Anthony's POV
Alam niyo yung nakakainis? Yung selos na selos ka na pero kahit may karapatan ka, di mo magawang sabihin! >/<
Ang dami nang nagsasabing napakatanga ko raw dahil nagpapakamartir pa ko sa kanya. Masaya naman siyang wala ako eh. So anong sense ko pa dito? Wala na.
Hay .. :( Ayoko na. :’(
Laban nila ngayon ng Indak Pinoy. Lumaban pa rin siya kahit masama pakiramdam niya. Malamang, andoon si Daniel eh. -____- Di ko na alam gagawin ko. Mahal ko siya. Pero siya kaya mahal pa ako?
I don’t think so. :( </3
Hapon na sila nakabalik ng school. Dumaan siya sa room namin para magpaalam na uuwi na raw siya kasi pinapatawag siya ng main director nila at may taping sila sa Antipolo ngayon.
Isa pa yan. Pinagkakaabalahan niya rin ‘yang pag-e-extra extra niya sa mga TV Shows at pelikula. Which is para sa’kin, nakakainis na. Dahil nawawala na yung time niya sa’kin. :X
Ito na. Buo na desisyon ko. I will do this for a purpose naman eh. Para sa kanya rin naman ‘toh eh. Pag wala na ko di na niya ako aalalahanin. Sabagay, wala naman na yata siyang pakialam sa’kin eh. Wala na ring hadlang sa kanila ni Daniel. Well, goodluck na lang sa kanilang dalawa. -_-‘’
10:09 pm. I text her. ‘’BREAK NA TAYO.’’ Without any explanation. All caps pa para intense. I think this is our last break up. Wala nang balikan ‘toh. </3 :’(
Roxelle's POV
Ang aga ko nagising … At napakaganda naman talaga ng text na bumungad sa’kin … :’(
‘’BREAK NA TAYO.’’ </3
Bakit ga’non siya? Parang sinadya niya pang makipag-break kagabi kasi alam niyang pagod ako. Kasi alam niyang masama pakiramdam ko. Nakakainis! >.<’’ Wala man lang siyang explanation kung bakit siya nakipag-break! :’( And worst is, he doesn’t give me a chance to explain and depend myself … </3
But as of now, maniniwala na lang muna ako sa lagi nilang sinasabing: ‘’Kung kayo, kayo talaga.’’ Maging sila man ni Tricia, pero kung kami talaga, gagawa si God ng way para maging kami ulit. I trust him. Alam kong maaayos pa ‘toh. Di man ngayon, pero darating ang panahon. :/
Anthony's POV
Wala pang isang linggo, pero sobrang nami-miss ko na siya … Ilang araw na lang sana at 1st Anniversary na namin ni Roxelle. :’( Ang tanga tanga ko po ‘noh? Pinakawalan ko ang isang Roxelle Cleo Madronio Daza. </3 She’s almost perfect. Pretty, sweet, popular, kind and understanding. Everything … She’s my ideal girl. ♥
At siguro pag nagka-girlfriend ulit ako, yung ugali pa rin niya yung hahanap-hanapin ko. Si Tricia, halos parehong pareho sila ng ugali ni Xella. Kaya nga siguro ang dali kong magkagusto sa kanya dahil din ‘don.
Kamusta na kaya siya? Sila na kaya ni Daniel? Wala akong balita. Pero one time nakita ko silang magkasabay umuwi. Siguro nga sila na. :’(
Ito ako ngayon, sinasabayang umuwi si Tricia since magkalapit lang din kami ng bahay. Ang saya niya kasama. Kaya kahit sandali, nakakalimutan ko si Roxelle. Minsan nga naisip kong umarteng wala nang pakialam. Nagagawa ko naman pero kapag nakatingin lang siya. Pero kapag di na siya nakatingin at ako naman ang palihim na tumitingin sa kanya, nakokonsensya ko sa mga pinaggagagawa ko.
Minsan nga nagkasalubungan kami ng tingin. At siya pa ‘tong unang bumati na para bang hindi na siya apektado sa mga nangyayari. Siguro nga naka-move on na siya sa’kin. Madali lang naman ‘yon dahil andyan na si Daniel.