Our Song

478 40 34
                                    

“Ayoko nang makita ang pagmumukha mo Kenneth, matagal na tayong tapos!” sigaw ng babae sa loob ng bar kasabay ng isang malakas na sampal sa mukha ng lalaking nakaluhod na sa harapan niya.

Tumulo ang luha ko, naramdaman ko ang sakit. Ako ang nakaramdam ng sakit para kay Kenneth na ngayon ay hinahabol na palabas ang babae.

“Ken! 'Wag mo na siyang habulin please!” Hatak ko sa braso nito nang maabutan siya sa parking lot.

Pareho na kaming basang-basa dahil kanina pa walang tigil ang ulan. Sa kanya ako nakatingin habang siya sa papalayong sasakyan ng ex niya lang nakatutok. His eyes are always on her, only her.

“Let go.” Nagsusumamo ang mga mata niya. “Let me go, Veronica please.”

“No!” sagot ko na pigil ang galit.

Galit dahil ipinahiya ng babae si Kenneth sa harap ng maraming tao. Galit dahil tinuturing na basura ng Lilian na 'yon ang lalaking pinapangarap ko!

“Pang-ilan na ba 'to Ken? Ilang beses mo na ba siyang hinabol? Ilang beses ka na ba niyang pinahiya. Ilang beses ka na bang nagmakaawa?”

Nakikipag-unahan na sa pagbagsak ang luha ko sa mga patak ng ulan sa pisngi ko. I looked at him whose face is clearly showing how hurt he is  Hurt because of some stupid woman! Bulag na siya sa pag-ibig dito—gaya ko—para sa kanya.

“Bakit hindi na lang ako, Ken? Bakit hindi ako?”

Matagal niya nang alam ang tungkol sa nararamdaman ko. Matagal ko na rin namang hayagang ipinaparamdam sa kanya.

“I will never make you suffer like this.” Ang dalawang palad ko ay sakop na ang kanyang magkabilang pisngi. Kung pwede ko lang na ikulong ang puso niya sa mga palad ko mismo, matagal ko nang ginawa.

Lalong lumungkot ang mga mata niya na nakatunghay sa 'kin bago marahang inalis ang mga kamay ko sa mukha niya. He kissed my hands so softly and gently before letting them go. Letting them go again to go after what he sees as more worth it than I am.

Nakaalis na siya sakay ng kotse niya nang magsimulang kusang bumuka ang mga bibig ko.

I hate you, I love you
I hate that I love you

Ironic that I began singing under the pouring rain.

Don't want to but I can't put nobody else above you
I hate you, I love you
I hate that I want you

Ironic that I can still sing well, even through the cold water that's running all over my body and the piercing pain in my heart.

You want her, you need her
And I'll never be her

Natigilan ako nang makarinig ng tunog ng gitara. Mula sa gilid ng sasakyan, lumabas ang isang lalaking lalong nagparagasa sa mga luha ko.

I know I can treat you better than he can
And any girl like you deserves a gentleman

It's Anthony.

Tell me why are we wasting time
On all your wasted crying

Bakas ang sakit sa mukha niya kasabay nang pagbuka ng kanyang mga labi.

Walang babae ang hindi mahuhulog sa isang gaya ni Anthony, lalo na at mas gumwapo siya dahil sa tubig ulan na umaagos sa kanyang buhok papunta sa maamo niyang mukha. No girl can refuse his charm—except me.

When you should be with me instead
I know I can treat you better
Better than he can

Even if Anthony is so damn worth it to be loved, still my stupid heart is beating for Kenneth. Mapait ko siyang nginitian na ginantihan niya rin ng isang mapait na ngiti.

Nakapikit akong tumingala sa langit at sinalubong ang ulan. This is our song, I wonder how long we'll keep singing them like this.

Compilation of Hearts (Flash Fiction Anthology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon