My babysitter

319 29 8
                                    

“Where do you think you're going?”

Nagsalubong agad ang maganda kong mga kilay nang mabungaran pagbukas ko ng pinto ang nakangising mukha ng kapitbahay naming pinaka ayokong nakikita.

Wala akong balak sagutin siya pero bawat hakbang ko paabante, ay inihaharang niya ang sarili kaya napilitan na 'kong magsalita. “Ano'ng problema mo at dito ka sa tapat mismo ng bahay namin nagpapakalat-kalat?!”

“Ibinilin ka sa 'kin ng mommy mo.” Natulala ako sa narinig. “I'm babysitting you.” Mas lumapad ang ngiti sa mga labi niya na lalo kong ikinainis.

Napaawang ang bibig ko. “Ano ako bata? You're just three years older, how are you qualified to babysit a teenager?”

“Exactly, I'm older and you're just a minor, kaya dapat sumusunod ka sa mas nakatatanda sa 'yo.” Walang paalam niyang hinatak ang kamay ko papasok sa bahay namin.

Umalma ako kaya hanggang sa pinto niya lang ako nahila. I tried shaking his hand off, but his grip was too strong even though it was not that tight.

“Let me go. I have to be somewhere!”

“And where is that somewhere?” Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang iniisip kung dapat ko bang sabihin ang rason ko. “If it's not impor—”

“I'm going to surprise my boyfriend. Birthday niya ngayon.”

Sinadya kong sabihin kay Liam na hindi ako makakapunta ngayong birthday niya dahil balak kong sopresahin siya. Kung hindi lang ako hinarang nitong si Radleigh baka kanina ko pa nakita ang nakangiti at gulat na mukha niya.

Sa hindi malamang dahilan ay nawalan ng imik ang lalaki sa harap ko. Tulala lang siya sa hawak kong kahon ng cake na ako mismo ang nag-bake.

“Now you know my reason let me go.” Nahatak ko ang kamay at malalaki ang hakbang na naglakad.

Papara na sana ako ng taxi nang bigla na naman akong nakaramdam ng paghatak sa braso ko. Nakaupo na ko sa loob ng sasakyan ng makapagreact. “Ano'ng ginagawa mo?”

“Sasamahan ka,” sagot niya habang inaayos ang seatbelt ko. Halos mapasiksik ako sa kinauupuan dahil sa napakaliit na distansiya ng mukha niya sa 'kin. “Ibinilin ka sa 'kin, and I don't plan to let your mom down.”

Napaandar niya na ang kotse at tinatahak na namin ang daan ay hindi pa rin ako makapagsalita. Hindi ko na alam kung ano pa ang pwedeng sabihin. Nagulat na lang ako na alam niya ang daan papunta sa bahay ni Liam.

“Are you stalking me?” nakangiwi kong tanong.

“You wish,” nakangisi na naman niyang sagot na nakapagpa-arko sa kilay ko.

“Teka.... teka lampas na tayo.” Nasilip ko na lang sa bintana ang bahay ni Liam na halos tuldok na ang laki dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Radleigh. “Where are we going?”

Hindi niya 'ko sinagot, pero sa hindi malamang dahilan biglang nag-iba ang eskpresyon sa mukha niya. Wala na ang nakakaloko niyang ngiti. Seryosong-seryoso na siyang nakatuon sa kalsada.

Ilang minuto lang ay tumigil sa tapat ng isang malaking bahay ang sasakyan. Ang tugtog na nagmumula sa loob ay nakakabingi. There's a house party going on. Halos lahat ng labas-masok ay mga ka-edaran ko lang. Nabalik lang ang atensyon ko kay Radleigh nang ipagbukas niya 'ko ng pinto. Inilahad niya ang palad na kinuha ko naman nang walang sinasabi.

Tahimik niya 'kong iginiya papasok sa bahay na nagmistulamg bar dahil sa mga makukulay at patay sinding ilaw. Sa garden ako dinala ni Radleigh at doon na rin tumulo ang mga luha ko.

“Kailan pa?” tanong ko na hindi sinagot ng katabi ko. Hindi ko rin naman inaasahang sasagot siya. Pareho kaming nakatitig sa lalaking may kaakbay na dalawang babae habang hinahalikan nito mismo ang isa. “H-how did you know?” Garalgal na ang tinig ko.

“He's my cousin.”

Tipid akong napatawa sa narinig. Natawa ako kahit punong-puno na ng luha ang mga mata ko.

“What do you want to do now?” Ikinalingon ko sa kanya ang tanong niyang 'yon. Para bang wala siyang balak pigilan ako kung sakaling mag-eskandalo ako sa birthday party ng magaling niyang pinsan.

Suminghot ako ng hangin. “Gusto kong kumain ng cake.” Naglakad na ko palabas.

Liam is not worth the attention. Hindi siya sapat na dahilan para ipahiya ko ang sarili ko sa harap ng maraming tao.

Hinatak ko pabukas ang pinto ng sasakyan ni Radleigh na sinadya yata niyang hindi i-lock. Pagkaupong-pagkaupo ko ay binuksan ko ang bitbit na kahon at kinamay ang chocolate cake sa loob. Isinubo ko sa bibig ko ang hawak. Ang sarap ko talagang mag-bake. Sigurado akong matamis ang cake, pero biglang naging mapait sa panlasa ko. Mabuti nga at hindi umalat kahit na natutuluan na ng mga luha kong hindi ko mapigil.

Surprise, Chella! Ikaw ang nagulat, pero hindi ka nakangiti ngayon!

Napalingon ako sa lalaking naupo sa driver's seat. Hindi siya umimik pero hindi niya rin isinuksok ang susi.

“Why did you bring me here? Bakit mo inilaglag ang sarili mong pinsan?” Alam kong nanlilimahid na ang itsura ko pero wala na akong pakialam.

Natigilan ako nang dumukwang siya palapit sa 'kin bago nagsalita. “It's a secret.” Pinahid niya ng daliri ang icing na nasa gilid ng labi ko saka isinubo 'yon sa bibig niya. “Mabuti na lang at hindi mo naisipang isubsob si Liam sa cake. He doesn't deserve to taste something this sweet.”

Lalo akong napatda sa puwesto. Ang alam ko lang nag-iinit ang mga pisngi ko kahit pa hindi naman na 'ko umiiyak.

Compilation of Hearts (Flash Fiction Anthology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon