His Sister's Secret

229 24 13
                                    

"Didn't expect to see you here." Napalingon ako sa lalaking nakatayo na pala sa 'king likuran. "Hindi ko inaasahang dadalawin mo siya mag-isa." Nang lumuhod sa tabi ko ang nagsasalita, tumayo na 'ko at hinayaan siyang ilagay ang dala niyang mga bulaklak sa puntod.

Tiningnan ko siya nang ilang segundo bago ibinalik ang mga mata ko sa nitsong gawa sa mamahaling materyal at napapalamutian nang maliliit na bulaklak.

"It's been two years since she left, Kierre," pagtutuloy ni Andrei. "Noong una akala ko hindi kami magkakasundo. "Mukha kasi siyang mataray. Walang pinakikinggan."

No one expected not even Drei, that his mom will get married again, and to someone who also has a child.

"Lagi pa nga niyang sinasabi na ayaw niya sa 'yo." Natatawa siyang lumingon sa 'kin. "I always laugh looking at Caleigh when she throws an insult to you for no reason."

Nasa third year high school kami samantalang nasa first year pa lang noon si Caleigh nang magkakilala kaming tatlo. Aksidenteng napasama ako sa dinner na dapat ay para sa pamilya lang nila.

"Too bad my stepsister, and my bestfriend never had the chance to get along."

Nag-iwas ako ng tingin pagkatapos nang narinig.

Parang kailan lang nangyari na tinatarayan ako ni Caleigh sa harap ni Drei. Pero kapag hindi na 'to nakatingin, pasimple niya 'kong nginingitian na ginagantihan ko rin ng ngiti.

"Kung nalaman lang sana namin ng mas maaga." Naramdaman ko ang bigat sa boses ni Drei. "Nailigtas pa sana namin siya." Nakita kong inihilamos niya ang palad sa mukha. Hindi niya pa rin pala tanggap ang nangyari, gaya ko.

Huli na nang natuklasan ng buong pamilya ni Drei ang tungkol sa sakit ni Caleigh. She was hiding it, even from her father.

Naikuyom ko na lang ang kamao. Most of the time she says that I'm not honest with my feelings and tend to hide my emotions. Lagi niyang pinupuna ang pagiging masikreto ko pero siya pala ang may mas matinding sikreto.

"Kanina mo pa hawak 'yang phone mo," puna ni Drei. "Texting with your girlfriend?" Tumango lang ako bilang sagot. "Siguro hindi mo 'to napansin dahil bihira ka lang namang dumalaw kay Caleigh sa ospital dati, pero sa tingin ko, may boyfriend siya."

"Paano mo nasabi?"

"Kahit kasi itinatago niya ang mga bulaklak at stuff toy na imposibleng sina mom at dad ang may dala ay nakikita ko ang mga 'yon. Nagpanggap lang akong walang alam," paliwanag niya. "Ang hindi ko lang nagustuhan, ni hindi nagpakita o nagpakilala man lang ang boyfriend ni Caleigh. Even on the day of her burial."

"Baka naman nando'n siya. Tahimik lang na nakatingin kay Caleigh mula sa malayo."

"No. You were there everyday, Kierre. Alam mo na karamihan sa mga bisita ay mga malapit na kakilala ng pamilya," sagot niya agad. "I didn't see anyone cry in that wake as much as my mother did. Kahit pa hindi niya kadugo si Caleigh."

"I did see a guy cry like he was heartbroken."

Napatayo si Drei at mabilis na hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Sino?!"

"Ikaw."

Natigilan siya at saglit kong nakitaan nang pamumula ng mukha bago tumalikod sa 'kin. "Of course! She's my sister."

"Your stepsister."

"It's still the same thing. Anyway, hindi kita nakitang umiyak sa burol ni Caleigh." Bago pa 'ko makasagot ay nagsalita na uli siya at tinapik ang balikat ko. "Naiintindihan ko naman, hindi naman kasi talaga kayo magkasundo. Mauuna na 'ko, Kierre. I'll be late for my next subject," paalam niya bago bahagyang sulyapan ang cellphone na hawak ko pa rin. "Pero sana balang araw ipakilala mo na sa 'kin 'yang mystery girlfriend mo. You guys have been together for years, but you never showed me, even just her shadow." Pagkatapos nang sinabi, naiiling siyang naglakad na palayo.

Muli kong tiningnan ang puntod ni Caleigh. "It's been two years, but I still miss you, baby." I covered my eyes with my hand thinking that it could stop the tears falling from my eyes.

Hindi ko magawang umiyak noon dahil siguradong makakahalata si Andrei. Hindi ko magawang ilabas lahat ng nararamdaman ko kahit gustong-gusto kong ipakita kung gaano katindi ang sakit. Nagluksa ako mag-isa. Tiniis kong panoorin ang tuluyang pagkawala ng babaeng pinangarap kong makasama habang-buhay nang walang ipinapakitang emosyon.

"So, why did we have to hide it from Drei back then, Caleigh? Ang hirap na tuloy sabihin sa kanya ngayon." Pasimple akong ngumiti habang nakatunghay sa litrato sa phone kong kanina ko pa tinitingnan.

Compilation of Hearts (Flash Fiction Anthology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon