kami.

He dribbled and aimed the ball into the hoop. I was watching him while sitting on the same chair he sat. Ang salamin niyang iniwan sa mesa ay pilit namang tinatawag ang pansin ko. Hahawakan ko na sana 'to nang marinig ko ang boses niya.

“Bettina, define crush,” out of nowhere he asked.

My eyes squinted. “Ha?”

“C-r-u-s-h.” He spelled it out to me even though it wasn't the reason why I got so surprised.

“A-admiration. Something temporary, I guess?”

Gusto kong mapailing. Kasi alam kong kahit ako, hindi naniniwala sa mga sinabi ko.

“Temporary you say?” Tanaw ko ang seryoso niyang ekspresyon kahit pa natatabingan 'yon nang malakas na buhos ng ulan. “What if that 'crush' lasted for years?”

Bigla akong nabingi. Hindi ko alam kung dahil ba sa ulan o dahil sa pintig ng sarili kong puso. Nagpanic tuloy ang isip ko.

Does he know? How can he?

“I don't believe that it's just temporary.” Kasabay ng sinabi, nai-shoot niya ang bola. It was a perfect three-point shot.

Hindi na 'ko nakapagsalita hanggang sa may tumapik sa balikat ko.

“Hi, Love. Sorry, medyo na-late ako,” salubong ni Lance na ginawaran ako nang mabilis na halik sa 'king labi. Natulala ako nang ilang segundo bago ko siya nagawang ngitian. “Art, 'wag ka masyadong magbababad sa ulan. Baka magkasakit ka.” Nakangiti niya nang saway sa kapatid.

“Hindi na 'ko bata.”

“Sure, sure.” Ibinaling na uli sa 'kin ni Lance ang mga mata. “Tara na? Not even the rain can stop our date.”

Nagpatianod na lang ako nang hilahin ng boyfriend ko ang kamay ko.

I looked back at Arthur, soaked in the rain who I think is also staring at me. I didn't had the chance to tell him that we believe in the same thing. Having a crush isn't something temporary. I know well. It could already be love, masked for the sake of someone else who's also important.

——————

May 17, 2018

Compilation of Hearts (Flash Fiction Anthology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon