Tim's POV
Binisita ko si Tom sa kwarto niya....dalawang araw na siyang nakahiga sa kama niya dahil sa sakit niya....hindi pa namin alam kung anung problema niya....walang oras si mama at papa para mapa checkup siya....nasa probinsiya sila para sa negosyo namin...ngayon..pansamantala naming kasama si lola pagbalik nila mama...Naisip kong gisingin si Tom.
"....Magandang umaga Tom!!!Mabuti na ba ang lagay mo ngayon?" Gising ko kay Tom.
"ahhmmm...hindi pa masyado Tim...mukhang hindi ko pa kayang pumasok ngayon..."
"...mmm...ganun ba????Si-sigeh...magpahinga ka muna Tom....akong bahala sa iba mong klase...ako muna ang magiging Tom Blorez ngayon."
"...Na-naku...wag nalang Tim..mamimiss mo yung iba mong klase dahil diyan....ako nalang bahalang bumawi..."
"Naku Tom....huwag kang magaalala sakin...basta magpagaling ka...yun lang yung kaya mong gawin ngayon para sakin."
"....Salamat Tim...."
"Oo naman....ammm sigeh Tom.....papasok na ko...ingat ka!" Sabi ko bago umalis sa kwarto niya.
"Ingat ka rin!!..." Sigaw niya.
Naawa na talaga ako sa kapatid ko...medyo matagal tagal na siyang ganyan dati...pero nung minsan nawala yung sakit niya kaya....nakakapasok siya.Masigla talaga yang si Tom.. gaya nung bata palang kami....mahilig na siyang maglaro ng mga larong kalye....dun ko siya nakitang masayang masaya....
Papasok na ko sa school...naghahanda ako sa club namin ngayon dahil...napilitan lang talaga akong sumali dun...medyo kj naman pag hindi ako pumayag sa yaya ni Jake. Mahirap talaga yun....pag nakalaban ko si Jake... panigurado kong aayaw agad ako sa laban namin....tuso talaga yun pagdating sa awayan....
Nakarating ako sa school....lahat sila bussy sa clubs nila....may dala silang mga raketa....kamera... samantalang nung magkasama kaming tatlo....wala kaming kadala-dala.
"Magandang umaga sa inyong lahat!....Jake San ba tayo?" Sabi ko sa dalawang sumalubong sa may room namin.
"Mukhang handang handa sila.. " Sabi ni Yohan .
"Naku...walang problema yan...wag kayong magaalala.....dun tayo sa tabi ng tennis court sa may manggahan..Tara!" Sagot ni Jake.
"Sakto naman pala ehh...ed may mirienda na agad tayo.!"
"......Bawal na sumungkit ng mangga dun gawa ng prinsipal..." Sabi naman ni Yohan.
"Bakit nung ginawa niya?" Tanong ko sa kanila."
"Hindi mo ba alam na sabi nila nakakatakot daw siya." Gulat na sabi ni Yohan.
"Oo nga...yung mangkukulam na yun...alam mo ba na maraming tao na ang nakakita sa kanya..lagi niyang kinakausap yung puno na yun...lagi siyang pumupunta dun tuwing gabi...lagi siyang may dalang tubig na alam ko ay hinahaluan niya ng mahiwagang kapangyarihan tapos inilalagay niya yun sa baba nung puno kasama yung lalagyan." Kwento ni Jake.
"Oo nga....tama ka jan!" Sagot ni Yohan.
"Oh hindi naman kaya dahil lang sa pusa niya...."
"Pusa niya??" Sabay na sabi nung dalawa.
"Nung pusa?" Tanong ni Jake.
"...Yung alaga niyang pusa na ayaw umalis dun sa puno at yung lalagyan na may lamang tubig ay nilalagay lang naman niya sa ilalim ng puno para pag bumaba yung pusa may maiinom siya...Baliw kayo!!" Sabi ko sa kanila.
"...Ga-ganon....sus nagkakamali ka diyan Tim....naku mali ka talaga..." Sabi ni Jake.
"Alam niyo bang matagal na araw na yang kinukwento niyo....ngayon nga kasama na niya yung pusa niya...kung ayaw niyo...ako nalang ang kukuha ng mangga...libre pa.."
BINABASA MO ANG
The Great Miss Pretender
Teen FictionMay isang college student na hindi malaman ang dahilan kung bakit siya hinihiwalayan ng mga naging boyfriend niya.....Naging loyal naman siya at honest sa kanila...Paano kung nag-iba siya....nagiba ang ugali at ayaw na ayaw na niyang balikan ang na...