Ellie's POV
Pagkagaling namin sa ospital...Namasahe kami papunta sa may 7ELEVEN malapit sa bahay namin.Sobra akong mahilig sa pagbili dito nung bata palang ako.Kaibigan ko lagi yung mga nagtitinda pero hindi ako nakakatawad sa kanila pag bumibili ako ehh.Pumasok kami dun at pinagbuksan kami nung gwardya pero walang tao sa counter.Pumili ako ng makakabusog na pagkain....Masaya ako kasi ililibre ako ni Jen...buti pa siya nagagawa to para sakin pero si Kyle...hindi parin nagpaparamdam sa text manlang ehh...pero bukas siguradong papasok na yun.
Pagkatapos kong mangulekta ng pagkain....dumeretsyo kami sa counter.Naghintay kami ng matagal pero wala parin yung magtitinda.Naisipan ko ng lapitan yung gwardya kaya papalabas ako yapos yung mga pagkain para kausapin yung gwardya pero bigla nalang may taong nagmadaling pumasok at nakabangga sakin.Napabagsak tuloy ako sa sahig.
"....Ahhhh.....ssss...ang sakit ng pwetan ko...." Sumabog yung mga yapus-yapos kong mga pagkin.
"....Naku...lagot!!... Ahhh miss pasensya ka na.. Nagmamadali ako..nabangga tuloy kita." Nagsasalita siya habang dinadampot niya yung mga nalaglag na pagkain...kilala ko siya! Siya yung sumalo sakin nung madulas ako sa jeep sa Chapter 1.
Lumapit si Jen at inabot yung kamay niya sakin....inabot ko yung kamay niya....gulat na binigay nung lalaki yung mga pagkain sakin.
"Ikaw yun! yung sa jeep diba?...hehehe medyo nasambot kita at gawa nung sahig...natapakan mo yung tubig...nadulas ka..ganun...hehehe"
"Ang daldal niya............" Bulong ni Jen sakin.
"...Ahh..ako nga...pasensya ka ulit dun ha...madulas hehehe....teka...bakit ka nga ba nagmamadali kuya?" Tanong ko dun sa lalaki.
"Ahhh....ehhh...kasi .....wa-walang nag-bebenta ngayon di-dito ka-kaya" Sagot niya.
"..Hui...kuya...huminahon ka lang at magsalita ng maayos...hindi ko maintindihan." Sabi ni Jen.
"...Ahh pasensya na kayo ha...bibili ba kayo? Ako nang bahala sa inyo."
Nabili na namin yung mga pagkain sa lalaki.Tinanong ko narin siya kung anong pangalan niya pagkatapos naming bumili.
"...Ahh kuya... ako nga pala si Ellie...ikaw? Anu bang pangalan mo kuya?"..
"...Ahh oo nga..hehehe ako pala si Liam Klaive Ferrel...wag mo na akong tawaging kuya pala....mukhang kaedad mo lang ako...first year collage ako...kayo rin ba?" Tanong ni Liam samin.
"....Oo tama ka....ganun din kami.....san ka nga pala nag-aaral kuya?---ehh Liam pala?"
"...Ahhh dun pa kasi sa kabilang school sa katabing probinsya...kakalipat lang kasi namin ng kapatid ko dito...mali yung timing....kailangan kasi naming lumipat kaya...nalate ako papunta dito , galing kasi ako sa byahe pauwi galing sa school...tinutuloy ko parin pag-aaral ko,,,hehe"
"Ganun?...Ed malayo pala Liam??...'" Tanong ni Jen.
"Oo nga...hehe..sigeh..mauna na ako...mag-lilinis pa ako ng mga gamit dito..." Sabi ni Liam.
"Tama...sigeh ammm kakain lang kami dito...wag mo nalang kaming intindihin habang naglilinis ka.o kung gusto sabay-sabay tayung tatlo?"
"...Ahehehe hindi na..ok lang..kumain lang kayo."
"Ok!...."
Matahimik kaming kumain...pero napakalat ako kaya nahihiya ako kay Liam...Ang cute niya masyado para maglinis ng mga to.Anu ba to...kahit anung pilit kong magpakalinis....natatapon parin.Tawang-tawa tuloy tong si Jen sakin.
Liam's POV
Nakakainis...nasaktan ko pa siya...hindi ko sinasadya.....Ang totoo niyan...medyo nabighani ako sa babaeng si Ellie.Nung nasalo ko siya at nakausap nung chapter 1...hindi na naalis sa isip ko yung mukha niya.Pati panaghinip ko siya yung bida...Para kasi siyang Anghel na nahulog para masalo ko at makilala.Bago kasi yun...malungkot yung kinalabasan ng buhay ko pati ng kapatid ko.Bago kami lumipat dito sa kabilang probinsya..maraming masasakit na pangyayari at masasaklap na kawalan ang naranasan ko.
Mayaman talaga kami....meron kaming 5 bahay sa ibat-ibang probinsya...sa isang malaking mansyon ako sa kabilang probinsya laging nakatira noon na merong 52 na mga yaya.Masaya kaming lahat...yung mga magulang ko pati kaming dalawang magkapatid ang tanging magkakamag-anak sa lugar na yun.Pero nagbago lahat ng masasayang alaala sa bahay. Nahostage ang mama at papa ko sa sarili naming kumpanya.Lahat ng mga media nakatutok sa mga mangyayari...naiwan ako dun sa labas ng kumpanya habang hinaharang ng mga pulis sa pagpupumilit kong makapasok...pero hindi inaasahang may nagputukan at may dalawang taong nalaglag pababa sa 6 mula sa 23 storey building ng kompanya.Sa sobrang taas ng pagkakalaglag nila....sobrang maraming dugo ang kumalat...Takot akong lumapit para tingnan kung sino sila pero....nabalitaan kong mga magulang ko pala ang hinayaan kong malaglag at mamatay sa harapan ko.
Masakit kong tinanggap...nagwala ako pero hindi nun maibabalik ang buhay ng mga magulang ko... sinabi ko yun sa kapatid kong 4 years old palang nun na si Lucia Miyu Ferrel.Hindi ko siya kinaya sa sobrang pagkalungkot niya.Matagal akong nag-isip...nag-isip ako ng nag-isip at tanging paraan lang na naiisip ko nun ay lumipat..lumayo sa mga nangyayari...naisip kong mas mabuting mabuhay naman ako ng walang ibang inaasahan kundi ang sarili ko....sinabi narin sakin ng mga magulang ko na balang araw magdisisyon na ako para sa sarli ko...yung pagiging mayaman ko iniwan ko na at naisipang magtrabaho ng mag-isa....Hindi ko hahayaan yung kapatid ko kaya sinama ko siya.Naghanap ako ng trabaho at bahay...nagumpisa ako ng allowance ko lang yung dala ko.Hinayaan kong iwanan nalang ang kumpanya sa pinsan ko sa ibang bansa.
Eto ako ngayon...nagtatrabaho at naiwang kasama ng kapitbahay yung kapatid ko.Hindi halata sakin ang mga karanasang yun.Kinalimutan ko na ang mga yun.Iniwan ko nalang yung kumpanya sa magaling kong tito sa America.
Meanwhile naman...pagkatapos kumain nung dalawa...nagpaalam muna si Ellie sakin....mabait siya...halata ko yun at isa siyang tao na sigurong maraming nagkakagusto dahil sigurado ako sa nararamdaman ko para sa kanya.Ipagkait man ng tadhana...hinding hindi ko papabayaang maagawan at mawalan sa pagkakataong mga mahal ko ang pinag-uusapan.
"...Sa-saan ka uuwi?...ahhh ibig kong sabihin...mag-iingat kayo ni Jen..jan sa daan."
"...Oo naman...salamat ha....sigeh...kitakits!"
Nakalabas na sila agad at naglakad pauwi.Wala kaming masyadong bisita tuwing gabi...Wala naman akong ibang ginagawa kundi maglinis ng maglinis..Magbebreak nalang ako at mapabantay kay Sir.Rex yung store..siya pala yung gwardya..kalbo pero matrabaho.
"...Sir.Rex...kayo muna bantay...Salamat!!" Nagmadali akong tumakbo palabas...kaibigan ko na yan...matagal na kaya...ok lang sa kanya..siguro..
"...Balik ka agad!!" Sigaw niya.
"...Geh~!"
Natanong niyo kaya ako lumabas kasi nga...gabi na diba?...Sabi nga nila...pag gabi...delekado ang mga babae kaya....habol habol ko siya....Nadatnan ko siyang mag-isa...nakauwi na siguro si Jen.Sinundan ko siya....liko dito , liko dun...malapit lang yung bahay niya...hindi kalayuan para bumalik ako agad kaya...sunud-sunod parin ako.
Naglalakad siya....patago-tago ako sa poste..tumigil siya...sumilip ako....may aso pala.....Patay! ayaw ko sa aso.Pano ba yan....mukhang takot ata siya...
".Hmmm ba-babatuhin ko nalang yung aso" Pumulot ako ng bato....paunti-unti...sumisilip ako..
(Bato!....Bato!)
Binato ko....iyan.....nasaktan ata...patay!! Nagalit pa ata!
(Bato!....Bato!)
Binato ko pa ulit...umalis na...iiyak-iyak pa ata...
"Yes!!" Sabi ko.
"...Si-sino yan?......" Papalapit siya sakin sa may poste...nakita pala ako...naghahanap ako ng pagtataguan pero....wala na.Napapikit nalang ako sa kaba...buti nalang.
"Ate!?....Ngayon ka lang rin pala uuwi..san ka pala galing?" Biglang may lumapit na bata sa kanya...mukha namang magkakilala sila....
"(Sheyu...!!!) Kamuntik na ako dun..salamat...baka akalain niya...stalker ako...ayaw ko nga nun...hindi yun bagay para sa totoong ako.."
Naglakad ako pabalik sa trabaho....Nakarating ako makalipas naman siguro ng 10 minutes..Pero pagbalik ko...
"Patay tayo jan!!!...."
Nakita ko nalang...ang haba na nung pila...tulog pa si Sir.Rex....Kinukulit na siya....wala paring kibo......(Diyosko) Lumapit ako at nagbukas agad ng cashier...nagmadali ako kaagad.Natapos ako at...napaubob nalang sa desk sa pagod....wala manlang tulong si Sir.....Nako naman ito..
BINABASA MO ANG
The Great Miss Pretender
Teen FictionMay isang college student na hindi malaman ang dahilan kung bakit siya hinihiwalayan ng mga naging boyfriend niya.....Naging loyal naman siya at honest sa kanila...Paano kung nag-iba siya....nagiba ang ugali at ayaw na ayaw na niyang balikan ang na...