AGAINST DEPRESSION

286 27 4
                                    

Last one of my Flash Fiction against Depression

Title: Hindi Ka Nag-iisa

Handa na kong isuot sa leeg ko ang taling nakabitin sa kisame nang may biglang malakas na bumangga sa naka-lock kong pinto.

Saglit na natigilan sa puwesto si Yna bago ako sinugod.

"Gago! Gago!" Paulit-ulit niyang sigaw habang sinasampal ang mukha ko. "Akala mo ba matatapos ang lahat ng problema mo sa pagbibigti mo ha?!" Malakas niya kong itinulak na nakapag-paupo sakin sa sofa.

Gigil na gigil ang bawat hampas niya sakin habang kitang-kita ko ang galit sa kanyang mukha.

"Tang ina akala mo ba mag-isa ka?! Nandito ako punyeta!" Napigil ko ang isa niyang braso 'tsaka lang rin siya huminto at isinubsob ang sarili sa dibdib ko.

Malalim akong napabuntong-hininga habang nakatingin sa mga hiwa sa braso niya na papagaling na. Niyakap ko na lang ang humihikbi nang si Yna.

"Oo nga pala, hindi ako nag-iisa."

----

You are not alone

Compilation of Hearts (Flash Fiction Anthology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon