FLASH FICTION
Title: What we are
by ExordeXVIIGaya ng inaasahan ko na naabutan ko siyang nakaupo sa ilalim ng punong naging tambayan na namin. Malayo ang tingin niya at panay ang buntong-hininga.
“Oy, nakasimangot ka na naman,” sabi ko bago naupo sa tabi niya. Huminga siya ng malalim bago pilit na ngumiti. “Stressed ka na naman ba?”
“Medyo.”
“Ang hirap maging sikat 'no?” Sinabayan ko ng tawa ang sinabi.
“Oo, kahit hindi ko hiniling. Gusto ko lang naman ang makapag basketball.”
“Alam ko naman,” sagot ko. Pero bago pa naman naging parte ng basketball team si Kurt ay sikat na talaga siya. Gwapo kasi siya kaya lapitin ng mga babae. “Dapat ba hindi kita ipinagtulakan na mag try out?”
Kung kanina ay nakayuko siya ngayon ay nakatingin na siya sakin. “It's not like that. Ang laki nga ng pasalamat ko sa'yo. Binigyan mo ko ng lakas nang loob para subukan ang matagal ko nang pinag dadalawang isipang gawin.”
Tinitigan ko siya gaya nang pagtitig niya sakin. Napaisip tuloy ako, siguro dahil sa mata niya kaya marami ang nahuhulog sa kanya. Masyado kasi siyang matiim kung tumitig. Napakurap lang ako nang humangin ng malakas dahil sa kung anong pumasok sa mata ko.
“O anong nangyayari sa'yo?”
“N-Napuwing ako e.”
“Teka tulungan kita,” sabi niya bago walang paalam na inilapit ang mga labi sa mata ko. Mahina siyang bumuga ng hangin.
Kung may makakakita samin ngayon, malamang iisiping naghahalikan kami. Lalo pa't hawak niya ang magkabilang pisngi ko.
“Ayos na ba?”
“Oo yata?”
“E bakit natatawa ka?”
“Wala may naisip lang ako.” Umayos na ulit siya ng upo nang makitang naididilat ko na ang mata ko. “Tingin mo anong unang maiisip ng isang tao kung nakita ang ayos natin kanina?”
“Na hinahalikan kita,” diretchahan niyang sagot habang naiiling at natatawa.
“Alam mo bang marami ang nag-iisip na tayo?” Madalas hindi makalapit samin ang mga babaeng humahanga sa kanya dahil sa ideyang kami nga. Palagi rin kasi kaming magkasama sa school.
Nginitian niya ko bago saglit na pinisil ang baba ko. “Let them think what they want to think.”
Mahilig talaga ang tao na mag-assume. 'Yun bang kapag nakita ng mata ay bibigyan nila agad ng kahulugan. Too bad, mali sila ng inaakala.
“Una na ko Kurt,” paalam ko bago tumayo. “May homework pa pala akong dapat tapusin.”
“Yeah, see you later cousin.”
Matipid ko siyang nginitian bago naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
Compilation of Hearts (Flash Fiction Anthology)
Short StoryShort, sweet, bitter and sorrowful encounters Thanks to @mareialigaia for the cover :)