Flash Fiction
One Dirty DanceUmiikot ang paligid, o ako ang umiikot? Natawa ako sa naisip. Sa dami kasi ng nainom ko, hindi ko na alam kung may sense pa ang mga ginagawa o sinasabi ko.
“Hoy Ciara ano na, truth or dare?” tanong ni Melanie na saka ko lang naalalang kasama ko pala.
“Lasing na yata 'yan e.” Natatawang kantiyaw ni Honey na katabi ang ilan pa naming kaibigan.
“Hindi ako lasing ha, nakainom lang,” paliwanag ko. “Dare...dare..dare!” Paulit-ulit kong sabi bago lagukin ang laman ng hawak.
“'Yan ganyan dapat.” Kahit hilo ay napansin kong luminga-linga si Honey bago ibinalik sa 'kin ang mga mata. “This is your task, do a dirty dance with anyone here in the club.”
“Teka.... teka! Anyone, pero sa lalaki lang dapat.” Dagdag ng isa na hindi ko na inalam kung sino.
“Fine... fine.” Tumayo na 'ko. Pakiramdam ko ay parang may lindol dahil hindi ko maibalanse ang katawan. Pero kahit gano'n, hindi ako nahirapang makahanap ng sasayawan.
Inayos ko ang sarili at lumapit sa lalaking mag-isang umiinom sa madilim na sulok. Hindi ko na inabala ang sarili na isipin kung bakit nga ba siya mag-isa, ang alam ko lang ay perfect siya para sa dare ko.
Kunot-noong tiningala ako ng lalaki habang nilalagok ang laman ng baso niya. Walang pasabi kong ipinatong ang tuhod ko sa kanyang hita bago siya binulungan. “This is just a dare, so be a gentleman and let me finish this fast.” Matapos 'yon ay nagsimula akong gumiling sa harapan niya. I swayed my hips while maintaining eye contact with him.
Gwapo ang lalaking wala nang sinabi at nakatunghay na lang sa 'kin. In fact parang pamilyar nga ang mukha niya. Sinusundan niya ng tingin bawat galaw at kilos ko samantalang nakapangalumbaba siya at dinadama ng daliri ang kanyang pang-ibabang labi. Lalo tuloy uminit ang pakiramdam ko. Ang tingin niya'y nakakapaso.
Hinawi ko ang sariling buhok habang bumababa taas sa harap niya. I even bended over and practically made him see my cleavage. Nakasandal lang siya sa headrest at prenteng nakaupo pero halatang sinusuri niya ang bawat kurba sa katawan ko.
Sa sobrang hilo, dala na rin ng magaslaw kong kilos ay nawalan ako bigla ng balanse at tumumba. Last thing I knew, I was already in the stranger's arms before blacking out.
***
Inatake agad ako ng matinding sakit ng ulo paggising ko. Hindi ko na alam kung paano ako nakauwi sa condo ko. Ang tanda ko lang ay ang ginawa kong kagagahan kagabi. Nasapo ko pa ang ulo nang mag-ring ang cellphone kong nasa side table.
“Bruha buti naman gising ka na.” Boses ni Melanie galing sa kabilang linya. “Wala kang dapat ipag-alala, kasi ako ang naghatid sa 'yo sa condo mo bago ka panawan ng ulirat.” Mapapalagay na sana ako kung hindi lang nito binawi ang sinabi. “Ay wait, may dapat ka pa lang ipag-alala.”
“Ano?”
“Hindi mo ba nakilala 'yong sinayawan mo kagabi, gaga ka?”
“Hindi e, madilim saka hilong-hilo na ko no'n.”
“E kaya naman pala dire-diretso ka ro'n. Akala ko nga e gusto mo nang magpakamatay.”
“B-bakit sino ba 'yong sinayawan ko?”
“Your worst nightmare.”
Pakiramdam ko ay tinakasan ng kulay ang mukha ko sa narinig. “Oh no!”
“Oh yes! Patay ka mamaya sa opisina.” Humagikgik pa ang letse kaya binabaan ko na ng tawag.
Puta ka Ciara, ano bang ginawa mong gaga ka!
***
Madali akong naglakad papunta sa cubicle ko nang makapasok sa department namin. Dinaanan ko lang sina Honey at Melanie na todo ngisi.
Habang inaayos ang mga gamit ko, tahimik akong nagdarasal na sana ay hindi siya nakapasok. Sana ay nagka-hang over ang loko at tulog pa hanggang ngayon. Pero syempre ipinanganak akong may balat sa puwet.
“Ms. Conde.” Halos tumilapon ang mga hawak kong folder nang narinig ang pamilyar na boses.
“Y-yes, sir.” Pilit kong nginitian ang deparment head na nakatunghay sa 'kin.
“Finish all this in an hour,” utos nito habang inaabot sa 'kin ang ilang papeles.
Kilalang masungit at istrikto ang lalaki sa harap ko. Perfectonist at palaging gusto na ayon sa schedule ang takbo ng lahat. Ayoko sa mga gaya niya na, gwapo nga e daig pa ang menopause sa sungit. Kaya nga halos tumambling ako sa kama kanina no'ng nalaman ko na siya ang lintek na sinayawan ko kagabi.
“Ano pang tinutunga-nga mo d'yan?”
Saka lang ako nagising mula sa pagbabalik tanaw sa masaklap na kahapon. “I-ito lang ho ba ang ipapagawa n'yo, Sir?”
“Yes, that's all, unless you want to dance in front me again.” Para akong naestatwa nang makita ang pilyong ngiti sa mga labi niya. Ang ngiting ako lang yata ang nakakita. Ang ngiting makalaglag pustiso!
My God! Hindi gaya niya ang tipo ko pero bakit nakaramdam ako ng kahihiyang may kasamang kilig?
BINABASA MO ANG
Compilation of Hearts (Flash Fiction Anthology)
ContoShort, sweet, bitter and sorrowful encounters Thanks to @mareialigaia for the cover :)